Filipino,big kids,parenting,Filipino culture,teasing,Family & Relationships,People & Society,Family and Relationships,Bakit Mali ang ‘The More You Hate, The More You Love’?,Ang panunukso ay hindi pagmamahal. Alamin kung bakit dapat itigil ang maling aral na 'The More You Hate'.
ParentingBig Kids

Bakit Dapat Itigil Ang ‘The More You Hate, The More You Love’?

Tigilan na ang pagsasabi ng “Crush ka nun” sa ating anak tuwing may nang-aasar. Narito ang ilang katotohanang dapat malaman ng mga bata.
PHOTO BYCanva

“Mommy, inaasar niya ako!”

“Crush ka lang ‘nun.”

Marahil narinig mo na ito mula sa iyong mga magulang noong bata ka, nang magsumbong ka na inaasar o sinaktan ka ng isang kaklaseng lalaki. “Tinutukso ka niya? Ibig sabihin, gusto ka niya!” Madalas itong sinasabi ng mga nakakatanda sa loob ng maraming henerasyon. Inosente man itong pakinggan sa una, at maaaring sinasabi upang hindi magdamdam ang mga batang babae, subalit kung susuriin, ang mensaheng ito ay mas nakakasama kaysa nakakatulong.

Ano Ang Itinuturo Natin sa mga Babae Kapag Pinapalagpas Ang Masamang Ugali ng mga Lalaki?

Isa ito sa mga tinalakay ni Dr. Rica Cruz, isang sex and relationships therapist at miyembro ng Smart Parenting Board of Experts, sa naganap na Smart Parenting Village Live na may pamagat na “How To Talk To Your Kids About Sex.” Ayon kay Dr. Rica, napapanahon nang itigil ng mga magulang ang pagsasabi sa kanilang mga anak na babae ng: “Crush ka ‘nun,” o “Gusto ka ‘nun” tuwing magsasabi sila na inaasar, sinasaktan, o “nagpapapansin” sa kanila ang isang lalaki.

Ang dahilan para dito ay maaaring mabasa sa isang Instagram post kung saan nakasaad ang isinulat ni Farida D.–isang Arab gender researcher at poet. Aniya:

“Tell girls that the boy who pulls your hair will be the man who pushes your boundaries. The boy who makes fun of you will be the man who dismisses your feelings. The boy who uses ‘like a girl’ as an insult will be the man who is a misogynist. The boy who doesn’t take ‘no’ will be the man who r**** you.

Tell girls the truth; when a boy is mean, it doesn’t mean he likes you–it means he’s mean.

Because girls aren’t told how boys enact violence–only to be women who are trained to endure it.”

Sa madaling salita, hindi lang ang panunukso ang problema–kundi ang mensaheng ipinapasa natin sa ating mga anak na nagpapalusot at nagpapahintulot sa ganitong pag-uugali.

watch now

Ang Katotohanan: Ang Pananakit ay Hindi Pagmamahal

Nararapat marinig ng mga kabataang babae ang katotohanan:

  • Ang lalaking humihila ng buhok mo ay hindi nagpapapansin o nagpapakita ng pagtingin–sinusubukan niya kung hanggang saan mo papalampasin ang kanyang masamang asal.
  • Ang lalaking nang-aasar sa iyo ay hindi nagpapakita ng pagka-gusto–pinapababa lang niya ang iyong kumpiyansa at hindi niya pinapahalagahan ang iyong damdamin.
  • Ang lalaking hindi nakikinig o sumusunod sa iyong “hindi” ay hindi matiyaga o makulit–wala siyang pakialam sa iyong mga hangganan.

Tuwing sinasabi natin sa ating mga anak na “Crush ka lang ‘nun,” tinuturuan natin silang tiisin ang sakit at manatili sa cycle ng pananakit. Itinuturo natin sa kanila na pagdudahan ang kanilang nararamdaman, at humanap ng paliwanag sa masamang pagtrato ng kapwa sa halip na ipaglaban ang karapatan.

Marahil ito ang pinagmumulan ng ugali ng maraming kababaihang maging ”martir”–ang magtiis sa isang relasyong wala nang respeto at pagmamahal, pati na rin ang kawalan ng lakas na ipaglaban ang sarili. Ito ay nag-uugat sa maling paniniwala na normal lang ang sakit bilang bahagi ng pagmamahal.

Ano ang Dapat Ituro sa mga Kabataan?

Sa halip na palampasin ang maling asal, nararapat na turuan natin ang mga batang lalaki na:

  • Igalang ang mga hangganan ng kapwa, maliit man ito o malaki, upang lumaki silang marunong gumalang sa mas mahahalagang bagay.
  • Pahalagahan ang nararamdaman ng iba, upang sa kanilang paglaki ay magkaroon sila ng empathy at tunay na malasakit sa magiging kapareha/asawa.
  • Managot at maging responsable sa kanilang mga kilos, maliit man o malaki, upang lumaki silang may pananagutan sa kanilang mga gawa.

Alinsunod dito, tigilan na natin ang pagpapalaki sa ating mga anak na babae na tiisin ang pananakit, at ituro sa kanila ang ilang katotohanan:

  • May karapatan kang ipagtanggol ang sarili mo, lalo na kung hindi ka nirerespeto ng ibang tao.
  • Pakinggan ang iyong nararamdaman at umalis sa sitwasyong nagpapahirap o nakakasakit sa sarili.
  • Ang hindi pag-trato sa iyo nang tama ay hindi pagmamahal.

Nararapat malaman ng ating mga anak na ang tunay at tamang pagmamahal ay ligtas, na ang respeto at kabaitan sa kapwa ay pinaka-basic na pamantayan, at sinumang lumalabag sa kanilang dignidad o hindi nagpapahalaga sa kanilang emosyon ay hindi karapat-dapat pag-aksayahan ng panahon at atensyon.

Bilang mga magulang, tayo ay responsable sa paghubog ng kaisipan at pag-uugali ng ating mga anak. Huwag na natin ipamana sa kanila ang mga maling paniniwala gaya ng mapanakit ang pagmamahal. Sa halip, ituro natin sa kanila ang tunay na paggalang, pagmamahal, at pagmamalasakit sa sarili at sa kapwa.

Magsimula tayo sa pagsasabi at pagtuturo ng katotohanan.

Basahin ito kung bakit hindi dapat asarin ang teens kapag may crush sila.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close