kuliti,eye problems,Tagalog,mata,greener,bukol sa mata,Bukol Sa Mata | Smart Parenting,bukol sa mata, eye problems, problema sa mata, kuliti, stye, eye cancer,Bukod sa kuliti, may iba pang mga posibleng sanhi ng bukol sa mata.
HealthYour Health

Bukod Sa Kuliti, May Iba Pang Posibleng Sanhi Ng Bukol Sa Mata At Paano Magagamot

Mainam na bantayan ang mga senyales.
PHOTO BYShutterstock

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Isa ang mata sa mga pinakaiingatan na parte ng katawan, kaya nakakakaba kapag may kakaiba kahit sa paligid lang nito, tulad ng talukap (eyelid). Pangunahin diyan ang bukol sa mata, na maaaring mas seryoso sa pamamaga ng upper eyelid.

Mga posibleng sanhi ng bukol sa mata

Kapag sinabing may bukol sa mata, kadalasang ibig sabihin nito ay iyong nakikitang umbok (lump) sa labas o paligid nito. Pero puwede rin namang makaroong ng tumor sa mata mismo, sabi pa ng mga eksperto.

Stye

Kilala ang stye ng mga Pinoy bilang kuliti. Isa itong uri ng infection na dahilan ng pasulpot ng mapula at makirot na umbok sa may gilid ng mata o di kaya sa talukap nito. Kapag tumubo ito sa loob ng talukap, sabi ng University of Michigan Health (UMH), tinatawag na itong internal hordeolum.

Ang infection ay nagmumula sa bacteria, na kadalasang tumutubo sa ugat (follicle) ng pilikmata at nagiging stye. Kung internal hordeolum naman ito, galing ang infection sa alinmang maliit na oil glands sa loob ng eyelid.

Sa simula, sabi pa ng mga eksperto, aakalain mong tigyawat (pimples) lang ito. Pero kalaunan, mamamaga ito at kikirot hanggang mapansin mong may laman itong tubig. Tinatayang tatlong araw bago pumutok ang kuliti at lumabas ang laman. Pagkaraan ng halos isang linggo, tuluyan itong matutuyo at maghihilom.

Chalazion

Isa pa itong uri ng umbok sa talukap ng mata, pero kumpara sa stye, mas malaki pero hindi naman makirot ang chalazion (o chalazia kung plural form). Tumutubo ito kapag barado ang oil gland sa eyelid o kung hindi pumutok at naghilom ang internal hordeolum.

Nagsisimula ang chalazion, ayon pa sa mga eksperto, bilang isang matigas na umbok (cyst) sa ilalim ng balat ng eyelid. Matagal ang paglaki nito kumpara sa stye. Pero kapag lumaki naman nang husto, puwedeng makaapekto ito sa paningin at kumalat sa paligid ng mata. Kusa raw itong gumagaling sa loob ng ilang buwan.

May mga paraan naman upang mapadali ang paggaling ng stye at chalazion, gaya ng mga suhestiyon ng mga eksperto:

  • Salitan na warm at wet compress mula 5 hanggang 10 minuto na gagawin mo ng 3 hanggang 6 na beses kada araw. Makakatulong daw ito para pumutok at lumabas ang laman ng kuliti.
  • Subukan na pahiran ang kuliti gamit ang stye ointment o di kaya eyewash solution, pati na ang medicated pads.
  • Iwasan na tusukin, tirisin, at putukin ang kuliti.
  • Iwasan muna ang paglalagay ng eye makeup sa parteng may kuliti.
  • Iwasan muna ang pagsusuot ng contact lens.

Kailan dapat mabahala sa bukol sa mata

Kung lumala ang kuliti at lumaki ito nang husto, bilin pa ng mga eksperto na komunsulta na sa doktor. Baka raw kasi may mas seryosong dahilan ang bukol sa mata.

Eye tumor

Ang bukol o tumor sa mata ay maaaring maghatid ng eye cancer. Malalaman ito sa pamamagitan ng eye test, sabi ng United Kingdom National Health Service (NHS). Pero mainam daw kung babantayan ang mga ganitong sintomas:

watch now
  • Lumalaking bukol sa mata o di kaya sa talukap ng mata
  • Pagkakaroon sa paningin ng anino, kumukurap na liwanag, o kaya gumagalaw na linya
  • Paglabo ng paningin
  • May maitim na tumatakip sa mata, at lumalaki ito
  • Paminsan-minsang pagkawala ng paningin
  • Pag-usli ng isang mata
  • Pagkirot sa mata o paligid nito (madalang itong mangyari)

Ang eye cancer, ayon sa American Academy of Ophthalmology (AAO), ay isang malignancy na nagsisimula at lumalaki sa mata. Malignancy ang tawag sa grupo ng cancer cells. Hindi raw sila mga tipikal na cancer cells dahil mabilis at hindi makontrol ang kanilang pagdami. Kaya rin daw nilang umatake sa iba pang parte ng katawan.

May ilang uri ng cancer sa mata, gaya ng:

  • Ocular melanoma
  • Primary Intraocular Lymphoma
  • Retinoblastoma
  • Ocular metastases
  • Orbital cancers
  • Adnexal cancers

Kaya bilin ng mga eksperto na magpatingin kaagad sa doktor upang masuri ang lumalaki at lumalalang bukol sa mata.

Basahin dito tungkol sa sugat sa mata at dito tungkol sa gamot sa nagluluhang mata. 

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close