-
'Ang Negra Ng Anak Mo!' Paano Magpalaki Ng Confident Na Bata Sa Mundong Mapanghusga
Ibinahagi ng isang nanay kung paano niya hinahandle ang mga comments tungkol sa kulay ng kanyang anak.by Ana Gonzales . Published Mar 4, 2020
- Shares
- Comments

Maraming mga Pilipino ang lubos na nahuhumaling sa pagpapaputi. Para kasi sa karamihan sa atin, ang pagkakaroon ng maputing balat ay nangangahulugan na mayroon kang mataas na social status. Samantala, kapag maitim o kayumanggi ang iyong balat, mababa naman ang iyong economic status.
Kaya naman ganoon na lang kung manghusga at manlait tayo ng mga kapwa natin Pilipino na may maitim na balat. Sa katunayan, Abril noong nakaraang taon nang makatanggap ng backlash ang isang skin whitening brand dahil sa online advertisements nila na nagpapakita na kawawa ang mga taong hindi maputi ang balat.
What other parents are reading
Isa sa mga nagpahayag ng kanyang opinion noon ang host at celebrity mom na si Bianca Gonzalez-Intal. Ayon sa kanya, kung tutuusin ay wala naman dapat pagtatalo sa pagitan ng mga maiitim at mapuputi dahil hindi natin kailangang ikumpara ang sarili natin sa isa't-isa.
Iyan din ang sentimiyento ni mommy Rob Sagun, isang nanay na miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village.
Masiyahing bata si Gabo. Kwento ng mommy niya, kahit gaano ka-confident ang anak niya, minsan ay nalulungkot ito kapag nakakarinig ng mga comments tungkol sa kulay niya.PHOTO BY courtesy of Rob SagunAyon sa post na ibinahagi niya sa Village, sa edad na pitong taong gulang, nakakaramdam na ng insecurities ang kanyang anak na babae dahil sa mga naririnig nitong comments tungkol sa kulay ng balat nito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNagsimula ang lahat nang mag-aral ang kanyang anak, limang taong gulang lang ito. "Her classmates were asking, bakit daw [ganoon] 'yung kulay niya. Bakit daw po black?" paliwanag ni mommy.
Maliit pa lang si Gabo, lagi na siyang nakakarinig na masasakit na comments tungkol sa kulay niya.PHOTO BY courtesy of Rob SagunCONTINUE READING BELOWwatch nowWhat other parents are reading
May pagkakataon pa raw na narinig ni mommy na tinatawag na 'unggoy' ng ibang bata ang anak niya. Nang tanungin niya ang anak niya kung bakit pumapayag ito sa ganoon, sinabi nito na ayaw niyang umalis ang mga kalaro niya.
"Kinausap ko na lang ang [mga] magulang [nung bata] para sila na lang ang makipagusap sa anak nila," sabi ni mommy. "I explained [to my daughter] na huwag na ulit hahayaan ang ibang bata na tawagin siyang ganoon kasi may pangalan siya."
Gusto nilang sabihing mag-ina na sanay na sila sa mga comments, pero hindi pa rin maiwasan minsan na maapektuhan silang dalawa.PHOTO BY courtesy of Rob SagunADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Dati raw ay hindi naman alintana ng anak niya ang itsura at kulay nito. Pero nang madalas na itong tinutukso ng ibang mga bata, pati na rin ng mga matatanda, nagsimula na itong maging conscious sa kanyang anyo.
"Since [mayroon] kaming puwesto ng kainan, araw-araw siyang isinasama ng Papa niya na mag-grocery. Siguro sa mga TV commercials napanood niya 'yung tungkol sa whitening lotion kaya she asked permission from her Papa na bumili—baka [raw] sakaling pumusyaw siya," pagbabahagi ni mommy.
Inilista ni mommy ang ilan sa mga comments na madalas nilang marinig mag-ina:
"Grabe naman 'yang sunburn ng anak mo!" (acquaintance)
"Naku girl, nag-swimming nanaman kayo! Ang itim na nga ni Gab lalo mo pang pinaiitim." (client)
"P#t*! Ang negra pala talaga!" (client)
"Hala! Bakit ganyan kulay mo? Black?" (classmate)
"Hindi naman siya maganda photogenic lang!" (friend)
Minsan, nagtanong ang anak niya kung sakit ba ang pagiging maitim.PHOTO BY courtesy of Rob SagunADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSabi ni mommy, gusto niyang isipin at sabihin na sanay na silang mag-ina, pero nagtatanong na ang anak niya kung may sakit daw ba ito dahil maitim ang kulay ng kanyang balat.
"She was asking kung nasaan na raw ang napamaskuhan niya para ibibili niya ng gluta (glutathione)," kwento ni mommy.
Pitong taong gulang pa lang ang anak niya.
Hindi magsasawa si mommy na ipaliwanag sa anak niya na maganda ito—ano man ang kulay niya.PHOTO BY courtesy of Rob SagunADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPara hindi lumala ang mga insecurities na nararamdaman ng anak niya, matiyaga niya itong pinagpapaliwanagan. "I explain that her skin color doesn't define her—personality does," kwento ni mommy.
Paulit-ulit niya ring sinasabi sa anak niya na maganda ito at hindi lang kulay ang basehan ng kagandahan. "Lahat kami, pati mga tindera, lagi naming [sinasabi] 'Wow! Ang ganda ni Gabo ah!'"
Tuloy-tuloy lang si mommy sa pagpapaalala sa anak niya na may sarili itong taglay na kagandahan.PHOTO BY courtesy of Rob SagunADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMayroong ilang payo si mommy sa mga kapwa niya ina na may anak na morena. "Una, be confident," sabi niya. "'Yung pagkakaroon nila ng kumpiyansa sa sarili ay nagsisimula sa [ating] mga magulang nila at sa mga taong nasa paligid nila."
Madalas ipakita ni mommy sa kanyang anak na natural magkakaiba ang kulay ng balat ng mga tao sa iba't-ibang panig ng mundo.PHOTO BY courtesy of Rob SagunADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWDagdag pa ni mommy, lagi mong i-appreciate ang anak mo kapag pumipili sila ng kanilang mga damit at ipinapahayag nila ang kanilang style at choices of color. Habang lumalaki sila, hayaan mo silang i-express ang kanilang sarili sa mga damit at style na gusto nila.
"Pangalawa, let us introduce them to the world [of] equality," paliwanag niya. "Sa una marami silang tanong—much better if we provide correct answers."
Sabi ni mommy, kapag tinatanong siya ng anak niya kung puputi pa ito, sinasabi niyang oo at maraming paraan pero hindi niya ito kailangan. Laging sinasabi ni mommy, "You are unique. You are loved."
Gusto niyang matutunan ng anak niya na ang kagandahan ay hindi lang nakasalalay sa panlabas na anyo ng isang tao.PHOTO BY courtesy of Rob SagunADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWLagi rin daw ipinapakita ni mommy sa anak niya ang mga tao sa ibang bansa para maintindihan nito na likas na iba-iba ang kulay ng balat ng mga tao at wala itong kinalaman kung mabuti ka ba o kung masama, kung maganda ka ba o pangit.
"Express your love and affection," dagdag pa ni mommy. "Hindi sapat na tanggap mo lang, dapat ipakita at ipadama mo sa kanila yung pagmamahal sa kanila."
Watch the video here:
Bakit nga ba mas malaki ang pagpapahalaga natin sa kulay, timbang, at anyo ng isang tao kaysa sa ugali nito? Kailan nga ba natin matututunang mag-isip muna bago magsalita?
Naranasan mo na rin bang makarinig ng mga masasakit na salita dahil sa iyong kulay? Anong sinabi mo? May anak ka bang morena? Paano mo ipinapaliwanag sa kanya na mayroon siyang sarili at unique na kagandahan? I-share mo na ang iyong experience sa comment section.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading

- Shares
- Comments