;
embed embed2
  • Sumusunod Ng Tingin Si Baby At Naduduling Paminsan! Kasama 'Yan Sa 3-Month-Old Milestones

    Narito ang ilan sa mga pagbabago at kayang gawin ng iyong anak.
    by Anna G. Miranda .
Sumusunod Ng Tingin Si Baby At Naduduling Paminsan! Kasama 'Yan Sa 3-Month-Old Milestones
PHOTO BY Shutterstock
  • Labis na ikinatutuwa ng mga magulang ang 3 month baby milestones ng kanilang anak. Kapansin-pansin din na napakabilis ng paglaki ng baby sa panahong ito.
    Ano-ano nga ba ang maaasahan mong kayang gawin ng iyong 3 months old na anak? Isa-isahin natin ang ilan sa developmental milestones, ayon sa mga eksperto.

    3 month baby milestones

    Simula one month old, kinagigiliwan na ang baby at, base sa isang pag-aaral, meron na siyang sense of humor. May mga bago pa siyang magagawa bilang 2 month old baby milestones at magpapatuloy iyan sa ikatlong buwan.

    Bumibigat at tumatangkad

    Tipikal na nasa 30 percent ng body weight ni baby noong isilang siya ang nadaragdag sa panahong ito, habang 20 percent naman ang kanyang pagtangkad. Hindi na ganoon kabilis ang development sa susunod na quarter ngunit makikita mo pa rin ang ilan pang pagbabago sa kanya.

    Mas aktibo at gumagalaw nang husto

    Matutuwa kang makita na mas mabilis at mas malaki na ang movements o kilos na nagagawa ni baby. Naiaangat niya na rin ang kanyang ulo, pati na ang kanyang dibdib gamit ang upper body kapag nakadapa siya. Makikita mo ring may sapat na siyang lakas sa kanyang lower body.

    Dagdag diyan ang mas madalas niyang pag-inat o mag-stretch at sumipa. Dahil sa kanyang baby push-ups, mas nagiging malakas ang kanyang mga binti. 

    Mas lumalakas at bumibilis

    Lumalakas ang katawan ng iyong baby, partikular ang kanyang neck strength. Nababalanse niya ang kanyang ulo at sa panahong ito, mas lumalakas din ang kanyang core muscles. Kahit hindi pa siya makatayo o makaupo nang tuwid nang mag-isa, dito na siya nagsisimulang sumubok. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nasusundan ng tingin ang mga bagay at tao

    Kapag may sinusundan ng tingin si baby, may tendency na naduduling siya. Tinuturing pa rin itong normal basta't minsan lang ang pagkaduling. Ito rin ang panahong pinakamainam na ipakilala sa iyong anak ang malalambot na mga laruan at crib mobiles.

    Isa sa early signs ng eye-hand coordination ang paggamit ng iyong anak sa kanyang mga kamay upang abutin ang mga bagay na nakikita sa paligid, tulad ng mga laruan at pagkain. Madalas ding nagsasanay ang iyong anak sa paghawak sa mga bagay na kanyang nakikita.

    Mas nagiging interesado sa sarili at sa paligid

    Dahil mas nagiging curious o nagtataka si baby, mapapansin mo namang mas engaged sa paligid at madalas kang pinagmamasdan o tinititigan. Kapag nakaririnig ng ingay, lilingon siya upang makita kung saan ito nagmumula. Ito rin ang panahong nagsisimula na siyang mawili sa pakikinig ng musika. 

    Natututo na rin siyang kumindat, pumikit, ngumiti, at obserbahan ang lahat sa kanyang paligid. Gustong-gusto niya ang makukulay na mga bagay. Mas madali kasing makita ang sharp contrasts. Nakikilala na ng iyong baby ang kanyang paboritong laruan, at kahit mga tao, mula sa malayo. Dito na rin niya sinisimulang pagmasdang mabuti ang sariling repleksyon sa salamin.

    Ginagaya ang mga tunog na naririnig

    Nagsisimula na ring maging madaldal ang iyong anak. Maririnig mo siyang gumagawa ng iba't ibang mga tunog. Maaari mo na ring ipakilala ang mga simpleng tunog at mga salita tulad ng "mama," "papa," at iba pa. Dahil pamilyar na ang ilang mga tunog at boses, nakararamdam na ng tuwa ang iyong baby sa inyong mga “kuwentuhan.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mahimbing na pagtulog

    Nagma-mature na ang nervous system ng iyong baby sa panahong ito. Ang kanyang tiyan ay kaya na ring mag-imbak ng mas maraming gatas o formula. Dahil dito, mas tumatagal ang kanyang tulog. Tipikal sa tatlong buwang mga sanggol ang pagtulog sa loob ng anim hanggang pitong oras sa gabi at pag-siyesta sa loob ng isa't kalahati hanggang dalawang oras sa tanghali o hapon. (Basahin dito ang baby sleep guide.)

    Madalas na paglalaro

    Mas nawiwili sa paglalaro ang iyong baby! Kapansin-pansing mas expressive siya. Nagugustuhan na rin niyang maging center of attention. Kapag mas marami na siyang nakikilalang mga tao, natututo rin siya kung paano makitungo sa mga ito. Ngingiti siya, tatawa, at mas lalong mahihiligan ang paglalaro. 

    Bilin ng mga eksperto na mahalaga ang laro sa pang-araw-araw na routine ng iyong anak. Mas mabuti raw kung ikaw mismo ang kasama niya sa paglalaro upang makabuo rin ng matibay na bond o ugnayan sa inyong dalawa. Nakatutulong din ito sa pag-stimulate sa kanyang utak at pisikal na paglaki o development.

    Kapag ikaw ay titigil sa pakikipaglaro, posibleng umiyak ang iyong anak. Mas nagiging communicative kasi siya at mas gustong makipaglaro lamang. Tandaan ang 3 month baby milestones na ito ay gabay lamang upang ma-track mo rin ang progress ng iyong anak. 

    Sa edad na tatlong buwan, sadyang napakasayang kasama at masarap alagaan ang iyong baby! Huwag ding agad na mabahala sakaling nahuhuli siya dahil magkakaiba ang pace ng development ng mga sanggol.

    Mga dapat bantayan

    Sa kabilang banda, may ilang palatandaan na posibleng developmental red flags o mga bagay na dapat ikonsulta sa doktor. Kung napupuna mo ang mga sumusunod, payo ng mga eksperto, agad na komunsulta sa pediatrician:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Hindi siya ngumingiti kapag nakikita ka
    • Hindi ngumingiti ang iyong baby sa pamilyar na mga mukha
    • Hindi niya inaabot ang mga laruan upang ilagay sa kanyang bibig
    • Hindi siya interesado kapag may mga bagong nakikitang tao o bagay
    • Madalas ang matagal na pag-iyak ng iyong baby. Baka dahil ito sa reflux.
    • Hindi sinusubukan ng iyong baby na gayahin ang mga tunog na kanyang naririnig
    • Hindi tumutugon ang iyong anak sa tunog ng iyong boses at sa mga ingay sa paligid
    • Napadadalas ang pagkaduling niya at hirap kontrolin ang isa o parehong mga mata
    • Hindi siya makapag-focus at makasunod sa mga bagay gamit ang kanyang mga mata
    • Hindi nagagawa ng iyong baby ang pagtulak pababa sa kanyang mga binti kapag sinusubukan mo siyang patayuin
    • Hindi pa niya mabalanse o masuportahan nang mabuti ang kanyang ulo kapag karga mo siya o kapag nakadapa siya

    Paalala ng mga eksperto na mahalaga ang pagkonsulta sa doktor tungkol sa kalusugan ng iyong 3-month-old na anak. Mas mainam daw kasi kapag nababantayan nang mabuti ang kanyang paglaki at developmental milestones at sinusuportahan nang maigi ang paglinang sa kanyang kakayahan.

    Para mas masubaybayan ang 3 month baby milestones at mga susunod pa, mayroong app na nakapagta-track ng kanyang development? Maaaring gamitin ang checklist nang magabayan mo na rin ang iyong anak.

    Basahin dito tungkol sa developmental delay na may kinalaman sa pagsasalita.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles