embed embed2
  • Pagbubunyag Ng Isang Nanay, 'Mayroon Akong Sikretong Me-Time Na Hindi Alam Ni Hubby'

    Ano nga bang ginagawa ng nanay na ito para makapag-unwind siya?
    by Ana Gonzales .
Pagbubunyag Ng Isang Nanay, 'Mayroon Akong Sikretong Me-Time Na Hindi Alam Ni Hubby'
PHOTO BY iStock
  • Ang pagiging ina ay isang 24-hour na trabaho. Wala itong bakasyon, day-off, o sick leave. Magkaroon ka man ng panahon para magpahinga, maiksi lang ito at kalimitan, magui-guilty ka pa.

    Siyempre, lahat naman ng ito ay worth it, lalo na't para naman ito sa mga anak mo. Kailangan lang talagang maging wais para makahanap ka pa rin ng panahon para sa sarili mo.

    What other parents are reading

    Kaya naman naintriga kami nang ibahagi ni mommy Cesz Azaña, sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, ang kanyang 'secret me-time'.

    Kwento niya sa kanyang post, kapag dumating na ang asawa niya galing sa trabaho, ito na ang naka-toka para mag-alaga sa mga anak nila. Ito na ang oras ni mommy para sa sarili niya. Ano nga bang ginagawa niya?

    "I do all the household chores na hindi ko nagawa or natapos during the day," sabi ni mommy. "I cook, do the dishes, put a load of laundry etc." dagdag pa niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Minsan daw ay nakakaramdam ng guilt ang asawa niya dahil mula alas singko ng hapon hanggang alas siyete ng gabi ay nag-aasikaso si mommy sa bahay. "He feels guilty seeing me diligently working the chores in a short span of time," paliwanag ni mommy. "Parang ang hirap daw, ikot ako sa buong bahay to do things, while he gets to sit at our playroom with our kids. I tell him, it's okay it's my job, with paawa effect..."

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ang hindi alam ni daddy, sa dalawang oras na iyon na 'busy' si mommy, doon niya naipapasok ang kanyang me-time. "I got my earphones on listening to my favorite songs. [While doing dishes,] I get to enjoy sips of my coffee while IT'S [STILL] HOT. I get to watch an episode of K-Drama while cooking [food or] folding clothes. I get to check and post on my [Facebook}. I get to read news articles and actually understand them. [At higit sa lahat,] I get to enjoy two hours of radio silence from screaming toddlers!" kwento niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    "I'd voluntarily trade "sitting in the playroom" for household chores, if that means I get to squeeze in my personal "me" times," pagbabahagi niya.

    Ito ang mga 'escape moments' na labis na pinahahalagahan ng mga nanay. Hindi sa ayaw nila ang kanilang mga responsibilidad bilang ina. Sadyang lahat ay nangangailangan lang talaga ng sandaling katahimikan at pahinga.

    Sabi pa ni mommy, na siguradong nagawa na rin ng ibang mga nanay, mayroon din siyang 'grocery technique'. "I do this every weekend. Hubby would always say mabigat so siya na lang, but I will say 'No, I can do it.' Walking alone quietly is heaven. [Plus points pa] if I get to sit in a cafe for a few minutes."

    What other parents are reading

    Marami ang naka-relate sa 'panakaw' na me-time ni mommy. May mga nanay na nakikinig sa music habang nagsasampay, mayroong mga nagco-concert habang naglalampaso, at may mga nanonood ng isang episode ng K-Drama habang nagluluto.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kanya-kanya ang mga nanay ng paraan para naman kahit papaano ay magkaroon pa rin sila ng panahon para sa kanilang mga sarili—at walang masama dito.

    What other parents are reading

    Kayo? Anong 'takas moment' ninyo? I-share niyo na sa comments section.

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles