bully,bullying red flags,bullying,bullying Philippines,bullying in school,bullying signs,sc23,Paano I-Bullyproof Ang Iyong Anak? | Smart Parenting,bully, bullying, signs of bullying, effects of bullying, bully-proof, kids, students, school bully, school, parenting, children,Alamin kung paano maiiwasan na ma-bully ang iyong anak
ParentingBig Kids

Paano I-Bullyproof Ang Iyong Anak: 9 Tips Para Sa Mga Magulang

Paalala: Mainam na maging mabuting halimbawa ng tamang pag-uugali.
PHOTO BYCANVA

May mga pagkakataon sa buhay ng ating anak na maaari silang humarap sa pambubulas o anumang hamon ng paninindak. Ang pambubulas o bullying ay isang katotohanan na hindi man nating tanggap ay nagaganap sa ating lipunan. At kung hindi mabigyan ng agarang solusyon ay maaaring makaapekto sa kumpiyansa at pangkalahatang kabutihan ng bata. 

Bilang mga magulang, mahalagang gabayan ang ating mga anak laban sa pambubully o pambubulas. Turuan natin sila ng mga kasanayan at kaalaman upang mas maging matatag sila sa harap ng mga pagsubok na ito. Narito ang ultimate guide upang ihanda sila sa posibilidad ng pambubulas.

Magkaroon ng malakas na komunikasyon sa anak

Mahalaga na magkaroon ng maayos na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at anak. Ang komunikasyong ito ang maglalapit sa bawat isa upang maging bukas ang anak sa pagsasabi ng kanyang saloobin at ang magulang upang pakinggan naman ang anak. Sa pamamagitan ng maayos na ugnayang magulang at anak, mas magiging komportable ang bata magbahagi ng mga  karanasan lalo na sa may kinalaman sa pambubulas. 

Ang mga kuwento ng bata na binabahagi sa kanilang magulang ay maaaring sariling karanasan o mga nasaksihan niya. Mahalagang pakinggan pa rin ang mga kuwentong ito kahit hindi sariling karanasan ng anak upang mapakita sa bata na tayo ay handang makinig. Mahalaga na maging mapagmatyag at makinig nang buong atensyon upang maipadama sa kanila na handa tayong tumulong at may malasakit tayo sa kanila.

Itaguyod ang positibong pagtingin sa sarili 

Sa paulit-ulit na pangaral ay naunawaan na marahil ng bata ang kahalagahan ng pagkakaroon ng positibong pagtingin sa sarili. Mahalagang maituro sa ating mga anak ang pagkakaroon ng positibong pagtingin sa sarili. 

RELATED: Hindi Limitado Ang Bullying Sa Physical Abuse: 5 Pang Uri Ng Pambubulas

Palakasin ang kanilang kumpyansa at self-worth. Mainam na maipakita sa bata na ang kanilang halaga ay hindi nakasalalay sa mga salita ng ibang tao. Ang interpretasyon ng tao sa kanilang kilos at salita ay mga opinyon lamang na hindi dapat makaapekto sa sarili nilang pagdedesisyon at kilos. 

watch now

Maganda ring mabigyan sila ng mga pagkakataon na mapakita nila ang kanilang mga kahusayan. Buksan para sa kanila ang oportunidad na magbibigay ng kasiyahan at tiwala sa sariling kakayahan. Sa ganitong paraan, alam nila sa kanilang sarili ang kanilang galing.

Kung sakaling may mambatikos man sa kanila o manukso, alam nilang ito ay hindi na dapat bigyan pa ng atensyon o halaga.

Palakasin ang pisikal na kapangyarihan

Tulad ng pagpapalakas ng isipan, mahalagang pamamaraan din ang pagpapalakas ng katawan upang maging handa sa anumang sitwasyon. Payuhan ang anak na magsagawa ng pisikal na aktibidad tulad ng ehersisyo o pagsali sa sports o pisikal na kompetisyon sa paaralan man o komunidad. 

RELATED: Your Child Can Fall Victim To Bullying That Is Not Loud Or Physical

Bukod sa nakatutulong sa kanilang pangkalahatang kalusugan, ang pag-e-ehersisyo ay nagpapalakas din ng resistensiya at tiwala sa sarili. Gayun din ang epektong hatid ng mga sports tulad ng basketball, football, o swimming.

Ituro ang emosyonal na pagpigil

Mahalagang malaman ng ating anak na mabuting nailalabas ang mga emosyong kanilang nararamdaman. Ngunit may mga pagkakataon na alam dapat nila ang tamang pagkontrol sa kanilang emosyon sa mga pagkakataong hinihingi ito. Marapat na turuan ang ating mga anak kailan kailangan maging mahinahon at mas pairalin ang pagkakaroon ng malasakit sa ibang tao.

Sa panahong hinihingi ng pagkakataong pigilin ng bata ang kanilang mga emosyon, ipaalala sa kanila na tayong magulang nila ay handang makinig sa kanilang paglalabas ng saloobin. Mahalagang maipahayag nila ang kanilang nararamdaman upang maiwasang i-divert nila ito sa ibang bagay tulad ng pambubulas sa kapwa bata.   

RELATED: 'Always Choose To Be Kind' Ang Laging Bilin Ni Mommy Sa Anak Niyang Nakakaranas Ng Bullying

Palawakin ang kaalaman

Mabuting maituro sa ating anak ang tungkol sa pambubulas at ang mga uri nito. Maaaring magsagawa ng mga aktibidad sa tahanan upang maipaliwanag ang mga senaryo at kung paano ito malulunasan o maiiwasan.

Mahalaga rin mapamulat sa ating mga anak paano ba lalabanan ng tama ang pambubully at kung kailan dapat humingi ng tulong sa awtoridad.

Palakasin ang sosyal na koneksyon

Ang mga malalapit na kaibigan ng ating anak ay maaaring maging sandalan nila lalo na sa mga panahong hindi makalapit sa atin ang ating anak sa anumang kadahilanan. Payuhan silang lumapit sa mga kaibigan na nagbibigay ng positibong impluwensya at nagsusulong ng pagkakaisa at pagmamahalan. Ang pagkakaroon ng malalapit na kaibigan ay magbibigay ng suporta at proteksyon sa oras ng pangangailangan. Ngunit maganda rin sa umpisa pa lamang ay ma-establish na natin sa ating anak na higit sinuman, tayo ay pwede rin nilang maging matalik na kaibigan.

Maging mabuting halimbawa

Ang mga bata ay madalas na sumusunod sa mga kilos at salita ng mga taong malapit sa kanila, lalo na sa kanilang mga magulang. Mainam na maging mabuting halimbawa ng tamang pag-uugali. Ipakita sa ating mga anak ang kahalagahan ng respeto, pagkakapantay-pantay, at pakikitungo sa iba. 

RELATED: 5 Reasons Bullying Victims Suffer in Silence (and Why Parents Are the Last to Know)

Maganda rin magsagawa ng mga gawain na nagpapakita ng pagiging matatag. Ipamalas sa kanila na ang paninindak, pang-aaway o pambubulas sa iba lalo na sa mas bata sa kanila ay hindi tamang pag-uugali. Ipakita ito hindi lamang sa mga kuwento kundi maging sa kung paano tayo makitungo sa kapwa. 

Gumamit ng teknolohiya

Sa mundo natin ngayon, malawak ang papel ng teknolohiya sa pang-araw-araw na buhay. Turuan ang ating anak na maging responsableng mamamayan ng digital na mundo. Payuhan silang protektahan ang kanilang sarili sa paninindak online. Magagawa ito sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga pampribadong setting sa kanilang social media account at pag-report ng anumang mga paglabag sa mga awtoridad.

Gabay laban sa pambubulas

Ang pambubulas ay isang paninindak na maaaaring maranasan ng ating anak. Sa kabila ng kaliwa't kanang balita tungkol dito, pwede itong maiwasang mangyari sa kanila at maiwasang gawin din nila ito sa kapwa.  

Magkaroon ng malakas na presensya sa ating mg anak. Ipakita na ang ating pagtanggap at pagmamahal ay sapat upang matanggap din nila ang kanilang sarili at kakayahan. At sa mga panahong kailangan nila ng karamay, naririyan lamang tayo sa kanilang tabi. 

RELATED: Epekto Ng Pambubully Sa Mga Bata: Isang Malalim Na Pagsusuri

Tandaan din na huwag mag-atubiling humingi ng tulong mula sa mga propesyonal o tagapayo upang magbigay ng karagdagang suporta sa ating anak lalo na sa mga panahong kailangan nila. Sa pamamagitan ng mga gabay na ito, matutulungan natin ang ating mga anak na maging matatag at handa harapin ang mga hamon ng pambubulas sa kanilang buhay.

Iba-t ibang anyo ng pambubulas

May iba't ibang anyo ng pambubulas na maaaring ma-experience ng isang bata. Ang ilan sa mga pangunahing klase ng pambubully ay ang mga sumusunod:

Pisikal

Ito ay ang anyo ng pambubulas na gumagamit ng pisikal na kapangyarihan, lakas o pwersa upang makapanakit ng tao. Maaaring kasama rito ang panununtok o sadyang pagtalisod sa isang tao.

Verbal

Naglalayon naman ang verbal bullying na saktan ang isang tao sa pamamagitan ng pagsasalita ng masasakit na salita, pangungutya, o pagbabanta.

Emosyonal

Layon ng taong nananakit dito ang saktan ang damdamin at emosyon ng isang tao. Maaaring gawin ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng masasakit na salita o  pangungutya.

Sosyal

Ito ay ang pambubulas na nakatuon sa pagsasamantala sa isang tao mula sa mga grupo o komunidad. Halimbawa nito ay ang paninirang-puri o pagkakalat ng negatibong impormasyon tungkol sa isang tao upang pahiyain o balewalain siya.

Seksuwal

Ang pambubully namang seksuwal ay may  kinalaman sa sexual na aspeto. Maaaring ito ay pang-aalipusta, pang-aabuso, o pagsasamantala sa seksuwal na paraan ng ibang tao nang labag sa kanilang kagustuhan.

Virtual

Nangyayari ang klase ng pambubulas na ito sa online world , tulad ng social media platforms, email, o text messages. Ito rin ang sinasabing cyberbullying, kung saan ginagamit ang teknolohiya upang mang-api, mang-inis, o manakit ng tao.

May iba't ibang pamamaraan ang pambubulas

Ang mga klase ng pambubulas na nabanggit ay nagpapakita ng iba't ibang paraan kung paano maaaring makapanakit ng tao. Mahalagang maunawaan ang mga ito upang makilala ang mga senyales ng pambubulas at makagawa ng mga hakbang upang maiwasan at labanan ang mga ito. 

Higit sa lahat, magandang maging maalam sa mga sensitibong topics tulad ng pambubulas upang tayo mismong mga magulang ang gumabay sa ating anak na ang mga gawang tulad nito ay hindi makatao o maka-Diyos.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close