-
4 Senyales Na Allergic Conjunctivitis Ang Dahilan Ng Pamamaga Ng Mata
Iba pa ito sa alam nating sore eyes, na dulot naman ng infection.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Kapag may pamamaga ng mata, kadalasang iisipin kaagad na may sore eyes dulot ng infection. Pero posible rin ang pamamaga ng mata dahil sa allergy, ayon sa mga eksperto.
Mga dapat malaman tungkol sa pamamaga ng mata
Tinatawag ang pamamaga ng mata bilang eye inflammation. Ito ay ayon sa Prevent Blindness, ang kinikilalang nangungunang grupo ng volunteer para sa eye health at safety sa United States.
Nangyayari ang eye inflammation bilang tugon sa infection, allergy, autoimmune disorder, irritation, injury, o di kaya trauma sa mga mata at tissues sa paligid nito. Maaaring maapektuhan ang ibang parte ng mata, depende sa sanhi ng pamamaga.
Pangkaraniwan daw ang eye inflammation, at puwede itong mangyari sa sinuman kahit ano pa ang edad. Pero nakadepende ang ibibigay na gamot sa pamamaga ng mata sa kung ano ang uri at gaano kalala ang kondisyon.
Kadalasang nagagamot ang eye inflammation, pero may ilang pagkakataon na nauuwi ito sa seryosong sakit at panganib sa pagkasira ng paningin. Kaya mahalaga na maagapan ito at matignan ng espesyalista sa mata.
Pamamaga ng mata dahil sa allergy
Kilala sa tawag na allergic conjunctivitis ang pamamaga (inflammation) ng conjunctiva, o ang tissue na bumabalot sa loob ng mga talukap ng mata (eyelids) at ang puti ng mata. May paliwanag si Dr. Sezen Karakus, isang ophthalmologist sa Wilmer Eye Institute ng Johns Hopkins Medicine.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAniya, sanhi ang allergic conjunctivitis ng allergens o di kaya irritants. Kabilang diyan ang bulo ng bulaklak (pollen), alikabok (dust), at amag (mold). May dalawa raw uri ng allergic conjunctivitis:
Seasonal allergic conjunctivitis
Nangyayari ito sa partikular na panahon lamang, pati na kapag may exposure sa pollen, grass, at iba pang nililipad ng hangin (airborne allergens).
Perennial allergic conjunctivitis
Nangyayari ito anumang araw sa buong taon, at kadalasang nagmumula sa allergen sa loob ng bahay (indoor). Ilang sa mga halimbawa ang alikabok, amag, at dumi ng hayop (animal dander).
Mas kaunti ang sintomas ng allergic conjunctivitis kumpara sa infectious conjunctivitis. Ito iyong sanhi ng infection mula sa virus, bacteria, parasite, o di kaya fungus. Paliwanag naman ni Dr. Richard Gans, na isa ring ophthalmologist, sa Cleveland Clinic.
Ang mga pangkaraniwang sintomas ng allergic conjunctivitis ay:
- Pamumula ng mga mata
- Sobrang pangangati ng mga mata na tila umaapoy pa
- Pamamaga ng eyelids
- Watery discharge
Puwede rin daw makaramdam ng pangangati ng ilong, pagbahing, o pagtulo ng sipon.
Mga dapat gawin sa pamamaga ng mata dahil sa allergy
Payo ng mga eksperto na magpatingin sa iyong doktor para malaman kung mayroon ka ngang allergic conjunctivitis. Kadalasan daw na magrereseta ang doktor ng anti-allergy eye drops o di kaya oral medications. Maaari rin daw makatulong ang artificial tears na mabibili over-the-counter.
Suhestiyon pa ni Dr. Karakus na bigyan ng cold compress ang mga mata nang maibsan ang pamamaga.
Mahalaga rin daw na gumawa ng mga hakbang para bumaba ang tyansa ng pag atake ng allergic conjunctivitis. Subukan gawin ang mga sumusunod:
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos- Iwasan ang exposure sa allergens
- Isara ang mga bintana nang hindi makapasok ang airborne allergens
- Gumamit ng air purifier upang makontra ang indoor allergens
- Maghilamos kaagad pagkatapos magkaroon ng exposure sa allergens, tulad ng dust at pollen
- Labhan nang mabuti ang mga damit nang makasigurong hindi kumakapit ang allergens
- Maligo bago matulog
- Siguraduhin na malinis ang contact lens at ang lalagyan nito
- Ugaliin ang pagpapalit ng contact lens solution araw-araw
Paalala ni Dr. Gans na hindi nakakahawa ang allergic conjunctivities, kumpara sa infecitous conjunctivitis. Pero malaking pasanin daw ang pamamaga ng mata dahil sa allergy, kaya mainam na gawin ang prevention para hindi na mahirap ang treatment.
Basahin dito tungkol sa masakit ang mata at dito nang malaman ang bukol sa mata.
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.


- Shares
- Comments