teacher,public schools,TikTok,team-00391,livestream,sermon,Titser, Viral Matapos Mag-Livestream Habang Nagsesermon,A teacher who livestreamed her sermon on TikTok is now under investigation by the Department of Education.
LifeNews

Titser Na Nagsermon Habang Naka-Livestream, Pinagpapaliwanag Ng DepEd

Tiniyak ng DepEd na mabibigyan ng psychosocial support ang mga estudyante ng guro.
PHOTO BYSCREENSHOT FROM TIKTOK

Kumakalat ngayon sa social media ang video ng isang titser na diumano ay ni-livestream ang kanyang pagsesermon sa kanyang mga estudyante.

Ayon sa ulat ng 24 Oras news program ng GMA News noong Lunes, March 18, natukoy na ng Department of Education na isang public high school teacher ang nasa video, at binigyan nila ito ng tatlong araw o 72 oras para magpaliwanag sa nangyari. Taga-Metro Manila raw ang guro.

Sa video na nagsimulang kumalat sa TikTok, makikitang matindi ang galit ng guro at mabibigat ang mga binitawang salita sa kanyang mga estudyante. Kapansin-pansin rin na panay ang tingin ng guro sa kanyang camera, na tila aware ito na siya ay naka-livestream habang nagsesermon. Naka-private na ang account ng nag-live nito.

Ang kanyang hinaing: hindi raw siya nirerespeto ng kanyang mga estudyante.

DepEd, pinagpapaliwanag ang titser na nag-livestream ng sermon

Ayon sa panayam ng 24 Oras sa DepEd, iniimbestigahan na nila kung talagang nangyari ang livestream sa harap ng mga estudyante ng guro.

Ibinahagi ni Asec. Francis Cesar Bringas, field operations ng DepEd, kung bakit ganun na lamang ang galit ng guro, "Parang meron yatang nabanggit yung certain group of mag-aaral or students about a personal issue about the teacher. Parang she was disappointed or frustrated na may ganun siyang narinig from one or two of the learners kaya ganun ang kanyang galit."

Nakausap na raw ng principal at schools division superintendent ang guro at in-issue-han na ito ng show cause order noong Lunes ng umaga para siya ay makapagpaliwanag sa nangyari.

Tinitiyak rin ng DepEd na mabibigyan ang mga estudyante ng psychosocial support dahil sa masasakit na salitang binitawan ng guro.

Ayon pa rin sa ulat ng 24 Oras, aalamin raw ng ACT Teachers Party-list kung may pinagdadaan ang guro, at kung may suportang kailangan ito. Subalit ayon kay Rep. France Castro, "Hindi dapat sinasabi yun ng isang teacher, kahit na malaki ang problema niya."

watch now

Mapapanood ang buong ulat ng 24 Oras dito.

Titser, hindi raw nirerespeto ng mga estudyante

Sa video, sinabi ng guro na hindi raw binabayaran ng mga estudyante ang mga guro para magtau-tauhan at gawin nilang katatawanan sa harapan ng klase.

Hindi rin daw ito nag-board exam para lang hindi irespeto ng mga estudyante niyang "wala pang nararating sa buhay."

Hinamon niya ang mga estudyante, mag-board exam din raw sila para malaman nila kung hanggang saan sila.

Binantaan din ng guro ang mga estudyante, "Hindi na nga kayo matalino eh, ang sama pa ng ugali ninyo. Wala kayong mararating. Ako na nagsasabi sa inyo, wala kayong lugar sa mundo."

BASAHIN: Yelling, Name-Calling, Physical Punishment Are More Likely To Cause Mental Health Problems In Kids

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close