Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Matindi Ba at Madalas ang Iyak ni Baby? Maaaring Merong Siyang Colic

    Alamin kung ano ang maaaring sanhi ng colic, mga posibleng solusyon at kung may gamot nga ba ito.
    by Allan Olga .
Matindi Ba at Madalas ang Iyak ni Baby? Maaaring Merong Siyang Colic
PHOTO BY iStock
  • <>

    Iniisip ng marami na ang colic ay kapareho ng kabag, pero ayon sa American Pregnancy Organization, ang kabag ay hindi colic ngunit ito ay isa sa mga sintomas ng colic. Nangyayari ang kabag kapag nakasagap ng hangin si baby dahil sa matinding pag-iyak.

    Iminumungkahi ng mga pediatricians ang “rule of three” upang matukoy kung colic nga ang bumabagabag kay baby: kung si baby ay umiiyak ng tatlong oras sa isang araw, marami pa sa tatlong beses sa isang linggo, at sa loob ng tatlong linggo. Kung si baby ay edad 2 hanggang 5 buwan at parating umiiyak nang walang dahilan, posibleng may colic siya. Mahirap patahanin kung may colic si baby lalo na't madalas daw itong mangyari sa hapon o gabi kung kailan naman pagod na si nanay at si tatay.

    More from Smart Parenting

    Hindi pa talaga tukoy ang sanhi ng colic, kung paano ito maiiwasan, at kung may gamot ba ito. Dahil magkakaiba ang mga sanggol, maaring iba-iba rin ang dahilan kung bakit nagkakakabag ang bawat baby.

    Sa U.S., ayon sa surveys, 40% sa mga bagong silang na sanggol ang nakakaranas ng colic kaya naman isa ito sa mga karaniwang kondisyon ng mga sanggol na nagiging dahilan ng stress para sa mga magulang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

    Mga dahilan ng colic

    • Allergic reactions
    • Overstimulation
    • Gastroesophageal Reflux Disease (GERD) o Acid Reflux. Ito ay isang kondisyon ng tiyan at esophagus kung saan ang stomach acid ay umaakyat sa esophagus dahil sa weak valve. Nagdudulot ito ng irritation sa lalamunan, baga, at esophagus.
    • Ang diet o pagkain ng ina na nagpapasuso ay maaaring magdulot ng kabag sa pinadededeng sanggol.
    • Ang pagsagap ng hangin tuwing pagdede o pag-iyak ng sanggol ay nagdudulot ng discomfort at kabag sa tiyan.
    • Si baby ay may premature digestive system. Premature rin ang digestive muscles at mayroong kawalan ng probiotics, kung kaya’t naninibago pa ang tiyan sa pagtunaw ng pagkain.

    Paano patahanin ang baby na may colic

    May kaugnayan sa gas, maling latching, mali ang hugis o laki ng nipple ng bottle, hindi tamang burping, at anxiety and stress ang mga posible pang dahilan sa pag-iyak dahil sa colic.

    1. Hawakan si baby.

    Mayroong iminumungkahing "magic baby hold"ang librong The Womanly Art of Breastfeeding na inilabas ng La Leche League International (maaring mabasa ang technique dito). Ngunit malaki ang nagagawa ng simpleng pagkarga kay baby habang naglalakad, at pag-ugoy sa kanya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

    2. Tagalan ang skin-to-skin contact kay baby.

    Ang technique na kangaroo care ay isa sa mga pinakamabisang pamamaraan sa pag-aalaga sa bagong silang na sanggol, kaya ang babywearing ay nakatutulong sa development ni baby. Habang abala ang inyong mga kamay sa ibang bagay, makatutulong pa rin para makaiwas sa colic kung nakadikit sa inyong katawan si baby. Dagdag pa, magandang pamamaraan dito ito ng bonding ng mag-ina.

    (Note: Hindi lang si nanay ang pwedeng gumawa ng kangaroo care kundi kahit sinong miyembro ng pamilya. Napatunayan itong nagpapakalma kay baby. Huwag bale-walain ang kayang gawin ng touch therapy.)

    3. Tiyaking tama ang pagdede o latch ni baby.

    Kung dumedede sa inyo si baby, tiyakin na nakabukas nang maayos ang kanyang bibig at ang kanyang mga labi ay nakalabas (gaya ng isda). Tiyakin na nakapasok nang maayos sa kanyang bibig ang inyong breast tissue. Malalaman na tama ito kung ang  areolo at nipple ay nakapaloob sa kanyang bibig.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

    4. Sumubok ng mga bagong posisyon sa pagpapadede 

    Ang pagpapadede kay baby nang nakatagilid ay maaaring magdulot upang siya ay makasagap ng maraming hangin. Basahin dito kung paano gawin ang cradle, football, and cross-cradle breastfeedng positions para maayos ang kanyang pagdede.

    5. Padedehin si baby bago pa man makaramdam ng sobrang gutom.

    Kung si baby at umiiyak dahil sa sobrang gutom, posibleng hindi kumapit nang tama ang kanyang bibig kapag padededehin. Kailangan muna siyang pakalmahin bago mo siya pasusuhin.

    6. Palitan ang mga bote at tsupon.

    May mga tsupon at bote na sinasabing anti-colic or mimic nursing. Pero trial-and-error ang paghahanap ng bote na agad dededehin ni baby at hindi magiging dahilan para makasagap siya ng sobrang hangin. Kung magpapadede gamit ang bote, tiyaking naka-tilt nang maayos ang bote para siguradong gatas ang makukuha niya at hindi hangin.

    7. Balutin si baby (swaddle)

    Iminumungkahi ng mga doktor na isa sa mga pinakamabisang paraan ng pagpapatahan kay baby ay ang paggaya ng kanyang paligid noong nasa sinapupunan pa siya. Maaaring nagpapakalma sa kanya ang pakiramdam ng nakabalot. Pero importantentg paalala, siguraduhing hindi masyadong mahigpit ang pagkakabalot kay baby. Tiyaking tama ang pagkakabalot sa kanya. Advisable lang ang swaddling bago siya mag-2 months old (basahin dito ang mga paalala para safe si baby).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

    8. Magpatugtog ng white noise.

    Ayon sa pediatrician at book author na si Dr. Harvey Karp, co-founder ng Happiest Baby, kapag nasa sinapupunan pa si baby "he hears the nonstop sound of the blood flow, which is louder than a vacuum cleaner" (naririnig niya ang walang tigil na tunog ng pag-agos ng dugo, na mas maingay pa sa vacuum clear).

    Pwede rin iparinig sa kanya ang mga tunog na pinapatugtog niyo nung nasa sinapupunan pa si baby, kagaya ng musika at heartbeat sounds. Tiyaking hindi masyadong malakas ang music.

    9. Magbigay ng pacifier

    Hangga't pinapadede ninyo si baby sa pamamagitan ng breastfeeding, maaari siyang bigyan ng pacifier. Inirerekomenda ito ng American Academy of Pediatrics (AAP) dahil nakatutulong daw ito para maiwasan ang pagkakaroon ng Sudden Infant Syndrome o SIDS sa mga bagong silang. Gayunpaman, tanungin pa rin ang inyong pediatrician sa tamang paggamit.

    10. Baguhin ang inyong diet.

    Para sa mga nanay, iwasan ang mga pagkaing nakapagdudulot ng kabag.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    11. Padighayin si baby.

    Huwag kalimutang padighayin si baby pagkatapos o sa oras na pinapahinto siya sa pagdede kada 10 minuto. Gawin ito kahit siya ay breastfed. Ang mga sanggol na pinapadede gamit ang bote ay kailangang padighayin kada isang ounce ng gatas na naubos niya. Padighayin si baby sa pamamagitan ng pagkarga sa kanya o kaya ay pagpapadapa sa kanya.

    12. Mag-practice ng earthing o grounding.

    Ang earthing o "grounding" ay isang paraan ng pagre-reconnect sa kalikasan. Ayon sa isang doktor, ang paraang ito, gaya ng pagdala kay baby sa labas ng bahay, ang tanging paraan para patahanin ang kanyang anak sa tuwing inaatake ng colic.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
View more articles