embed embed2
  • Ilang Buwan Bago Makakita Si Baby: Alamin Ang Milestones Ng Kanyang Paningin

    Mainam na maging mapagmatyag ang magulang.
    by Jocelyn Valle .
Ilang Buwan Bago Makakita Si Baby: Alamin Ang Milestones Ng Kanyang Paningin
PHOTO BY @FamVeld/iStock
  • Walang kapantay na ligaya para sa isang magulang ang masilayan sa unang pagkakataon ang kanyang bagong silang na anak. Ngunit huwag madismaya kung hindi kaagad mangyari ang eye contact ninyong dalawa. Kailangan ng ilang buwan bago makakita ang sanggol dahil nag-a-adjust pa ang kanyang mga mata.

    Bagamat nakakaaninag na ang newborn baby, hindi pa siya nakakakita ng mga kulay. Paliwanag ni Dr. Golareh Fazilah, M.D., isang pediatric opthalmologist, sa Parents na eight to 10 inches lamang ang naaabot ng paningin ng sanggol. Pag karga mo siya, sakto lang ang layo ng mukha ninyo sa isa’t-isa.  

    Nagbibigay ng reaksyon ang sanggol sa pamamagitan ng kanyang mga mata, tulad ng pagpikit, pagkurap, at paglingon-lingon, depende sa kung ano ang nangyayari sa kapaligiran. Kukurap siya pag nakakakita siya ng matingkad na ilaw kaya huwag siyang iharap sa ano mang bagay na nakakasilaw. Kukurap din siya kapag tinapik ang kanyang ilong at hinipan ang kanyang mga mata o kaya kapag nagulat siya sa ingay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Kausapin si Baby! 

    Makakatulong sa development ng paningin ng sanggol kung kakausapin siya, halimbawa ng ina, habang pinapasuso. Payo din ni Dr. Joy Ty-Sy, isang pediatrician sa Cardinal Santos Medical Center, na gumamit ng baby books na “distinct black-and-white patterns.” Dagdag pa niya sa naulat ng panayam sa SmartParenting.com.ph na “those with black, white, and red colors work best.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pag tungtong ng sanggol sa ikalawa niyang buwan, nagsisimula nang luminaw ang kanyang paningin. Nakikita na niya ang mga bagay na 16 hanggang 18 inches ang layo sa kanya. Nakakaya na niya na magkaroon ng eye contact at nakikilala na niya ang facial features katulad ng mata at bibig. Natututo na rin siya na pagtuunan ng pansin ang mga gumagalaw na bagay kahit mabagal, simula sa pahalang (horizontal) at saka patayo (vertical).

    Huwag mabahala kung ang sanggol ay hindi kaagad makasunod sa tingin sa kaliwa o kanan. “Doll’s eye response” ang tawag dito, na kadalasan namang nawawala pagkaraan ng sampung araw.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa kabilang banda, may mga sanggol na malikot ang mga mata o di kaya hindi pantay dahil nabubuo pa ang kanilang eye muscles at natutunan pa nila kung paano gamitin ang mga ito sa kanilang mga unang buwan. (Basahin dito ang ilang weird pero normal na mga bagay tunggol kay baby.)

    What other parents are reading

    Mga puwedeng gawin para ma-develop ang paningin ni Baby

    Para makatulong sa development ng parehong mata ilang buwan bago makakita ang sanggol nang tuluyan, kargahin siya salitan sa kaliwa at sa kanan. Puwede rin itong gawin ng ina kapag nagpapasuso o nagpapainom ng gatas. Kapag nahiga naman ang sanggol sa crib, ang kanyang taga-alaga ay maaaring palit-palitan ang direksyon ng crib para makita ng sanggol ang iba’t-ibang tanawin.

    Sa pagdating ng ikaapat na buwan ng sanggol, nagsisimula na niyang makilala ang mukha ng kanyang ina mula sa iba pang mukha niyang nakikita. Dagdag pa ng pediatrician na si Dr. Ty-Sy, natututo na rin ang sanggol tungkol sa high-contrast colors at simple geometric patterns. Aabutin na niya ang mga bagay na malapit sa kanya dahil nalalaman na niya ang depth perception, na maghahanda naman para sa kanyang paggapang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kapag binabale-wala ng sanggol ang high-contrast color, wala siyang reakyon sa matingkad na kulay, o malabo ang mga mata at di pantay ay mga senyales na komunsulta sa pediatrician para matignan si baby.

    What other parents are reading

    Milestones ni Baby sa paningin 

    Babala ng American Academy of Pediatrics (AAP) na kung lampas three months na ang sanggol, dapat nasusundan na niya ang takbo ng isang bagay, tulad ng laruan o bola, habang sabay ang paggalaw ng mga mata sa field of vision. Dapat din daw ipaalam sa doktor kapag napansin na walang kakayahan ang sanggol ng “steady eye contact” at parang hindi ito nakakakita.

    Tama lang daw na mabahala kung sa edad four months ay madalas makaranas ang sanggol ng “inward crossing or outward drifting” dahil baka tuluyan na siyang maduling,

    Malaking tulong na gawing araw-araw ang “tummy time.” Magsabit sa crib ng laruang mobile na may magkakaibang kulay na kayang abutin ng sanggol at maglagay ng multi-sensory toys sa kanyang paligid para madali niyang madampot. Siguraduhin lang na nakabantay ka kapag gagawin ang tummy time at gising na gising si baby lalo na kung below 6 months palang siya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mula six hanggang 12 months ng sanggol, nakakakilala na siya ng mga tao at kanilang facial expression, tulad ng masaya at malungkot, na maaari niyang gayahin. Natututo na rin siyang makaalala ng mga litrato na dati na niyang nakita at alam niya na kahit wala ang mga iyon sa harap niya, nag-e-exist sila talaga.

    Mahalaga na matutunan ng magulang kung ilang buwan bago makakita ang sanggol at ang mga baitang na pinagdadaanan nito upang masiguro ang tuluyang development ng paningin ng anak.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles