bully,bullying,sensitive topics,sc24,con00390,Violence & Abuse,Sensitive Subjects,Debated Sensitive Social Issues,Anak Ko Ang Child Bully, Ano Ang Gagawin Ko? | Smart Parenting,Violence & Abuse,Sensitive Subjects,Debated Sensitive Social Issues,Sensitive Topics,bully,bullying,Ano ang dapat kong gawin kung anak ko ang child bully?
ParentingBig Kids

Ano Ang Gagawin Ko Kung Ang Anak Ko Ang Child Bully?

Tandaan na ang batang nambubully ay hindi masamang tao. Ngunit may mga dahilan kung bakit ito nambubully ng iba.
PHOTO BYADOBE

Masakit para sa isang magulang na malaman o makita na binu-bully ang kaniyang anak pero ano ang mararamdaman ng magulang kung anak niya ang nambu-bully? Hindi rin nakatutuwa ang ganitong inaasal ng ating mga anak pero mahalagang maunawaan ang dahilan niya bakit ito ginagawa.

Ayon sa Unicef, kapag nalaman mo na ang iyong anak ay isang child bully, isaisaip na hindi siya masamang tao pero tiyak na may dahilan ang paggawa niya ng ganitong bagay sa kaniyang kapuwa bata. Gaya na lamang ng:

  • nabiktima o nakararanas din sila ng pambu-bully
  • pagnanais niyang maging kabilang sa mga grupo kaso gumagawa ng pambu-bully
  • nangangailangan sila ng atensyon
  • sadyang malakas ang kanilang personalidad kaysa sa ibang bata
  • iniisip nila kung paano pamamahalaan ang kanilang emosyon

Bakit Ba May Child Bully?

Gaya ng nabanggit sa itaas, hindi nambu-bully ang mga bata dahil likas na salbahe sila. Maraming salik ang nakaapekto sa ipinapakitang pag-uugali ng mga bata at hindi ito repleksyon kung sino sila. May mga dahilan sa likod ng kanilang mga ikinikilos at ginagawa. Maaaring minsan nakakagagawa sila ng mga negatibong bagay kapag nape-pressure. Ang iba naman para ibalik sa iba ang naranasan nilang pambu-bully. Subalit karaniwan ding dahilan ang mga suliranin sa tahanan tulad ng nakararamdam sila ng kalungkutan at pag-iisa. Ganito rin ang paliwanag ng Child Mind Institute na nagagawa ng batang gumagawa ng pambu-bully bunsod ng pagnanais nilang mapabilang sa ibang grupo; kunin ang atensyon ng kanilang guro, magulang, at kaklase; panggagaya sa ugali ng ibang bata; at hindi pa nila lubos na nauunawaan ang epekto ng kanilang ginawa sa iba. Isa pa ay ang pagpapahayag ng kanilang sarili at ang nararamdaman nila na minsan nauuwi sa pambu-bully ng iba.

Ang mga child bully rin ay dominante, sinisisi at ginagamit ang ibang tao. Kulang sila sa pagtingin at pag-unawa sa nararamdaman ng iba. Kadalasan na tinatarget nila ang mahihina ang personalidad at hindi sila iniisip ang magiging epekto ng kanilang ginagawa. Nag-aasam sila ng kapangyarihan at atensyon.

1. Kakulangan ng atensyon sa bahay – Kung may problema o pinagdadaanan ang kanilang pamilya gaya ng laging pag-aaway ng kaniyang mga magulang at hindi na siya napapansin sa bahay, humahanap siya ng ibang paraan para makakuha ng atensyon ng kaniyang magulang at iba pa.

2. Kagutustuhan ng pag-kontrol – Dulot ng pagnanais nilang magung popular sa paaralan. Gusto nila na sila ang bida o hari-harian sa kanilang grupo o sa paaralan.

3. Domino effect ng pambu-bully – Isang ugaling natutuhan ang pambu-bully at karaniwan sa mga bata ang panggagaya ng ginagawa ng iba na nakikita nila. Gusto rin nilang mapabilang sa isang grupo o bunga ito ng pagiging biktima rin nila ng pambu-bully.

watch now

4. Kakulangan ng kamalayan at patanggap sa pagkakaiba-iba – Kadalasan sa mga naitatalang pambu-bully ay dahil sa pagkakaiba-iba ng pisikal na anyo, lahi at etnisidad, gender, relihiyon, at kapansanan. Nagagawa ng iba na mambully dahil sa kawalan o kulang sila sa pag-unawa sa mga kultura ng iba at kamalayan sa mga ganitong bagay.

RELATED: 7 Rason Kung Bakit May Mga Nambu-bully

Paano Uunawain ang Ugali ng Child Bully?

Ayon sa KidsHealth, ang mga kaso ng pambu-bully ay bahagi ng isang padron ng agresibong pag-uugali. Nangangailangan ng tulong ang mga batang nakararanas nito na magabayan sila sa pamamahala ng kanilang damdamin lalo na kapag nagagalit o nasasaktan, nabigo, at iba pang matinding emosyon. Maaaring kulang pa rin ang kanilang kakayahan ng pakikisalamuha sa ibang tao kaya mahalagang matulungan din silang mapaunlad ang kanilang pakikipagkapuwa.

Para maunawaan ang ugaling ipinapakita nila, mahalagang alamin din ang pinagmumulan nito. At intindihin na sa murang edad nila hindi pa nila nauunawaang mabuti ang tama at mali at ang epekto ng kanilang ginagawa sa ibang tao.

Paano Matutulungan ang mga Child Bully?

Pinakamahalaga sa lahat ang maipaunawa sa child bully na ang pambu-bully ay isang bagay na hindi mabuti at walang maidudulot na maganda sa kaniya at sa kaniyang kapuwa. Kaya naman ang isang bagay na pinakaunang dapat gawin para matulungan sila ay ang pakikipag-usap. Kausapin agad sila at maging direkta sa isyu pero gawing malinaw na bukas ka na pakinggan din ang kaniyang panig.

Narito ang mga ilang hakbang na iminungkahi ng Unicef para matulungan ang child bully:

1. Pakikipag-usap

Ang pakikipag-usap sa iyong anak sa sitwasyon ay makatutulong na maunawaan bakit nagagawa niya ang ganoong pag-uugali at makakukuha ka ng ideya kung paano ito mapipigilan. May ibang bata na hindi pa kayang ipahayag o ipaliwanag ang kanilang ginagawa lalo na kung may pinagdadaanan silang mental health issue. Subuking kumonsulta sa child psycholigist, kung nahihirapan kang malaman ang dahilan ng pambu-bully ng iyong anak.

2. Turuan sila ng mga tamang pamamaraan

Magbigay ng mga pamamaraan kung paano haharapin ng iyong anak ang mga sitwasyon na nahihirapan o nakararanas siya ng kabiguan. Tulungan siyang umisip ng mga hakbang kung paano siya kikilos o magre-react sa isang sitwasyon na hindi makasasakit ng kapuwa.

3. Maging mabuting modelo

Tandaan na ang nakatatanda ang nagiging modelo ng mga bata. Ginagaya nila kung ano ang nakikita sa bahay. Magnilay rin kung lantad o nakasasaksi rin sila ng pisikal o emosyonal na pang-aabuso lalo na sa bahay. Tingnan din ang sarili kung paano mo dinidisiplina ang iyong anak.

4. Pagbibigay ng makabuluhang kapalit

Ang pagbibigay ng punishment sa mga child bully ay maaaring maging epektibo pero dapat na makabuluhan at may limitado ang saklaw. Ibig sabihin nito, kung gumagawa ng pambu-bully ang iyong anak, magbigay ng consequence sa kaniyang ginawa pero tiyakin na hindi ito nakasasakit gaya ng pagbabawas sa mga gawain niya lalo na iyong mas mahihikayat siyang gumawa ng pambu-bully tulad ng social media. Hikaytin din siyang humingi ng tawad sa taong nagawan niya nang hindi maganda o mabuti.

Sa kabuuan, huwag ipagwalang-bahala ang usapin ng child bully. Mahalagang malaman nila na hindi mo pinapayagan o hinayaan lamang ang ganitong pag-uugali. Mag-set ng rules tungkol sa bullying at matapat na sundin ito. Turuan sila na itrato ang ibang bata nang may respeto at kabutihan. Alamin ang mga nakaiimpluwensiya sa pag-uugali niya o kilalanin sino ang mga nakakasama niya o mga kaibigan. Higit sa lahat, magsimula sa bahay ang pagtuturo ng mabuting pag-uugali.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close