bullying,bullying Philippines,cyberbullying,Paano Maiiwasan Ang Cyberbullying? | Smart Parenting,cyberbullying, how to prevent cyberbullying, iwasan cyberbullying, bullying, iwas bully, iwas cyberbully, internet, internet bullying, signs cyberbullying, bullying signs, cyberbullying effects,Ito ang paraan para maiwasan ang cyberbullying.
ParentingBig Kids

Ano Ang Cyberbullying At Paano Ito Maiiwasan? Tips Para Sa Mga Magulang

Parami nang parami ang biktima ng pambubulas sa internet.
PHOTO BYADOBE

TW: Self-harm and suicide

Ngayong nasa digital age na tayo, napakaraming oportunidad at paraan para makipag-ugnayan sa mga tao saanmang lugar sa mundo ngunit sa kabila ng mga benepisyo ng internet, mayroon din itong hindi mabubuting mga bagay na naidudulot. Ayon sa datos ng PNP, mula Enero hanggang Agosto ngayong taon ay mayroong naitalang 16,297 cybercrime cases. Kasama rito ang anti-photo and video voyeurism, identity theft, unjust vexation, at iba pa. Isa rin sa problemang patuloy na naidudulot ng internet ang paglaganap ng cyberbullying o pambubulas sa internet. 

Alamin natin mula sa mga eksperto at psychologists kung ano ito, unawain ang mga epekto, at talakayin ang mga estratehiya para maprotektahan ng mga magulang na tulad mo ang inyong mga anak.

Ano ang cyberbullying?

Isa itong uri ng harassment na mayroong malalang epekto sa mga biktima, partikular na sa mga bata at teenagers. Ang cyberbullying ay lantaran at paulit-ulit na paggamit ng digital communication tools kagaya ng social media (Facebook, Tiktok, Instagram, Twitter), SMS o text messages, o email upang makapangharass, manakot, o mang-intimidate ng isang tao.

Karaniwang kasama rito ang pagkakalat ng masasakit na mga salita, hindi totoong mga impormasyon, o derogatory comments na mayroong malisyosong intensyon na makapagdulot ng emotional distress sa target nito. 

Sa tradisyonal o nakasanayan nating pambubulas o bullying, harapan o face-to-face ang nangyayaring pananakit at pagpapahiya. Samantala, sa virtual na mga espasyo naman nangyayari ang cyberbullying. 

Ipinaliwanag din ng UNICEF na maaaring maganap ang cyberbullying hindi lang sa social media kundi sa online messaging apps, gaming platforms, at sa SMS o text messages. 

Ano-ano ang mga paraan para mambully online?

Ang mga nararanasan ng mga biktima ay ang sumusunod:

  • pagkakalat ng kasinungalingan tungkol sa kanila
  • pag-post ng mga nakakahiya nilang larawan o videos sa social media
  • masasakit, mapanakot, at mapang-abuso o mga threatening na mensahe (harassment)
  • paggamit sa kanilang identidad upang magpadala ng masasamang mensahe sa iba (fake profiles o impersonation) o sirain ang kanilang reputasyon at pangalan
watch now

Ang konsistent na pagpapadala ng masasakit na salita o offensive na mga mensahe, pribado man o naaakses ng publiko, at nagdudulot ng kahihiyan sa biktima ay may matinding pinsala sa mental health ng biktima. 

Ilan pa sa mga paraang ginagamit ng iba para sa pambubulas sa internet:

  • Outing at Doxing: Pagkakalat ng personal na impormasyon, mga sikreto, o nakahihiyang impormasyon tungkol sa biktima nang walang consent mula rito 
  • Exclusion: Pananadya na i-ekslud o ihiwalay ang biktima sa online groups, social circles, o mga gawain
  • Flaming: Paggamit ng masasamang salita at pang-iinsulto sa mga agresibong argumento o debate online

Ano-ano nga ba ang mga epekto ng cyberbullying?

Walang makapagsasabi kung hanggang saan ang epekto ng pambubulas sa internet. Maaaring tumagal ang mga emosyonal, psychological, at kahit pa pisikal na mga sugat sa biktima. Ayon sa mga sikolohista, ilan sa mga epekto nito ay ang sumusunod:

Emotional Distress

Matinding pagkabalisa, depression, at stress dahil sa hindi matigil-tigil na harassment at pamamahiya.

Low Self-Esteem

Nakasisira din ng pagtingin sa sarili ang cyberbullying. Apektado kasi rito ang kumpiyansa sa sarili at ang karaniwang nangyayari ay bumabagsak ang tinatawag nating self-confidence at self-worth.

Epekto sa Pag-aaral o Academic Decline

Kapansin-pansin ding ang mga batang biktima ng pambubulas online ay nahihirapang mag-concentrate sa kanilang pag-aaral. Nagiging mababa tuloy ang kanilang mga marka sa paaralan. 

Isolation

Ang mga biktima ng cyberbullying ay may tendensiya ring umiwas mula sa social activities at piliing mapag-isa na lamang upang makaiwas sa dagdag na pagkakapahiya.

Physical Health Issues

Ang stress at anxiety na bunga ng cyberbullying ay maaari ding maging pisikal na karamdaman katulad ng pananakit ng ulo, hirap sa pagtulog, at iba pang mas matinding mga health problems. 

Self-Harm at Suicide

Sa extreme na mga kaso, ang emosyonal na paghihirap mula sa  cyberbullying ang nagtutulak sa mga biktima na saktan ang sarili (self-harm) o mas malala, magpatiwakal.

Long-Term Psychological Impact

Mayroong mga indibidwal na maaaring may emotional scars mula sa cyberbullying na naranasan noong bata pa sila at nadadala ito sa adulthood. Mayroon din itong epekto sa kanilang mental health at iba pang relationships.

Talagang hindi biro ang pambubulas sa internet. Kailangang maging maalam o informed ang bawat magulang, guro, at guardian tungkol dito. 

Paano mapoprotektahan ang mga bata sa cyberbullying?

Mahalagang mayroong proactive na measures na gagawin upang maiwasan na maging biktima ang iyong anak. Narito ang sumusunod na mga hakbang o estratehiya upang maprotektahan ang anak mula sa pambubulas online:

  1. Maging bukas sa pakikipag-usap at pakikinig sa iyong anak. Hikayatin sila na magbahagi ng mga nararanasan nila online, parehong positibo at negatibo nang walang takot na mahusgahan.
  2. Turuan sila tungkol sa digital literacy. Kahit sa murang edad, mauunawaan na rin ng mga bata ang panganib na dala ng internet at social media. Maaaring gamitin ang pagkukuwento bilang paraan ng pagtuturo.  Tulungan silang maunawaan ang kahalagahan ng pagiging responsable at maingat sa pagiging online. 
  3. Bigyan sila ng limit sa paggamit ng social media platforms. Maaaring kasama rito ang limits sa kanilang screen time, ang masusing pag-aayos ng kanilang privacy settings, at mga impormasyon na maaari nilang ibahagi sa kanilang contacts. Dapat ding tandaan na protektahan ang kanilang personal na impormasyon online. Hindi sila dapat magbahagi ng kanilang address, phone number, at iba pang mahahalagang detalye. 
  4. Mahalaga ring nasa contacts ka ng iyong anak. Mas mamo-monitor mo ang kanyang online activity sa ganitong paraan. I-review ang kanilang social media accounts na para bang kinukumusta mo lang kung ano ang kanilang mga napapanood at nababasa, at mga paksang interesante para sa kanila sa mga nakita nila online. Mahalaga ring paalalahanan silang ang kanilang online connections ay dapat kilala talaga nila, safe na nasa contacts nila, at mapagkakatiwalaan. 
  5. Turuan din ang iyong anak na maging mabuting bata, na matutong unawain ang iba, at maging maayos ang pakikitungo sa kahit sino. Tulungan silang unawain ang impact ng kanilang mga salita at kilos sa ibang tao. 
  6. Paalalahanan din sila na magsabi agad sa iyo o sa guro kung mayroong mga sitwasyon na mayroong online bullying. Kailangan ma-block ang mga ito mula sa kanilang account. 

Siguraduhing alam ng iyong anak na maari siyang lumapit sa iyo sa anomang sitwasyong kahaharapin niya. At na hindi niya kailangang matakot na baka mapagalitan siya. 

RELATED: Different Forms of Cyberbullying You Should Be Aware Of

Kailan dapat humingi ng professional help?

Kapag nakaranas ng pambubulas sa internet ang iyong anak, maaaring humingi ng propesyonal na tulong mula sa counselor o therapist upang maproseso ang kanilang emotional trauma. 

Maging role model din sa anak. Nakatutulong ang pagiging magalang kahit sa virtual na mga espasyo. Ipakita rin kung paanong mag-handle ng conflict at kritisismo online sa paraang makatutulong sa sarili at sa kapwa. Makatutulong din ang pagkuha at pagtatago ng documentary evidence sakaling kailanganin ito. 

Nasa link na ito rin ang mga numero ng mga organisasyong maaaring hingan ng tulong kung ikaw o kakilala mo ang dumaranas ng cyberbullying. 

Hindi dapat ipagsawalang-bahala ang online na pambubulas. Posibleng matindi ang epekto nito sa mga biktima. Ang pag-unawa sa kung ano ito at mga uri nito ay mahalagang hakbang para mapag-ingat ang iyong mga mahal sa buhay. 

Sa pamamagitan ng pagpapanatili ng open communication, pagtuturo ng digital literacy, paglalagay ng limitasyon o malinaw na boundaries sa paggamit ng internet, at paghikayat sa anak na maging responsable online, mapoprotektahan ng mga magulang tulad mo ang inyong mga anak. 

Kung mas marami ang makaaalam ng mga bagay na ito, higit pang magiging ligtas at mas payapa ang virtual na mga espasyo para sa ating lahat, lalo na sa mga susunod na henerasyon. 

Kung nag-aalala ka tungkol sa iyong kaligtasan o tungkol sa isang insidente na nangyari sa iyo online, maaari kang humingi ng tulong. Tumawag sa mga official national helpline.

  • National Emergency Hotline: 911
  • PNP Aleng Pulis: 0919 777 7377

View More Stories About

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close