Nitong Martes, April 5, nangyari ang hindi inaasahan ng marami: pumirma sa isang partnership deal ang GMA Network at ABS-CBN upang maipalabas sa mga local GMA channels ang mga pelikula ng Star Cinema.
Hindi ito isang April Fools’ prank, kundi isang patunay na ang imposible ay pwedeng mangyari!
Nagsama ang mga GMA7 at ABS-CBN executives sa isang ceremonial signing, kung saan nagkasundo ang magkabilang panig na mapapalabas na sa mas madaming channels ang mga pelikula ng ABS-CBN.
Ayon sa Esquire, kabilang sa mga napaulat na pelikulang mapapanood na sa GMA ngayong Abril ay ang mga sumusunod: Alone/Together, How to Be Yours, Till My Heartaches End, Ang Babae sa Septic Tank, Ang Cute ng Ina Mo!, It Takes a Man and a Woman, Just The Way You Are, Fantastica, Can We Still Be Friends?, Finally Found Someone, No Other Woman, Won't Last A Day Without You, Must Be…Love, The Panti Sisters, Isa Pa With Feelings, James & Pat & Dave, Kay Tagal Kang Hinintay, Feng Shui, Suddenly It's Magic, at I Love You, Hater.
Sa report ng PEP.ph, nagbigay ng pahayag sina Karen Davila and Bernadette Sembrano, matapos ang isang TV Patrol episode. Sabi ni Karen, "Wow, talaga namang it’s a new era, di ba? Congratulations sa ating dalawa." Parehong Kapuso talents sina Karen at Bernadette na ngayon ay mga anchors sa ABS-CBN.
Sabi naman ni Kuya Kim Atienza sa Twitter, "The force field is broken! GMA X ABS-CBN! The beginning of many beautiful things to come!”
Kung ang matinding magkalaban nga ay nagkabati, paano pa ang mga anak mong parang aso’t pusa kung mag-away araw-araw?
Paano masosolusyunan ang sibling rivalry?
Ayon sa isang pag-aaral sa India, ang sibling rivalry ay nagsisimula simula sa pagkapanganak ng pangalawang anak. Bagamat normal naman sa magkapatid ang magkaaway, mahalaga na alam ng mga magulang kung paano ito masosolusyunan habang maaga pa lamang para hindi na ito maging ugat ng hindi pagkakaunawaan ng magkapatid paglaki nila.
1. Huwag ikumpara sila sa isa’t isa.
Madalas pag-ugatan ng away magkapatid kapag nararamdaman nito na mas pabor sa isa ang magulang nila. I-trato sila na magkaibang tao, na may pagkakapareho at pagkakaiba. Iwasan ang pagsabi ng “Buti pa ang kapatid mo,” o “Bakit ka ganyan, yung kapatid mo naman ganito.” Walang maidudulot itong mabuti, bagkus lalo pang ikasasama ng loob ng iyong anak.
2. Magtakda ng oras para sa bawat anak.
Ang pagkaramdam ng kakulangan ng atensyon ay isa ring dahilan kung bakit nag-aaway ang magkapatid. Kung mayroon kang activity sa isang anak, siguraduhing meron ka ding panahon para sa isa nang sa gayon ay maramdaman nila na parehas silang mahalaga dahil may oras ka para sa bawat isa sa kanila.
3. Ipaalala sa kanila ang kanilang katungkulan bilang ‘Ate’ o ‘Kuya.’
Bigyan mo sila ng mga pagkakataon para mapanindigan ang kanilang mga role bilang ate o kuya sa kanilang nakababatang kapatid. Pwede mo silang i-assign sa mga maliliit na gawain para makatulong sa kapatid nila. Sa pamamagitan nito, naipapakita mo na hindi sila dapat mag-away bagkus magmahalan.
Plano mo palang bang magkaroon ng ikalawang anak? Baka maka-relate ka dito.