-
10 Educational Livestreams Na Pwedeng Panoorin (At Magugustuhan) Ng Mga Bata
Maraming matututunan ang mga anak mo sa mga streams na ito.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Napakalaki nga ng ipinagbago ng ating mga buhay dahil sa banta ng COVID-19. Karamihan na ng mga ginagawa natin ngayon, mula sa pagbili ng ating mga pangunahing pangangailangan, hanggang sa pagtatrabaho, ay ginagawa na natin online.
Online na rin ang pag-aaral ng mga anak natin ngayon. Ang kagandahan nito, maraming online resources na pwedeng gamitin para makapag-aral ang mga bata. Isa sa mga pwede mong gamiting reference o paraan ng pagtuturo ang mga live streams online.
Livestreams na pwede para sa mga bata
1. Guy Harvey
Mas maa-appreciate ng mga anak mo ang iba't-ibang animals sa buong mundo kung nakikita nila ang mga ito sa natural habitat.
Isasama kayo ng kilalang marine artist at conservationist na si Dr. Guy Harvey (Facebook: @DrGuyHarvey) sa kanyang mga expeditions habang nagbibigay ng mga insights tungkol sa karagatan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW2. Monterey Bay Aquarium
Siguradong feel na feel naman ng mga anak mo ang buhay under the sea kung titignan nila ang mga live cameras sa Monterey Bay Aquarium. Mayroon silang Coral Reef Cam, Jelly Cam, Open Sea Calm, at Shark Cam.
Puntahan mo lang ang kanilang website para makita ang latest live feeds mula sa mga cameras nila.
CONTINUE READING BELOWwatch now3. Dav Pilkey At Home
Nanonood ba ang mga anak mo ng dog man at Captain Underpants? Sa pamamagitan ng Dav Pilkey At Home, makikita nila kung paano iginuguhit ang mga characters sa palabas.
Mayroon din silang mga guides at how-tos para matutunan ng mga anak mo kung paano gumuhit ng kanilang sariling superheros at kontrabida.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW4. #DrawTogether With Wendy Macnaughton
Kung gusto mo naman ng mabilis na art lessons, pwede mong ipakita sa mga anak mo ang 30-minute art lessons ni Wendy Macnaughton sa Instagram.
Makikita mo ang iba pang art lessons ni Wendy sa kanyang YouTube account.
5. Goodnight With Dolly
Mahilig ba ang anak mo sa storybooks? Hayaan mong basahan siya ng mga kwento ng batikang mang-aawit na si Dolly Parton.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTuwing huwebes, nagbabasa si Dolly ng mga kwento mula sa kanyang 'Imagination Library'. Siguradong maaaliw ang mga anak mo sa mga kwentong mayroon siya.
6. Harry Potter at Home
Maraming mga magulang sa aming online community ang Potterheads o Harry Potter fans. Kung isa ka sa kanila at gusto mong ipasa sa mga anak mo ang hilig mo sa book series na ito ni J.K. Rowling, pwede mong ipakita sa mga anak mo ang Harry Potter at Home.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSina Daniel Radcliffe at Eddie Redmayne mismo ang magbabasa ng isang chapter ng mga libro ni Rowling. Ilan pang mga sikat na magbabasa ng kwento ay sina Stephen Fry, David Beckham, Claudia Kim, at Noma Dumezweni.
7. Mondays With Michelle Obama
Magiging magandang impluwensiya rin sa anak mo ang Former First Lady ng United States na si Michelle Obama.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMayroon siyang live storytelling sa pamamagitan ng programa ng Penguin Random House na "Read Together, Be Together" literary initiative.
8. Cosmic Kids Yoga
Ito ang magandang paraan para ma-engganyo ang mga bata na mag-exercise. May mga yoga dito na pambata. Sa katunayan, hango pa nga sa Frozen at Moana ang mga routines na ginagawa dito.
9. Mr. Jon and Friends
Pampa-good vibes naman ang mga puppets at musika sa Facebook live na ito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW10. Delish's Cooking Together With Kids
Mini cooking lessons naman ang mayroon dito sa Instagram live na ito.
Karamihan sa mga ingredients ng recipes ay madaling hanapin at siguradong magugustuhan ng mga anak mo ang mga iluluto ninyo.
Ilan lamang ang mga ito sa mga pwede mong ipapanood sa anak mo para mas lumawak pa ang kanyang kaalaman. Magandang paraan din ito para gawing mas interesting ang mga lessons ng mga bata. Halimbawa, kung science ang aralin, pwede kang maghanap ng mga science-related na livestreams.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTandaan lang ang recommended screentime ng mga bata para hindi rin maging gadget-dependent ang anak mo.
Naghahanap ka ba ng learn-at-home options at napapaisip kung magkano ang mga ito? Bisitahin ang Smart Parenting Classroom!
What other parents are reading

- Shares
- Comments