Tagalog,humor,humor for parents,Smart Parenting Village,funny photos,'Just Kidding': Parents' Funny Moments With Toddlers,april fools posts, funny photos, funny photos kids, funny photos toddlers, funny parents photos with kids,Do you ever feel like every day is April Fools' Day when you're a parent? These parents think so too! LOL!
ParentingReal Parenting

'Laging May Ipu-ipo Sa Loob Ng Bahay' At Iba Pang #ArawArawAprilFools Moments Ng Mga Parents

Mga nakakatawang post sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
PHOTO BY(from left) toni nuello-malick, glaiza adan

Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparentingsubmissions@gmail with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories. 

Isang beses lang sa isang taon ang April Fools' Day  tama? Pero sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, parang all-year round na nagbabahagi ng mga nakakalokong eksena ang mga magulang kasama ang kanilang mga chikiting.

Samu't saring funny moments na nga ang nabasa namin sa aming online parenting community. Nariyan ang mga innocent but funny comments ng bata (Basahin dito).

Mommy: Let's say your name together. Repeat after Mama. Juan?

Son: (with a sincere expression) Two, three, four... 

Na-feature na rin namin sa dating Smart Parenting article ang mga samu't saring bagay at laruan na bigla bigla na lang nakakarating sa bag ni mommy. LOL!

article image
PHOTO BY Smart Parenting Village

Sa dami rin ng iniisip nila nanay at tatay, hindi mawawala ang mga nakakatawa at relatable na  parenting fails. Tiyak na nangyari na rin sa inyo 'yung kung kailan kakain, tsaka niyo lang naalalang hindi pa pala nakabukas ang rice rooker. It's a prank!

watch now

READ MORE FUNNY PARENTING STORIES:

#ArawArawAprilFools feels ng mga magulang

At ngayong April Fools' Day, naalala naming balikan uli ang ilang nakakatawang posts sa Smart Parenting Village nitong mga nakaraang buwan.

Minsan magulang, madalas human playground ng anak!

article image
"'Yung gusto mo lang naman matulog dahil night shift ka tapos anak mo ayaw kang tantanan gawing playground."
PHOTO BY Charm Felipe

Hindi mapigilan maka-relate ng isa pang mommy sa comment section. Aniya, "I feel you momsh. Ime-measure pa nila kung kaya ka nilang talunan."

'Ikea is life but tulog and dede is lifer!'

article image
"'Yung nagpunta ka ng Ikea para lang magpadede. 80% ng stay nagdede at natulog si LO. Gusto i-try lahat ng kama. Nagahol na tuloy sa oras."
PHOTO BY Honey Grace Rodriguez-Ang

'Yung parang laging may ipu-ipo sa loob ng bahay LOL!

article image
"'Yung ang liit naman ng mga anak natin pero laging wasak ang loob ng bahay. Laging may ipu-ipo sa loob ng bahay natin lalo na sa sala."
PHOTO BY Toni Nuello-Malick

Ang isang mommy, may kaparehong experience din kay mommy Toni. Aniya sa comment section, "Kaya 'yung anak ko minsan tawag ko 'Typhoon Cloud.'"

Mukhang may weather disturbance din sa loob ng bahay nila Mommy Glaiza Adan.

article image
Kwento ni Glaiza sa Smart Parenting Village, "Bagong tupi po 'yan. Nagtutupi ako tinaob niya 'yung basket."
PHOTO BY Glaiza Adan
article image
From ipu-ipo to horseback riding! "At di pa sya nakuntento. Ginawa nya akong neigh neigh (horse)," ani Glaiza.
PHOTO BY Glaiza Adan

Hindi makakailang, nakakapagod ang pagiging isang magulang. Nariyang kaunti lang ang magiging tulog, kain, at pahinga mo. Halos hindi ka rin nawawalan ng iniisip at gagawin.

Pero lahat ng pagod at hirap na 'yan ay agad napapawi ng mga pagkakataong masaya mong nakaka-bonding ang iyong mga anak.

May mga nakakatawang photos at videos ka ba na gusto mong ibahagi? Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Pwede mo rin itong ipadala sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com


Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close