embed embed2
  • 'Deadma Is Key': Paano Maging Mas Confident Na Nanay, Ayon Sa Isang Stay-At-Home Mom

    Mas mahirap maging nanay kung palagi kang magpapaapekto sa sasabihin ng iba.
    by Ana Gonzales .
'Deadma Is Key': Paano Maging Mas Confident Na Nanay, Ayon Sa Isang Stay-At-Home Mom
PHOTO BY courtesy of mommy Alelly Hernane
  • Ano ang unang-unang pumasok sa isip mo nang malaman mong magiging nanay ka na? Nakaramdam ka ba ng takot? Kinabahan ka ba?

    Normal lang na makaramdam ka ng kaba at kwestyunin mo ang sarili mo kung handa ka na nga bang maging ina. Wala naman kasing kaakibat na instructional manual ang mga bata kapag dumating sila sa mga buhay natin.

    Makakasama lang ang self-doubt at fear kung hindi mo na nagagampanan ang tungkulin mo bilang nanay dahil natatakot kang magdesisyong mag-isa at wala kang tiwala sa sarili mong mga choices.

    Relate diyan ang stay-at-home mom na si Alelly Hernane, miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village. Kuwento niya, noong unang buwan ng kanyang pagiging ina, marami talaga siyang doubts araw-araw. "Lagi akong nagtatanong sa mother ko kung paano ba ang tamang gagawin. Pero since ang tagal na rin [niyang hindi nag-aalaga] ng bata, marami na rin siyang hindi alam at hindi sigurado.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Naaalala pa niya kung gaano kahirap ang breastfeeding journey nilang mag-ina dahil kulang na kulang talaga siya sa tulog nang mga panahong iyon. "May mga panahon noon na gusto ko ng itigil ang pag breastfeed dahil ang struggle ko before is 'yung puyat talaga," kwento niya. "Buong gabing gising [ang anak ko]. "'Pag umaga naman, [kailangan] niyang mag-latch sa akin kaya [kulang talaga ang tulog]."

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Nagbago naman daw ang lahat nang magkaroon na ng sleeping pattern ang anak niya. "Doon ko napagtanto na nasa adjustment period palang talaga ako kaya hirap na hirap ako sa mga unang buwan," paliwanag niya. "Kalaunan, naging maayos na ang lahat."

    What other parents are reading

    Pero paano ka nga ba magiging confident sa mga desisyon mo bilang nanay kung kaliwa't kanan ay may naririnig kang iba't-ibang comments at unsolicited advice? Sabi ni mommy Alelly, naging confident lang siya sa role niya bilang ina nang mag-apat na buwan na ang kanyang anak. "Nakuha ko na kung paano siya patahanin," paliwanag ni mommy. "Nagkaroon na kami ng sleeping pattern at naging smooth na 'yung araw-araw naming mag-ina."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sumali sa mga mommy forums o parenting groups

    "Ang isang [nakatulong] talaga sa akin ay 'yung mga mommy groups kung saan nakikita ko ang experiences ng mga mommies," sabi pa niya. "Narealize ko na walang tama at mali sa pagpapalaki ng anak. Isa itong non-stop na decision-making, at madalas, trial and error pa."

    Sabi ni mommy, dito niya natutunan na mayroong iba't-ibang pananaw at pamamaraan sa pagpapalaki ng anak. "May kani-kaniya tayong diskarte. May ilang bagay na maaaring [gumagana] sa aming mag-ina, ngunit hindi para sa ilan," paliwanag niya.

    What other parents are reading

    Piliin lang ang mga advice na susundin

    Malaki man ang improvement sa confidence ni mommy Alelly, hindi pa rin siya immune sa mga comments na naririnig niya. Aminado siya na sa panahon ngayon na lahat ng kilos o desisyon ay napupuna ng karamihan, napakahirap sa mga nanay ang maging confident sa paraan ng pagpapalaki ng kanilang mga anak.

    "Sa isang desisyon mo para sa iyong anak, asahan nating may ilang hindi sasang-ayon at kukuwestyon nito," kwento niya. "Hindi talaga maiiwasan na i-judge tayo ng ilan. Walang tama o mali sa desisyon natin para sa ating mga anak."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    I-apply ang "Art of Deadma"

    Paliwanag ni mommy, marami siyang narinig na mga comments tungkol sa pagpapadede niya. Marami rin daw ang hindi sumang-ayon nang hindi niya agad pakainin ng table food ang anak niya. "Sa mga ganitong pagkakataon na-apply ko ang "Art of Deadma". Hinahayaan ko lang sila na magsalita at sabihin ang mga gusto nilang sabihin," kwento ni mommy.

    What other parents are reading

    Maniwala sa sarili mong kakayahan

    Payo pa ni mommy, kailangan mong maniwala sa sarili mong kaalaman at kakayahan dahil wala namang inang naghangad na mapasama ang kanyang anak. "Sa huli, tayo rin naman ang mahihirapan at lubos na masasaktan kung sakaling may mangyaring masama sa kanila," sabi pa niya.

    Respetuhin ang choices ng iba

    "Lahat tayo'y may iba't-ibang standards sa pagpapalaki ng ating mga anak. Mayroon tayong iba't-ibang parenting beliefs at nararapat lang na respetuhin [natin ang isa't-isa," paliwanag ni mommy.

    What other parents are reading

    Ikaw? Confident ka ba sa bawat desisyon mo para sa iyong mga anak? May mga pagkakataon bang naapektuhan ng comments ng iba ang iyong pananaw? I-share mo na iyan sa comments section.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para makipagkwentuhan sa mga miyembrong tulad ni mommy Alelly.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles