embed embed2
  • May Mga Mas Mabisang Paraan Kaysa Sa Paggamit Ng Bigkis Sa Baby, Ayon Sa Doktor

    Dapat ba o huwag nang gumamit ng bigkis?
    by Jocelyn Valle .
May Mga Mas Mabisang Paraan Kaysa Sa Paggamit Ng Bigkis Sa Baby, Ayon Sa Doktor
PHOTO BY Shutterstock
  • Kung new mom ka at may kasama sa bahay na ika nga nila “oldies,” malamang nasabihan ka nang gumamit ng bigkis sa baby. Pero salungat naman ito sa bilin ng doktor ng iyong anak. Mainam na malaman muna kung bakit dapat o hindi dapat gumamit nito.

    Iba-ibang paniniwala tungkol sa bigkis

    Maraming mommy ang nagtatanong, halimbawa, sa Parent Chat online community ng SmartParenting.com.ph.

    Sabi ng isa sa kanila, “I have a concern on bigkis. No’ng may newborn kayo, gumamit ba kayo ng bigkis? Kasi may nababasa ako na di maganda mag-bigkis. Pero alam niyo naman mga oldies, like my mom at in-law, pinabibili ako ng bigkis at pinadamihan pa.”

    Dagdag tanong ng isa pang mommy, “Ask ko lang ilang buwan po dapat nakabigkis ang baby? Baby ko kasi girl. ’Yung mga oldies dito sa ’min, sabi dapat daw hanggang 6 months, or 1 year pa nga. Para daw magkahubog bewang ni baby. Kaya lang, ’yung mga pedia, ayaw talaga nila binibigkisan ang baby (bakit kaya).”

    Napaisip din ang isa pang miyembro: “Oo nga, ba’t kaya dini-discourage na ’yung paglalagay ng bigkis e no’ng unang panahon, ginagawa naman ’yun. For sure, karamihan sa ’tin, nakaranas din no’n no’ng baby pa tayo.”

    Ano ang silbi ng bigkis sa baby?

    Tradisyunal na ginagamit ang isang mahabang piraso ng tela, tulad ng puting lampin, biglang bigkis sa beywang ni baby para matakpan ang pusod (belly button) nito. Hindi lang ito ginagawa sa Pilipinas, pero sa iba pang mga panig ng mundo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagbigay ng paliwanag si Dr. Ina Atutubo sa artikulo na kanyang sinulat para sa SmartParenting.com.ph noong July 2011. Aniya, kilala ang bigkis bilang belly binder sa United States at meron pang designer version nito.

    Para magkakorte ang beywang paglaki ni baby

    Sabi ni Dr. Atutubo, may mga elders na naniniwalang makakatulong ang bigkis na lumaki ang baby girl na flat ang tiyan at sexy ang pangangatawan. Kaya hinihigpitan ang pagbalot ng bigkis sa palibot ng beywang ng sanggol.

    Pero, ayon naman kay Dr. Atutubo, mas epektibo pa rin ang diet at exercise na gawin paglaki ni baby upang gumanda ang hubog ng katawan at kanyang over-all health.

    Para magkaroon ng "perfect innie" pusod

    Sinasabi rin daw ng elders na ang paggamit ng bigkis sa baby ay makakatulong upang hindi lumuwa (outie) ang pusod at maging "perfect innie" ito. Ang iba nga raw nagi-ipit pa ng barya para masigurong intact ang "abdominal contents" at hindi makaranas ng umbilical hernia si baby.

    Sabi naman ni Dr. Claire Chan Lim, isang pediatrician, sa interview niya kamakailan sa SmartParenting.com.ph, mas bibilis ang paghilom at pagkatuyo ng umbilical stump kung mahahanginan ito at hindi nababalutan ng bigkis. Kailangan din na linisan ang pusod gamit ang 70% isopropyl alcohol.

    Saad pa niya, "Most of umbilical hernias always close on their own as child grows and their abdominal muscles fully develop." Kaya hindi na raw ina-advise ng pediatricians ngayong panahon ang paggamit ng bigkis para sa ganyang layunin.

    Para magamot ang sakit sa tiyan ni baby

    May matandang paniniwala rin na makakatulong ang bigkis na magamot at maiwasan ang kabag ni baby. Napapainit daw kasi ng bigkis ang tiyan ni baby kaya nakokontra nito ang hangin na pumapasok sa tiyan ni baby.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Payo naman ni Dr. Lim na bigyan ng masahe ang tiyan ni baby gamit ang hindi kainitan (warm) mineral oil para maibsan ang hangin sa tiyan. Kargahin din daw si baby sa upright position para mabawasan ang hangin sa tiyan nito.

    Subukan din daw ni mommy ang "tummy time" araw-araw para kay baby. Ipatong lang daw niya ang sanggol sa kanyang tiyan habang gising ito at bantayan lang maigi. Mas mainam daw iyan kaysa gumamit ng bigkis sa baby.

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles