Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • First Christmas Ni Baby! Ilang Paraan Para Gawin Itong Mas Masaya

    Isa ito sa mga milestones ni baby na nakakatuwang i-document.
    by Ana Gonzales .
First Christmas Ni Baby! Ilang Paraan Para Gawin Itong Mas Masaya
PHOTO BY Gwen Bayani Pizarra
  • Unang Pasko ba ng baby mo ngayong taon? Bukod sa pagbibigay sa kanya ng regalo, marami pang paraan para gawing mas espesyal ang kanyang unang holiday season.

    PHOTO BY Sheryl Quarte

    Ang maganda pa rito, ano mang uumpisahan ninyong gawin ngayong taon ay maaaring maging tradisyon ng inyong pamilya hanggang sa paglaki ng iyong anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY Kathleen Gaviola Chua

    Narito ang ilang magagandang suggestions:

    More from Smart Parenting

    Gumawa ng family Christmas card

    Hindi mo kailangang gumastos ng malaki para dito. 

    PHOTO BY Lea Manille Tee Ching
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa katunayan, may mga apps na ngayon na pwedeng i-download para doon ka makapagedit ng inyong family Christmas card.

    PHOTO BY Chell Valenzuela

    Pwede mo itong ipadala online sa iyong mga kapamilya at kaibigan kung gusto mong mas maging environment-friendly pero pwede mo rin itong i-print sa maliliit lang na cards.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY Katrina Joie De Castro Luzuriaga

    Gumawa ng baby-inspired Christmas ornaments

    Pwede ninyong gamiting stamp ang kamay at paa ni baby. Siguraduhin lang na non-toxic paint ang gagamitin ninyo.

    PHOTO BY Gwen Bayani Pizarra
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Makakabili kayo nito online. I-stamp lang ang kamay at paa ni baby sa mga plain na Christmas balls—meron ka ng ornaments na pwedeng isabit sa inyong Christmas tree.

    More from Smart Parenting

    Magkaroon ng family Christmas photoshoot

    Samantalahin niyo ng mag-anak ang mga discounted packages sa mga photo studios ngayong holiday season para magkaroon kayo ng inyong pinakaunang Christmas portrait.

    PHOTO BY J Anne Daps
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwede niyo ring gamitin ang protrait ninyo na ito para sa inyong family Christmas card.

    Magsimula ng Christmas pajama tradition

    Kalimitan ay Santa Claus costume ang makikita mong suot ng mga babies at maliliit na bata kapag Pasko. Para bigyan ng bagong twist ang tradition na ito, pwede pong pagsuotin ng christmas pajama ang iyong anak.

    PHOTO BY Veronica Delos Santos Hung
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod sa cute itong tignan, mas komportable din ito, lalo na para sa mga maliliit na bata.

    PHOTO BY Msmaya Drs

    Pwede ring ugly Christmas sweater ang ipasuot mo sa iyong anak—isang tradisyon naman mula sa mga bansang tulad ng England at Amerika.

    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Markahan ang kanilang taas sa ano mang bahagi ng inyong bahay

    Kung mayroon kayong bahagi sa bahay na pwedeng sulatan ang pader, pwede mong umpisahan dito ang tradisyon ng pagmamarka ng taas o height ni baby.

    PHOTO BY Aiane Javier Fernandez

    Basta tuwing Pasko o bagong taon, mamarkahan mo ang taas ni baby. Maganda itong memorabilia at nakakatuwa itong tradisyon habang lumalaki si baby.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY Richelle Marie Divinagracia Butanas

    Ano mang paraan ng iyong pamilya para gawing mas espesyal ang Pasko ninyo ngayong taon, sana’y huwag ninyong makalimutan ang tunay na diwa ng okasyong ito.

    PHOTO BY Bape Loren Wey
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kayo? Anong ginagawa ninyo para mas maging espesyal ang inyong holiday season? Pwede ninyo ‘yang ibahagi sa comments section o ‘di kaya ay ikwento sa kapwa mo nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles