Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Pag-iimbak ng Breast Milk: Gaano ang Itatagal Nito sa Iba-Ibang Temperatura?

    Ito ang mga dapat malaman ng mga nursing mama sa pag-express at pag-iimbak ng breast milk
    by Dinalene Castañar-Babac .
Pag-iimbak ng Breast Milk: Gaano ang Itatagal Nito sa Iba-Ibang Temperatura?
PHOTO BY iStock
  • Bakit nga ba tinatawag ng mga tao na “liquid gold” ang gatas ng ina? Simple lang. Dahil ito ang pinakamainam na pagkain na matatanggap ng iyong baby. Maraming benepisyo ito gaya ng mga antibodies na nagbibigay ng proteksyon sa bagong panganak na baby panlaban sa mga sakit at makatitipid din sa gastos dahil hindi kailangang bumili ng formula milk at sterilizer. Marami ring benepisyo sa mga mommy ang breastfeeding gaya ng mabilis na pagbalik sa dati ng katawan, mas mababang risk ng breast cancer, bukod sa isa rin itong natural contraception.

    Inirerekomenda ng World Health Organization (WHO) ang eksklusibo at direktang pagpapasuso kay baby sa unang anim na buwan. Kapag ang iyong baby ay nag-anim na buwan na, maaari mo na siyang bigyan ng malalambot at masusutansiyang pagkain gaya ng lugaw at dinurog na mga prutas o gulay. Dapat na ipagpatuloy pa rin ang pagpapasuso hanggang dalawang taon o higit pa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kapag hindi naman posible ang direktang pagpapasuso, inirerekomenda ng WHO ang pagbibigay sa baby ng na-express na breast milk para makuha pa rin niya ang mga benepisyong dala nito. Makatutulong din itong maibsan ang sakit na dulot ng engorged breast sa mga nursing moms. Kahit na nakabalik na ang ina sa trabaho, iminumungkahi pa rin ng mga eksperto ang direktang pagpapasuso sa mga sanggol hangga’t maari upang patuloy pa rin ang produksyon ng breast milk.

    More from Smart Parenting

    Ang pag-express o pag-pump ng breast milk ay mas mapabibilis sa tulong ng breast pump, bagama’t mas epektibo ang manual na pag-express ng gatas gamit ang iyong kamay at mas inirerekomenda ito ng mga lactation consultant. Sa pamamagitan ng pag-express ng gatas gamit ang iyong kamay, mas nakokontrol mo ang bigat ng pressure na inilalapat mo sa iyong dede kaya hindi ito gaanong masakit.

    Bawat patak ay mahalaga. Ang pag-express at pag-iimbak ng gatas ay nangangailangan ng panahon, pagsisikap at pagtitiyaga, pero kapag alam mo na ang mga dapat gawin at naging bahagi na ito ng iyong sistema, makukuha at maiipon mo rin ang mahahalagang patak na ito para sa iyong baby.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagkolekta ng breast milk

    Kapag ang kamay ang ginamit sa pag-express ng gatas, mas maliit ang tiyansa na makontamina ang breast milk. Kapag gumagamit ka ng manwal o electric pump, tiyakin na ang iyong breast pump, lalagyan ng gatas, at iba pang nursing paraphernalia ay malinis at tuyo tuwing bago ito gamitin. Ang paglalagay ng breast pump sa loob ng refrigerator nang hindi ito nahuhugasan ay hindi mabuting ideya.

    Subuking makuha lahat ang laman ng parehong dede kapag nag-express ng gatas. Ang ginagawa ng ibang nursing mom ay gumagamit muna ng breast pump saka tinatapos ito sa pamamagitan ng kamay. Pero tandaang mabuti naiyon lamang makokonsumo ng iyong baby sa isang pagdede ang tanging laman ng lalagyan ng gatas o bag. Bigyan ng tamang espasyo ang mga bag sa freezer dahil maaring mag-expand ang lalagyan ng gatas kapag nasa freezer, pagbabahagi ni Jenny Ong, na isang breastfeeding peer counselor ng L.A.T.C.H., sa kaniyang blog.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    I-seal ang bag nang mabuti at lagyan ng tamang label ng petsa at oras kung kailan mo nakolekta ang gatas. Sundin ang “first in, first out” rule sa paggamit ng nakaimbak na gatas--ibig sabihin, iyong mas nauna (iyong pinakamatagal ang date) ang una mong gagamitin.

    More from Smart Parenting

    Pag-iimbak ng breast milk

    Sinasabi ng Gabay sa Nanay sa Tamang Pagpapasuso ng Kagawaran ng Kalusugan o DoH at ang World Health Organization (WHO) na ang breast milk ay dapat nakalagay sa selyadong lalagyan at nakalagay sa mangkok o bowl na may malamig na tubig at room temperature sa loob ng 10 hanggang 12 oras. Kapag nasa loob ito ng ice box cooler, tatagal ito nang 24 hanggang 48 oras. Kapag naman inilagay sa refrigerator, ito ay aabot ng tatlo hanggang limang araw. Ang mga itinago sa freezer na breast milk ay tatagal ng tatlo hanggang anim na buwan, at kapag nasa chest freezer, makatatagal ito hanggang isang taon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ibinahagi ni Dr. Teresa Maria Ribaño, isang pediatrician at lactation consultant sa Makati Medical Center ang “Rule of Three’s” kapag nag-iimbak ng breast milk: Three hours, three days, three months.“If the milk stays in room temperature up to 30 degrees, it’s good for three hours,” (Kung ang gatas ay nanatili sa kuwarto na may temperature na hanggang 30 degrees, makatatagal ito ng tatlong oras) paliwanag niya sa ginanap na unang serye ng Pregnancy & Beyond ng Makati Medical Center’.

    “If you put it in the refrigerator, it’s good for three days. If you put it in the freezer, it’s good for three to six months,” (Kung inilagay ito sa refrigerator, aabot ito ng tatlong araw. Kung inilagay ito sa freezer, tatagal ito ng tatlo hanggang anim na buwan) dagdag niya.

    Ilagay ang gatas sa loob ng ref o freezer sa likod na bahagi kung saan ito mas malamig. Kung gumagamit ka ng icebox o insulated bag, tiyakin na ang ice packs ay sapat at maayos na nakatabi sa gatas at iwasang buksan nang madalas ang bag. Ibinahagi ng mommy na si Rodessa Villanueva-Reyes, na nagdo-donate ng breast milk, na nilalagyan niya ang pagitan ng kaniyang insulated bag ng tuwalya o nilamukos na papel para makatulong sa pagpapanatili ng malamig na temperatura.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Pagtunaw ng breast milk

    Iwan lamang ang tumigas na expressed milk sa refrigerator magdamag o itapat ang lalagyan ng gatas sa tumutulong tubig sa gripo. Kapag natunaw, ilagay ito sa mangkok na may mainit-init na tubig. Nangangailangan ng panahon ang ganitong paraan kaya mahalaga ang pagpaplano. (Paalala: first in, first out.) Huwag i-microwave ang breast milk!  

    “Once you thaw a bag of breast milk, it needs to be used within 24 hours,” (Kapag natunaw na ang isang bag ng gatas, kailangan itong makonsumo sa loob ng 24 oras) sabi ni Dr. Ribaño. “Once the milk touches the lips or has the saliva of the baby, it needs to be used within one to two hours,” (Kapag nalawayan na ng baby ang gatas, kailangan itong maubos sa loob lamang ng isa hanggang dalawang oras), pagbibigay-diin niya. Huwag ibalik sa freezer o tunawin muli ang gatas. Ito ang dahilan kung bakit kailangang tama lang ang dami ng bawat lalagyan sa isang pagdede ni baby para hindi rin masayang ang naipong gatas.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), hindi rekomendado ang paghahalo ng bagong express na gatas sa napalamig at natunaw na. Ngunit kung ipaghahalo mo ang dalawang bag ng na-express na gatas, tiyakin muna na parehoang temperature ng dalawang bag. Huwag paghaluin ang malamig at maligamgam na gatas.

    Ang iyong gatas ay nag-iiba sa paglipas ng panahon at umaayon sa pangangailangan ng iyong baby sa kaniyang paglaki. Huwag mabigla kung ang iyong breast milk ay nagbago rin ng anyo kapag frozen o matigas at natunaw. Hangga’t sumusunod ka sa mga pamantayan o gabay na nabanggit sa itaas, ang iyong ‘liquid gold’ ay mananatiling mabuti para sa iyong baby.

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa Storing Breast Milk: How Long Does It Last in Room Temp, Ref, and Freezer?

    More from Smart Parenting

View More Stories About
View more articles