embed embed2
  • Ready Na Si Baby Sa Solid Food? 2 Paraan Ng Tamang Pagpapakain Sa Kanya

    Panghabangbuhay ang epekto ng infant nutrition kaya mabuting masimulan ito nang tama.
    by Grace Bautista .
Ready Na Si Baby Sa Solid Food? 2 Paraan Ng Tamang Pagpapakain Sa Kanya
PHOTO BY Shutterstock/gob_cu
  • Sabi ng mga eksperto sa nutrisyon, ang mga gawing nakasanayan ng mga bata habang sila ay maliit pa ay dadalhin nila hanggang sa pagtanda — kasama na rito ang pagpili ng masusustansyang pagkain.

    Karamihan sa mga nanay ngayon ay naghahangad na simulan ang kanilang mga sanggol sa mga masusustansiya at natural na pagkain pagtungtong ng ika-anim na buwan. Naaalala ko na hindi ganito ang kaisipan ng mga magulang noong bata pa ako. Siguro lahat tayo ay pinakain ng mga magulang natin ng infant cereal at biscuits na masarap, oo, pero puno pala ng asukal at walang masyadong taglay na sustansiya!

    Usap-usapan sa mga breastfeeding at parenting groups online ang dalawang paraan ng pagpapakain sa mga baby — ang Tamang KAIN (Kid and Infant Nutrition) at baby led weaning. Ang dalawang pamamaraang ito ay parehong naglalayong mabigyan ang mga bata ng malusog na pundasyon sa pagkain, at ipakilala sa kanila ang mga puro at natural na pagkain para magabayan sila na pumili ng angkop at masustansyang mga pagkain hanggang sa kanilang paglaki.

    Ang sabi ng mga nanay na sumusunod sa mga pamamaraang ito, parehong mahirap ang dalawa at nangangailangan ng pag-aaral at commitment. Pero sulit daw ang sakripisyo at pagod para sa kalusugan ni baby.

    Mga benefits ng tamang KAIN

    Sa tamang KAIN, pwede nang simulang pakainin ng mga natural na pagkain ang isang baby na nagpapakita ng mga senyales ng kahandaan sa pagkain ng solid food. Karaniwang ipinapakita ni baby ang mga senyales na ito sa ika-anim na buwan.

    • Natutulungan na si baby na umupo
    • Kaya na niyang itaas ang kanyang ulo
    • Interesado na siya sa pagkain
    • Marunong na siyang lumunok
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Narito ang ilang mga batayang prinsipyo ng tamang KAIN at mga pakinabang ng mga ito.

    1. Iwasan lagyan ng pampalasa tulad ng asin, asukal, toyo, patis, atbp. ang pagkain ni baby.

    Hindi inirerekomenda sa mga baby ang matatamis at maaalat na mga pagkain. Ang mga ito kasi ay maaring makasira ng kanilang ngipin at bato. Mas mabuting matutunan ni baby na kainin ang iba't ibang prutas at gulay sa natural nilang lasa para hindi siya maging mapili sa pagkain sa kanyang paglaki.

    2. Gulay, prutas at grains ang ipakain kay baby. Iwasang magpatikim ng isda, manok at karne sa unang dalawang taon.

    Masustansiya at madaling matunaw ang mga gulay at prutas, habang ang grains naman tulad ng kanin at oats ay nagbibigay ng energy kaya mabuti ang mga ito para kay baby. Ang isda at manok ay maaaring maging dahilan ng mga allergies at ang karne naman ay maaaring mahirap kainin o tunawin para sa baby. Iba ang pananaw ng baby led weaning tungkol dito.

    3. Iwasan bigyan si baby ng mga processed baby food tulad ng cereals at biscuit.

    Mabuting iwasan ang processed baby food para masanay si baby sa lasa ng mga natural at masustansyang mga pagkain. Kapag kasi nasanay ang baby sa mga pagkaing maraming pampalasa, maaaring ayawan na niya ang mga natural na pagkain.

    Ang mga processed baby food ay malasa at nakakabusog pero madalas ito ay nagtataglay ng maraming asukal. Hindi rin nito naibibigay ang nutrisyong kailangan ng ating mga anak.

    4. Kung wala pang senyales na handa na si baby para kumain sa ika-anim na buwan, maaaring ipagpaliban muna ang pagpapakain kay baby.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Dahil dito, masisigurong magiging ligtas at masaya si baby pagdating ng panahon na handa na siya para sa solid food. Ang prinsipyong ito ay sinusunod rin sa baby led weaning.

    Mga benefits ng baby led weaning

    Ang pinakamalaking pagkakaiba ng baby led weaning sa traditional weaning: Si baby ang magpapakain sa kanyang sarili at siya rin ang magpapasya kung gaano karami ang kakainin niya.

    Tulad sa Tamang KAIN, ang baby na handa na para solid food ay pwede nang simulang pakainin ng mga natural na pagkain.

    1. Ang pagkain ay hindi isinusubo kay baby kundi inihahain sa kanya at bahala na siyang i-explore ang pagkain at pakainin ang kanyang sarili.

    Tinatanggal nito ang pilitan sa pagkain at hinahayaan lang si baby na mag-enjoy at mag-explore ng pagkain sa pamamgitan ng pagtingin, paghawak, pagpisil, pagtapon, pagkagat at pagkain dito. Ang goal ay maging interesado si baby sa pagkain nang hindi siya pinipilit.

    2. Ang pagkain ay hindi dinudurog kundi hinihiwa sa medyo malalaking piraso na kayang hawakan at isubo ni baby nang mag-isa.

    Siguraduhin ring malambot at kayang pisain ang pagkain gamit ang iyong mga daliri. Makatutulong ito sa motor development at hand-eye coordination ni baby.

    Bagama’t may mga magulang na natatakot sa posibilidad na masamid ang kanilang baby habang kumakain, kailangan lang nilang pag-aralan ang mga safety tips para hindi mabigyan si baby ng mga pagkaing nakakasamid o maaaring bumara sa daanan ng kanyang hangin.

    3. Importanteng parte ng baby led weaning ang paggamit ng high chair.

    Para maging independent si baby sa kanyang pagkain, importante ang isang ligtas na lugar kung saan kakain si baby. Ang high chair ang pinaka tama at ligtas na gamit para hayaan si baby na maupo para kumain.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    4. Pwedeng pakainin si baby ng iba't ibang pagkain. 

    Pumili sa iba't ibang food groups ngunit hindi rin ito dapat lagyan ng asin at asukal. Ang grains, tinapay, gulay, prutas, isda, manok at karne ay inererekomendang ihain kay baby.

    Dahil dito magiging balanse ang diet ni baby at makukuha niya ang sustansyang kailangan ng kanyang katawan. Sabi rin ng mga eksperto, makabubuting pasubukin si baby ng isda, manok at itlog bago siya mag-isang taon para maiwasan na maka-develop siya ng allergies sa mga ito.

    Nakita naman natin na ang Tamang KAIN at baby led weaning ay may kanya-kanyang advantages at disadvantages. Sa huli, ang mga magulang pa rin ang pipili ng nababagay na pamamaraan ng pagpapakain sa kanilang anak.

    Hindi rin naman talaga kailangang mamili ng isa lang sa mga ito. Pwede mo ring pagsamahin ang dalawa kung gusto mo. Ang mahalaga ay lagi mong pinipili kung ano ang makabubuti para sa iyong anak.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles