embed embed2
  • 8 Maaaring Dahilan Kung Bakit Umiiyak Si Baby At Anong Dapat Gawin

    Ayaw bang tumigil ni baby sa kaiiyak?
    by Ana Gonzales .
8 Maaaring Dahilan Kung Bakit Umiiyak Si Baby At Anong Dapat Gawin
PHOTO BY iStock
  • Walang ibang paraan para makipag-communicate sa atin ang ating mga bagong silang na sanggol kundi sa pamamagitan ng pag-iyak. Madali lang sana ito kung bawat iyak nila ay specific sa kailangan nila at madaling maintindihan ngunit madalas ay hindi.

    Kaya naman para mas maging madali para sa iyo at iyong partner na malaman kung bakit umiiyak si baby, inipon namin sa isang listahan ang ilan sa mga posibleng dahilan.

    Nagugutom siya

    Sinabi ng pediatrician na si Dr. Paul Horowitz sa The Bump na ang pag-iyak ay isang "late sign of hunger." Para maiwasan ang pag-iyak ng anak mo dahil sa gutom, ugaliing mag-abang sa kanyang mga hunger cues. Kabilang na rito ang lip-smacking o pagsipsip ni baby sa kamay niya.

    Mapapansin mo rin na humihinga ang baby mo ng malalim at paulit-ulit niyang ginagalaw ang kanyang mga kamay at paa. Makikita mo ring ginagalaw niya ang ulo niya, tanda na hinahanap niya ang iyong breast para makadede siya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kapag talagang gutom na si baby, mapapansin mong mas malalaki na ang mga galaw niya. Nag-iinat na rin siya at humihikab ng mas madalas. Mas active na din ang paggalaw ng kanyang bibig.

    More from Smart Parenting

    Masakit ang tiyan niya

    Isa rin sa mga pinakamadalas na dahilan kung bakit umiiyak ang bata ay dahil sa kabag. Isa sa mga pinakamadalas na dahilan nito ay kapag masyadong mabilis dumaloy ang breastmilk mula sa iyong dibdib papunta sa iyong baby. Kapag overactive ang milk letdown mo, mapipilitan ang anak mong lunukin ito nang mas mabilis sa kaya niya. Nagiging dahilan rin ito para ma-overfeed si baby.

    Sa kabilang banda naman, nagiging dahilan din ng kabag ang shallow latch. Kapag hindi nakakakuha ng sapat na gatas si baby, lulunok siya ng lulunok, na siyang magiging dahilan para makakain siya ng maraming hangin.

    More from Smart Parenting

    Para maiwasan ito, ugaliing padighayin ang iyong anak pagkatapos niyang kumain. Sa isang 2011 Smart Parenting article, inirekomenda ni Dr. Ina Atutubo na padighayin ang breastfed babies kada lima hanggang sampung minuto ng pagpapasuso, habang kada isang onsa naman ng gatas para sa mga bottle-fed na sanggol.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isang epektibong paraan para padighayin si baby ay sa pamamagitan ng "bicycle method." Makakatulong rin kung iiwasan mong kumain ng mga pagkaing maaaring magdulot ng gas sa iyo at sa iyong anak. Kabilang riyan ang broccoli, Brussel sprouts, cauliflower, at repolyo.

    Importante ring mahanap mo ang tamang feeding position para hindi kabagin si baby. Kailangang laging mas mataas ang ulo ni baby kaysa sa kanyang tiyan para pumunta ang gatas sa baba ng kanyang stomach at umakyat ang hangin taas.

    More from Smart Parenting

    Marumi ang diaper niya

    May mga batang sensitibo sa maruming diaper kaya umiiyak sila agad, samantalang may mga babies naman na hindi agad magrereact.

    Malimit na dahilan din ng pag-iyak ni baby ang rashes, kaya importanteng mahanap mo ang diaper na hiyang sa kanya.

    Nangunguna sa listahan ng mga diapers na gusto ng mga nanay sa Smart Parenting Village ang MamyPoko Extra Dry Pants. Ayon sa kanila, wala itong leak kahit gaano kalikot ang mga bata. Sumusunod naman sa listahan ang Pampers Premium Care Pants na ginagamit naman ng mga nanay bilang overnight diaper. Highly recommended din ng mga nanay ang Goo.N Diaper, Huggies, at EQ Pants.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Nalalamigan / Naiinitan siya

    Sinabi ng pediatrician na si Dr. Roman Araullo sa Smart Parenting na ang mga batang edad tatlong buwang gulang pababa ay nangangailangan ng isang extra na layer ng damit. Ang mga bata namang mas matanda sa tatlong buwan ay pwede nang bihisan ng katulad sa kung paano mo dadamitan ang sarili mo.

    Mas magandang ugaliing piliin ang mga damit na presko at maluwang para hindi mainitan si baby, lalo na sa klima dito sa Pilipinas.

    Gusto niyang magpahawak

    Paano kung napadede mo na si baby at nalinis na ang diaper niya pero umiiyak pa rin siya? Baka gusto lang niyang marinig ang boses mo o 'di kaya ay maramdaman ang yakap mo.

    Ayon kay Dr. Harvey Karp, M.D. isang pediatrician, maaari mong mapatigil sa pag-iyak ang anak mo sa pamamagitan ng paggaya ng womb environment. Ilan sa mga pwede mong gawin ay ang pagpapatugtog ng white noise, pag-ugoy sa inyong anak, swaddling, at skin-to-skin contact.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Masama ang pakiramdam niya

    Mas iritable, clingy, at sensitibo ang mga babies kung masama ang kanilang pakiramdam. Kung iyak ng iyak ang anak mo, hanapin mo ang mga sintomas ng lagnat, rash, pagtatae, o pagsusuka.

    Maaaring nag-ngingipin din ang anak mo kaya iritable siya. Para maginhawahan siya at mabawasan ang kanyang pag-iyak, pwede mo siyang bigyan ng mga chilled fruits at veggies. Ang pagbibigay sa kanila ng malamig na ngunguyain ay makakatulong para maginhawahan ang kanilang gum area—bonus na lang na masustansiya ang sinisipsip nila. 'Di hamak na mas ligtas din ang mga ito kumpara sa mga liquid-filled teethers na maaaring mabutas.

    Ilan sa mga prutas na pwede mong i-chill ang mangga, papaya, carrot, pipino, saging, avocado, mansanas, melon, pakwan, at maging luya.

    More from Smart Parenting

    Overwhelmed siya

    Kung masyadong maraming nangyayari sa bahay ninyo o kung nasaan man kayo ni baby, maaari siyang umiyak dahil sa dami ng naririnig at nakikita niya. Ayon kay Dr. Karp, ang ingay at komosyon ay maaaring maka-overwhelm sa mga maliliit na bata.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para maiwasan ito, huwag munang i-expose si baby sa sobrang ingay at gulo. Kung may mga dadalaw sa kanyang bisita, huwag silang papasukin ng sabay-sabay o sabihan sila ng hindi sila dapat masyadong maingay.

    Pagod siya

    Kailangan ng mga babies ng mahabang tulog. Kung hindi sapat ang nakukuhang tulog ng anak mo, maaaring maging iritable siya at maaari siyang umiyak nang umiyak. Kung madalas na maantala ang sleep routine ni baby, maaari itong maging dahilan ng kanyang pag-iyak.

    More from Smart Parenting

    Ilang lamang ang mga ito sa mga posibleng dahilan kung bakit umiiyak ang anak mo. Kung hindi pa rin siya tumitigil sa kabila ng pag-address mo sa mga bagay na ito, mas makabubuting sumangguni ka na sa kanyang peditrician.

    Anu-ano ang mga techniques mo para mapatigil sa pag-iyak si baby? May mga naiisip ka pa bang ibang dahilan kung bakit siya umiiyak na hindi nabanggit sa listahan? I-share mo na 'yan sa comments section.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles