embed embed2
'Proud Dad' Si Vhong Navarro Sa 2 Anak Na College Graduates Na Ngayon
PHOTO BY Instagram/vhongxx4
  • Masayang ibinalita ni Vhong Navarro na pareho nang college graduate ang kanyang dalawang anak, na pawang mga lalaki.

    Ang panganay ni Vhong na si Fredriek Vhong Navarro ay nagtapos ng Bachelor of Science in Information Technology mula sa University of Santo Tomas (UST) noon pang 2020. Pero dahil sa COVID-19 pandemic, nagkaroon lamang siya at kanyang batchmates ng virtual graduation.

    Kuwento ni Vhong sa kanyang Instagram post nitong June 14, 2022: "Akala ko hanggang virtual graduation na lang nung 2020 buti na lang nabigyan pa rin ng pagkakataon na matuloy ngayon!"

    Bumati muli ng "Congratulations" ang dancer-turned-actor at TV host sa tinatawag niyang "Kuya."

    May dagdag pang mensahe si Vhong sa kanyang post na kalakip ang ilang litrato at video na kuha mula sa in-person graduation ni Fredriek.

    Aniya, "Proud kami ng Mommy mo sayo! We love you so much!"

    Hindi public figure ang nanay ni Fredriek at ex-girlfriend ni Vhong. Nabanggit noon ni Vhong sa It's Showtime, kung saan isa siya sa regular hosts, na 19 years old siya nang una siyang maging tatay.

    Nauna nang nag-post si Vhong noong June 10, 2022 para batiin naman ang bunso niyang si Isaiah Vhong Navarro. Si Isaiah, na tinatawag sa nickname na Yce, ang anak ni Vhong sa ex-wife at kapwa niyang artista na si Bianca Lapus.

    Si Yce (gitna) ang only child ng ex-couple na sina Bianca at Vhong. Ikinasal sila noong 1998 at, pagkaraan ng 7 taon, nagkahiwalay at tuluyang nabigyan ng annulment.
    PHOTO BY Instagram/vhongx44
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kasama si Bianca sa ilang litrato na kuha mula sa graduation ni Yce at ibinahagi ni Vhong sa Instagram. Nagtapos din si Yce sa UST, gaya ng kanyang Kuya Fredriek, pero hindi nabanggit kung ano ang kanyang course.

    Sabi ni Vhong sa caption, "Masarap sa pakiramdam bilang magulang na makatapos ng pag-aaral ang anak nila." Dugtong niya, "Maraming salamat @yceking. Sobrang nakaka proud ka! We love you much!"

    Sa parehong post ni Vhong para sa graduation ng kanyang mga anak, ginamit niya ang mga hashtag na #ProudDad at #ThankyouLord.

    Tips para sa daddies

    Upang lumakas at gumanda ang relasyon ng tatay sa anak na lalaki, ito ang mga suhestiyon ng mga eksperto:

    • Totoong makinig at pakinggan ang sinasabi ng anak.
    • Habang bata pa ang anak, hayaan ang sariling makipaglaro kahit pa magpagulong-gulong kayo.
    • Bigyan ng one-on-one time ang anak nang masolo niya ang oras at atensyon mo.
    • Magkaroon ng parehong interest sa anak.
    • Gabayan ang anak sa pagi-isip nang tama at pagtaguyod na sarili niyang lakas at kakayahan.

    Read also: Role of Father: Why Dads Are Important in a Child's Life

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles