;
embed embed2
  • It's A Girl! Ang Cute Ng Baby Gender Reveal Nina John Prats At Isabel Oli

    Isinabay nila ito sa selebrasyon ng kaarawan ni John.
    by Ana Gonzales .
  • Sa pinakahuling vlog ng celebrity couple na sina John Prats at Isabel Oli, ini-reveal na nila sa wakas ang gender ng kanilang paparating na baby.

    Sa video na inilabas nila noong May 30 at shinoot noong February 14, 18 weeks pregnant pa lang si Isabel. "Today is my husband's birthday celebration," pagsisimula niya sa video. "At the same time, our secret will be revealed, because I am, 18 weeks pregnant."

    Ani Isabel, isinabay na rin nila ang gender reveal. "Sinabi ko na ito last time, that this will be my last," biro niya. "Ngayon sasabihin ko nanaman na last ko na itong gender reveal," dagdag pa niya.

    What other parents are reading

    "Actually, ito, idea ni Live 'to kung paano ire-reveal si Baby #3," sabi ni John. "Ako lang 'yung nag-execute niyan." Makikita sa vlog na kumpleto ang mga kaibigan at malalapit na kaanak ng mag-asawa.

    Kasunod ng party ang creative na gender reveal na nagsimula sa pamamagitan ng isang cute na cute na video presentation.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Si John ang nagna-narrate ng video na nagpakita kung paano sila nagkakilala ni Isabel. Ipinakita rin ang paglaki ng kanilang pamilya. "Actually, sinabi ko na kina mommy at daddy na okay na ako sa dalawang anak," sabi ni John sa video. "Pero kung bibigyan pa kami, mas okay!"

    "Hanggang sa dumating na nga ang isa pang pagkakataon," pagpapatuloy ni John. "Biniyayaan kami ng isa pang bata."

    Excited ang mga kaibigan at kapamilya ng mag-asawa nang dumating na sa bahagi ng video na ire-reveal ang gender ni Baby #3.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Hiyawan ang lahat nang i-reveal na ngang magkakaroon sila ng baby girl. "It's a baby girl!" sabi ni John. "Sa generation ng Prats, isa pa rin," biro niya. "Dad ba't malungkot ka?" sabi pa niya, habang tawanan naman ang mga bisita.

    Pwede mong panooring ang buong video nila dito sa link na ito.

    Paano ninyo gagawin ang gender reveal ngayong nasa new normal na tayo? I-share mo lang 'yan sa comments section.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles