embed embed2
Mga Senyales Na Hindi Hiyang Si Baby Sa Formula Milk Niya
PHOTO BY Shutterstock/SizeSquares
  • Paano malalaman kung hiyang si baby sa gatas? Madalas ito ang tanong kapag formula milk ang gatas ni baby.

    Wala naman talagang makapapantay sa sustansiya ng gatas ng ina pero maraming sitwasyon na mahirap iwasan at hihingiin ng pagkakataon na formula milk ang painumin kay baby.

    Maaaring hirap si mommy na mag-produce ng maraming breast milk para kay baby, kaya wala talagang choice kundi mag-formula milk. May ibang nanay nahihirapan nang i-sustain ang supply ng breast milk kapag pumasok na sa trabaho.

    Ano ba ang best formula milk

    Kung pinili ni mommy o kailangan na mag-formula ni baby, madalas itanong sa SmartParenting.com.ph ang "best" formula milk.

    Bago simulan ang pagpapadede sa baby anumang uri o brand ng formula milk, mahalaga na komunsulta muna sa pediatrician upang makahingi ng tamang payo at magabayan sa pagpili ng tamang gatas para sa iyong anak.

    Walang masasabing best formula milk. Magkakaiba ang bawat gatas sa nutrition at sa presyo. May mga special formula milk para matugunan ang specific na nutritional problem ni baby. Ito ang mga produkto na para sa premature baby o iyong may digestive at metabolic problems.

    May ilang baby rin kasi na may allergy sa cow’s milk kaya pinapayo ng doktor ang soy milk ang ipadede o ang iba naman sa soy milk kaya mas ipinapayo ang cow’s milk. Mayroon din na may lactose intolerance pero hindi naman ito pangkaraniwan sa mga baby.

    Kapag sinabi mo rin na best, nakakabuti o maganda sa lahat. Sa formula milk, mahirap sabihin ito dahil puwede na yung hiyang sa baby ng kaibigan mo, hindi pala gusto ng baby mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaya ipinapayo ng mga doktor na bumili muna ng maliit na box o lata ng gatas upang hindi masayang sakaling hindi magustuhan ng baby ang lasa nito o hindi hiyang si baby sa gatas.

    Lactose intolerance at milk allergy 

    Isa sa maraming dahilan kung bakit liquid gold talaga ang breast milk ay walang allergy na nakukuha sa dito, ayon sa eksperto. Napaka-uncommon o unusual ang pagkakaroon ng allergy na dulot ng breast milk batay sa mga pag-aaral.

    Pero sa formula milk, dahil sa mga sangkap o content nito, maaaring makapagdulot ng allergy. Kaya may formula milk na mabibibli na may claim na hypoallergenic at iba naman na lactose-free.

    Sintomas ng milk allergy

    Ang milk allergy ay karaniwan nangyayari dahil sa cow’s milk dahil dito kadalasan gawa ang formula milk kaya naman mas kilala ito na cow’s protein allergy. Nangyayari ito kapag nag-react ang immune system ng baby sa protina ng gatas na siyang nagti-trigger sa mga sintomas ng allergy.

    Ilan sa sintomas ng milk allergy ay:

    1. diarrhea
    2. constipation
    3. skin reaction
    4. eczema
    5. dugo sa dumi
    6. pag-uubo
    7. pagbabahing
    8. pagsisipon
    9. pagluluha ng mata
    10. pagsusuka

    Samantala, ang lactose intolerance ay ang kawalan ng kakayahan na ma-digest ang sugar o lactose na nasa gatas na nagreresulta ng reaksyon sa katawan gaya ng pagtatae, pagkakabag o pagka-bloated. Hindi naman ito lubos na mapanganib pero magdudulot nang pagiging iritable o discomfort dahil sa sintomas na mararanasan.

    Paano malalaman kung hiyang si baby sa gatas

    Sa isang article ng Smart Parenting, binanggit ni Dr. Faith Alcazaren, isang pediatrician, ang sumusunod na mga senyales na dapat nang magpalit ng formula milk dahil hindi hiyang si baby sa gatas na ito.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Kapag napansin ang mga ganitong bagay sa baby, maaaring hindi na nakabubuti ang iniinom niyang gatas.

    • Masyadong nagiging kabagin
    • Parang gusto laging magpabuhat
    • Iritable at iyak nang iyak
    • Nahihirapang makatulog

    Mapapansin ang sinabing mga sintomas pagkaraan daw ng isa hanggang tatlong araw na nagpapadede ng formula milk. Nabanggit din niya na maaaring maranasan din ng baby ang mga sumusunod:

    • Pag-ire nang matagal
    • Nahihirapan sa pagdumi
    • Masyadong matigas ang dumi
    • Nagdebelop ng rashes sa diaper area 

    Sinasabi ng mga doktor, ang unang makikita talagang senyales na hiyang sa formula milk ang baby kung maayos ang magiging pagdumi nito. Minsan naman, sa simula may ilang baby talaga na magiging matigas at mahihirapan sila sa kanilang pagdumi. Pero kadalasan kapag na-tolerate na ng kanilang sikmura ito nagiging maayos naman pagkaraan ng ilang araw. Kailangang obserbahan  lamang mabuti ang iyong anak.

    Kaya kung tatanungin ulit paano malalaman kung hiyang si baby sa gatas, walang problema dapat ang pagdumi niya. Bukod dito, aktibo at mapapansin din ang pagdadagdag ng timbang ni baby.

    Paalala lang na hindi sukatan ng lusog ng baby kung mataba o payat ang ating mga anak. Malalaman ito sa timbang kung angkop ito sa kaniyang edad. Mag-konsulta sa doktor kung may pangamba sa timbang ng anak.

    Basahin dito kung anong klaseng tubig ang dapat gamitin sa formula milk.

    What other parents are reading

     

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close