eye problems,sp forum,ParentChat,ask the doctor,greener,bakit nagmumuta ang mata ng baby,scr23,r08-judy,scr24,pagmumuta,eye discharge,Bakit Nagmumuta Ang Mata Ng Baby | Smart Parenting,bakit nagmumuta ang mata ng baby, eye problems, neonatal conjunctivitis, eye discharge, baby's health, bakit nagmumuta ang baby,Mga limang senyales na dapat bantayan ng magulang kung bakit nagmumuta ang mata ng baby.
ParentingBaby

Nagmumuta Si Baby? 5 Senyales Na Dapat Ipatingin Sa Doktor

May mga dahilan at solusyon.
PHOTO BYShutterstock

Fact-Checked by Ronna Capili Bonifacio

Ang article na ito ay unang naipublish noong Mayo 3, 2021. Nadagdagan ito ng updates noong Agosto 30, 2024.


Para sa mga magulang, lalo na kung first-time parents, ang daming bagong nadidiskubre tungkol sa anak. Kung may mga nakakatuwa, meron din namang nakakabahala. Isa na diyan ang kung bakit nagmumuta ang mata ng baby nang may kadalasan.

Ilang mommies sa Parent Chat community ng SmartParenting.com.ph ang may halos parehong karanasan at mga katanungan. Sabi ng isa sa kanila: "My Baby Alex has eye discharge in her right eye. Parang nagmumuta siya."

Sabi ng isa pang miyembro, "Naku, 'yung baby boy ko grabe discharge sa eyes niya ngayon. Naaawa na nga ako kasi nasasaktan siya pag bagong gising."

May pag-aalala namang kwento ng isang mommy, "My baby is 2 weeks old pa lang. Pansin ko po 'yung right eye ni baby nagmumuta, pero 'yung sa left naman wala. Hindi naman namumula."

Mga posibleng dahilan kung bakit nagmumuta ang mata ng baby

Nagbigay ng paliwanag si Dr. Claire Chan Lim, isang pediatrician, sa panayam niya sa SmartParenting.com.ph. Aniya, depende sa klase ng eye discharge at kalagayan ng mata ng sanggol ang magsasabi kung ano ang sanhi ng pagmumuta at paano ito magagamot.

Blocked nasolacrimal duct

Ang malapot na lumalabas sa mata (sticky eye discharge) ay pangkaraniwang nangyayari sa mga sanggol, ayon kay Dr. Lim. Kapag daw ang puting parte ng mata, o ang tinatawag na sclera, ay malinaw naman at walang pamumula, malamang mayroon lamang pagbabara sa mata.

Ang medical term para sa ganyang pagbabara ay blocked nasolacrimal duct. Madalas daw nagkakaroon ng pagbabara sa isang mata lamang, pero puwede ring madamay ang isa pang mata.

Hindi na raw kailangan ng medical treatment para sa blocked nasocrimal duct dahil kusa itong gumagaling. Pero makakatulong ang warm compress at gentle massage na maibibigay kay baby. Gawin lang daw ito sa "inner portion of the eyes just above the nosebridge" para lumabas ang luha.

watch now

Neonatal conjunctivitis o ophthalmia neonatorum

Kapag ang eye discharge ay "crusty, yellowish, or prulent" at apektado ang parehong mga mata, baka may mas malalim ng dahilan sa pagmumuta ng sanggol. Lalo na raw kung nagsimula itong mangyari sa unang buwan ng kanyang kapanganakan.

Sa tingin ni Dr. Lim, maaaring nagtamo ng infection si baby habang lumalabas sa birth canal ni mommy at nagkaroon ng contact. Posible lang raw iyan kung ang nanay ay mayroong sexually transmitted disease, tulad ng chlamydia o di kaya gonorrhea.

Hindi raw dapat balewalain ang ganitong klaseng magmumuta ni baby para hindi humantong sa "conjunctival scarring leading to permanent visual impairment."

Ang kadalasang treatment daw dito ay ang malimit na paglilinis ng eye discharge ni baby gamit ang bulak at ang pagpapahid ng antibacterial eye creams, gaya ng erythromycin, na nireseta ng doktor.

Mga senyales na dapat ipatingin ang magmumuta sa mata ng baby

Sabi ni Dr. Lim, may rason kung bakit dapat mag-alala ang magulang kung ang kanilang sanggol ay mayroon nito sa mata:

  • Redness o pamumula ng mata
  • Eye discharge o pagmumuta
  • Excessive tearing of the eyes o grabeng pagluluha
  • If the baby cannot open his or her eye o hindi mabuksan ang mata ng sanggol
  • The affected area is tender to touch and the skin around the eye is red o maga at mapula ang balat sa paligid ng mata ni baby

Mahalaga raw na maipatingin na si baby sa kanyang doktor. Samantala, narito ang puwede munang gawin ng magulang bilang pag-aalaga sa anak:

  • Punasan ang eye discharge gamit ang sterile cottonball o di kaya ang bulak na sinawsaw sa maligamgam na tubig.
  • Painitin ang mga daliri bago imasahe si baby sa parteng gitna ng mga mata at itaas ng nose bridge. Makakatulong ang init mula sa mga daliri na paluwagin ang pagbabara sa mga mata at tuluyang dumaloy ang mga luha.
  • Siguraduhin na hindi nalalagyan ng bula mula sa sabon ang mga mata ni baby habang pinapaliguan siya.
  • Gumamit lamang ng antibiotic eye ointments, tulad ng erythromycin, kung nireseta na ng doktor upang magamot kung bakit nagmumuta ang mata ni baby.

    Mga maling paniniwala ukol sa pagmumuta ng mata sa sanggol


    1. Ang pagmumuta ay normal sa mga sanggol.

    Hindi lahat ng pagmumuta ay normal, at ang ilang uri nito ay maaring magtaglay ng mga komplikasyon. Mahalaga ang regular na pagsusuri ng doktor upang matukoy ang sanhi at tamang pangangalaga dito. Merong maaring magpayo na hayaan lang ito mawala, ngunit mas mainam na ikonsulta ito sa pediatrician kung mayroong ibang sintomas gaya ng nasabi sa itaas.

    2. Iisa lang ang sanhi ng eye discharge.

    May iba't ibang uri ng eye discharge, at ang bawat isa ay maaaring may kanya-kanyang sanhi at pangangailangan ng treatment. Hindi dapat balewalain ang anumang di kapani-paniwala o di pangkaraniwang mga pagbabago sa mata ng sanggol.

    3. Hindi ito magiging dahilan ng pinsala sa mata.

    Ang ilang uri ng eye discharge ay maaaring magdulot ng pinsala sa mata at maaring makaapekto sa pag-unlad ng paningin ng sanggol. Ang pagiging maagap sa pag-consult sa doktor ay mahalaga upang mapanatili ang malusog na mata.

    4. Ang natural na pamamaraan para gamutin ito ay laging ligtas.

    Bagaman maraming natural na paraan para masolusyunan ang pagmumuta ng mata ng sanggol, hindi lahat ito ay ligtas para sa lahat. Ang ilang natural na sangkap ay maaring magdulot ng irritation. Ang payo ng doktor ay mahalaga upang masiguro ang kaligtasan ng sanggol.

    Dapat bang mabahala kung nagmumuta ang mata ng sanggol


    Ayon sa mga eksperto, ang ilang uri ng eye discharge, tulad ng neonatal conjunctivitis, ay maaring magdulot ng permanenteng pinsala sa mata kung hindi ito maagapan ng maayos.

    Kung napapansin mong patuloy na nagmumuta ang mata ng iyong sanggol, mahalaga na agad mo itong ipa-consult sa iyong pediatrician. Ang maagang pagkilala at paggamot sa anumang isyu sa mata ay maaaring makatulong sa pag-iwas ng mga komplikasyon.

    Ang mga regular na pagsusuri ng mata ng isang pediatrician ay mahalaga para maagapan ang anumang isyu sa mata ng sanggol at mapanatili ang kanyang malusog na paningin.

    Ang pangangalaga sa mata ng sanggol ay bahagi lamang ng pangkalahatang pangangalaga sa kanyang kalusugan. Ang tamang nutrisyon, regular na check-ups, at iba pang pangunahing pangangailangan ay makakatulong sa pangangalaga sa buong kalusugan ng sanggol.

    Gabay sa wastong paglilinis ng mata ng sanggol

    Ang wastong paglilinis ng mata ng sanggol ay mahalaga upang maiwasan ang impeksyon at discomfort. Narito ang step-by-step na gabay ayon sa American Academy of Ophthalmology (AAO) at Mayo Clinic para masiguro na ligtas at epektibo ang paglilinis ng mata ni baby:

    1. Hugasan ang iyong kamay.

    Bago mo hawakan ang mata ni baby, tiyaking malinis ang iyong mga kamay. Hugasan ito gamit ang sabon at maligamgam na tubig upang maiwasan ang paglipat ng mikrobyo sa mata ni baby.

    2. Gumamit ng malinis na cotton ball o bulak.

    Kumuha ng isang malinis na cotton ball o bulak. Siguraduhing ito ay sterile upang maiwasan ang anumang kontaminasyon. Kung walang available na sterile cotton, puwede kang mag-sterilize ng bulak sa pamamagitan ng paglalagay nito sa mainit na tubig at pagkatapos ay hayaang lumamig. Isawsaw ang cotton ball o bulak sa maligamgam na tubig. Siguraduhing hindi ito masyadong basa para maiwasan ang pagpatak ng tubig sa mata ni baby.

    3. Punasan ang mata ni baby.

    Marahan at dahan-dahang punasan ang mata ni baby mula sa inner corner (malapit sa ilong) patungo sa outer corner. Gawin ito sa isang direksyon lamang upang maiwasan ang pagkalat ng anumang dumi o bacteria sa iba pang bahagi ng mata. Para sa bawat mata, gumamit ng bagong cotton ball o bulak. Iwasan ang paggamit ng parehong bulak sa magkabilang mata upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon mula sa isang mata patungo sa kabila. Kung maraming discharge sa mata ni baby, maaaring kailanganing ulitin ang proseso nang ilang beses hanggang sa malinis na ang mata. 

    4. Kumonsulta sa doktor kung kailangan.

    Kung ang eye discharge ni baby ay hindi nawawala o may kasama nang ibang sintomas tulad ng pamumula o pamamaga, mahalaga na agad na kumonsulta sa pediatrician. Ang regular na konsultasyon ay makakatulong upang masigurong nasa tamang kalusugan ang mata ni baby.

    Basahin ang mga iba pang pwedeng maging sakit sa mata ng bata dito.

    Trending in Summit Network

    lorem ipsum

    Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

    Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
    Read more
    lorem ipsum

    Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

    Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
    Read more
    lorem ipsum

    Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

    Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
    Read more
    Close