;
embed embed2
  • 2-Month-Old Milestones: Nangingilala Na Si Baby

    Nagugulat na rin ang sanggol sa tunog at hinahanap pa niya kung saan nanggagaling ito.
    by Jocelyn Valle .
2-Month-Old Milestones: Nangingilala Na Si Baby
PHOTO BY Shutterstock
  • Tunay na napakasarap pagmasdan ang sanggol. Hindi lang dahil cute siya at cute ang ginawa niya, pero nakakamangha rin na mapanood ang kanyang development. May mga bago siyang nagagawa bilang, halimbawa, 2 month old baby milestones.

    Mga dapat malaman sa developmental milestones

    Simula sa ulo pababa sa paa ang paglago ng sanggol, ayon sa Kids Health. Kaya raw nakakaya muna ni baby na iangat ang kanyang ulo bago pa siya matutong maglakad. Natututo rin muna siyang gamitin ang kanyang mga siko bago ang kanyang mga kamay para makatulak pataas ng kanyang katawan.

    Makakatulong daw ang ganyang kaalaman para masubaybayan mo nang husto ang paglaki ng iyong anak. Iyan din ang ilan sa mga ginagamit ng doktor bilang batayan kung lumalago ang sanggol sa inaasahang panahon.

    Pero tandaan daw na hindi pare-pareho ang development ng lahat ng mga sanggol. May mga mas nauuna at may medyo nahuhuli, gaya ng premature babies. Kaya mainam daw na ipag-alam sa doktor ni baby ang progress nito.

    Mga kaya nang gawin ni baby na 2 months old

    Iba-ibang uri ang development ng sanggol, pero halos sabay-sabay silang nangyayari, ayon pa sa mga eksperto.

    Physical at movement

    • Kapag nakadapa, natutulak ang mga siko para maangat ang ulo at dibdib
    • Kapag nakaupo, steady na ang ulo
    • Kaya na niyang magbukas-sara (close-open) ng mga kamay
    • Maayos na ang galaw ng mga braso at binti

    Rekomendado ng Unicef na magkaroon kayo ng anak ng tummy-time. Ipadapa si baby at humarap sa kanya habang kinanakusap siya. Galaw-galawin ang mga laruan sa kanyang paligid para maenganyo rin siyang igalaw-galaw ang kanyang ulo, pati na mga braso at binti.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Communication at language skills

    • Nangingilala at ngumingiti sa sinumang kumakausap sa kanya
    • Nagpapatunog ng bibig at nagsasabi ng "ooh" o di kaya "ah"
    • Nagugulat sa ingay at hinahanap kung saan ito galing

    Payo ng mga eksperto na kausapin si baby nang mahasa ang kanyang communication skills bilang 2 month old baby milestones.

    Social at emotional

    • Inaalo ang sarili, gaya ng pagsubo ng kamay
    • Naghahanap sa tingin kapag malapit ka sa kanya
    • Ngumingiti kapag masaya

    Dalasan ang skin-to-skin contact, sabi ng mga eksperto. Nakakapagbigay ang init ng ginhawang pakiramdam sa sanggol. Subukan din daw na kargahin ang anak at ilapit siya sa iyong mukha. Magtitigan daw kayo nang makabisa niya ang mukha mo.

    Thinking at learning (cognitive skills)

    • Umiiyak o di kaya namemerwisyo para masabi niya sa iyo na gusto niya ng ibang activity o bagong scenery
    • Pinag-aaralan ang makita niyang mukha o anumang bagay

    Suhestiyon ng mga eksperto na sabihin mo sa kanya ang pangalan ng taong tinitignan niya. Bigkasin mo rin daw ang tawag sa bagay na pumupukaw ng kanyang atensyon.

    Food at nutrition

    • Sa edad 2 months, nakukuha pa rin niya ang kailangang sustanya mula sa breast milk
    • Madali na sa kanya ang pagsipsip at paglunok habang dumedede
    • Nagagalaw ang dila pasulong at paatras
    • Kayang-kaya niyang dumede maging breastfeeding man o bottle feeding

    Tignan kung gutom na si baby mula 8 hanggang 12 na beses sa loob ng 24 oras. Kailangan niya talagang dumede nang husto dahil mabilis din ang kanyang paglaki. Dumudoble ang kanyang timbang sa unang anim na buwan.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kailan dapat mag-alala

    Bantayan ang mga senyales na dapat mong ipagbigay alam sa doktor ni baby. Kabilang diyan ang:

    • Hirap makadede, maging breast milk man o formula milk
    • Maraming natatapon na gatas sa gilid ng bibig habang sinisikap dumede
    • Hindi ngumingiti sa tao
    • Hindi sinusubo ang mga kamay
    • Walang reaction sa ingay, kahit malakas na tunog
    • Hindi sinusundan ng tingin ang tao o di kaya bagay na gumagalaw
    • Hindi kaya angatin ang ulo kapag nakadapa

    Bilin pa ng mga eksperto na sabihan ang doktor ni baby kung nasubukan ang 2 month old baby milestones sa simula, pero biglang tumigil siya sa paggawa ng mga ito.

    Basahin dito para malaman kung kailan nagkakaroon ng sense of humor ang sanggol.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles