Tagalog,crying baby,caring for new baby,how to soothe baby,paano patulugin ang sanggol ng mahimbing,Epekibong Paraan Upang Tumahan Si Baby At Makatulog: New Study,how to soothe crying baby, how to make crying baby sleep, crying baby, baby care, paano patahanin si baby, paano patulugin si baby,Ayon sa bagong paga-aral na ginawa ng Japanese researchers may epektibong paraan kung paano at gaano katagal patahanin ang sanggol hanggang makatulog ito.
ParentingBaby

Paano At Gaano Katagal Dapat Kargahin Si Baby Para Tumahan At Makatulog, Ayon Sa New Study

Binuo ang study ng isang Japanese researcher na nanay din.
PHOTO BYShutterstock

Kapag umiyak si baby na hindi basa ang lampin at kadedede lang naman, malamang gusto niyang matulog. Susubukan mo ngayon na ipaghele siya hanggang makatulog.

Pero paano kung ayaw pa ring tumahan ni baby?

Maaaring subukan ang ganitong paraan ayon sa bagong paga-aral na isinagawa ng Japanese researchers at nailathala sa Current Biology nitong September 13, 2022:

1. Kargahin si baby at maglakad-lakad nang hindi maalog sa loob ng 5 minuto. Makakatulong ito para tumahan ang sanggol at simulang matulog.

2. Habang karga si baby, umupo sa loob ng 8 minuto hangggang tuluyang mahimbing ang tulog ng sanggol.

3. Maaari mo nang ilapag si baby sa kama o di kaya crib.

Gumamit ang researchers ng mga electrocardiogram (ECG, kilala rin bilang EKG) at video camera sa kanilang study. Ito ay  para makumpara ang mga pagbabago sa heart rate ng mga sanggol na kalahok sa study sa ganitong mga kadalasang paraan ng pagpapatahan:

  • Habang kinakarga ng magulang o tagapangalaga na nakatayo
  • Habang kinakarga ng magulang o tagapangalaga na nakaupo
  • Habang nasa tinutulak na stroller

Heart rate ng sanggol

Napag-alaman ng mga researcher na kapag karga-karga ang sanggol ng magulang o tagapangala na naglalakad sa loob ng 5 minuto, bumababa ang heart rate ni baby. Pero kapag biglang tumigil maglakad ang magulang o di kaya biglang lumiko, tumataas ang heart rate ni baby.

Base sa resulta ng kanilang paga-aral, nasabi ng researchers na makakatulong ang ganitong paraan para tumahan at makatulog ang sanggol:

  • Kargahin si baby at maglalakad-lakad sa loob nang hindi lumiliko sa loob ng 5 minuto
  • Umupo habang karga si baby sa loob ng 8 minuto

Lumabas din sa parehong paga-aral na gumagana lang ang 5 minutong lakad at 8 minutong upo na paraan ng pagpapatulog sa mga sanggol na umiiyak. Hindi ito umubra sa mga sanggol na kalmado at sinubukang patulugin.

Nagbigay ng paliwanag si Dr. Kumi O. Kuroda, ang researcher sa RIKEN Center for Brain Science sa Japan na bumuo ng study, sa ulat ng TODAY Parents.

watch now

Aniya, hindi napaga-aralan sa kanilang larangan ang mga bagay tungkol sa parenting issues. Kaya nagdudusa tuloy ang mga ordinaryo tao at bumibigat naman ang kanyang loob hindi lang bilang researcher bagkus bilang isang nanay.

'Transport response'

Nilinaw din ni Dr. Kuroda na hindi layunin ng kanilang study na pagbawalan ang mga magulang na subukan ang iba pang mga paraan ng pagpapatahan at pagpapatulog sa mga sanggol. Sa halip, mainam daw na gamitin ang lahat ng options.

Dagdag niya na ang kanilang study ay nagbibigay ng halaga sa paksa ng "transport response." Nakakaramdam ang mga sanggol ng kakaibang pakiramdam habang kinakarga nang naglalakad kumpara sa pagkarga nang nakaupo o di kaya inaalog para makatulog.

Pangkaraniwan daw kasi sa mga sanggol na umabot sa plateau, o walang pagbabago sa pakiramdam, kapag nagpatuloy sa paglalakad ang kumakarga sa kanila. Alam daw ng mga sanggol ang motion change. Alam nila, halimbawa, kapag biglang lumiko habang naglalakad ang kumakarga sa kanila.

Diin ni Dr. Kuroda na mahalaga ang paglalakad habang karga ang sanggol sa loob ng 5 minuto, at saka sundan ng pag-upo sa loob ng 5 hanggang 8 minuto para patatagin ang tulog ni baby.

Aniya, ang unang 5 hanggang 8 minuto ng tulog ay mababaw lang (shallow sleep). Kung kaagad mong ilalapag si baby, magigising din siya kaagad. Kaya kailangang maghintay ng 5 hanggang 8 minuto pagkatapos makatulog ni baby. Mas tataas ang tyansa na magtuloy-tuloy ang kanyang tulog.

Read also: Paano Patulugin Ang Sanggol Ng Mahimbing

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close