embed embed2
  • Tamad Na Tamad Lagi Ang Anak Ko: Bored O Depressed?

    May dahilan kung bakit madalas siyang hindi motivated lalo na pagdating sa schoolwork.
    by Ana Gonzales .
Tamad Na Tamad Lagi Ang Anak Ko: Bored O Depressed?
PHOTO BY Shutterstock/kornnphoto
  • Hindi na bago sa mga adults ang paminsan-minsang mawalan ng gana na gumawa ng kahit ano. Malimit ang dahilan nito ay sobrang pagod.

    Pero paano kung anak mo na ang napapansin mong laging hindi motivated at mas madalas tatamad-tamad, lalo na pagdating sa kanyang pag-aaral? Ibig sabihin ba nito'y may masama siyang ugali? Bored ba siya? O mayroon nang karamdamang tulad ng depression?

    Bakit laging tinatamad mag-aral ang anak ko?

    Maraming posibleng dahilan kung bakit nawawalan ng gana ang anak mo na mag-aral. Narito ang ilan sa mga iyan:

    Overwhelmed siya

    Minsan, kapag masyadong overwhelming ang isang task, nakakatamad itong gawin—kahit ang mga adults, ramdam din ito.

    Kung hindi alam ng anak mo kung saan magsisimula at hindi niya alam kung paano gawin ang isang bagay, maaaring mawalan siya ng motibasyong gumalaw.

    Pakiramdam niya ay wala siyang choice

    Habang lumalaki ang mga bata, nagiging mahalaga sa kanila na mayroon silang sariling desisyon.

    Napipilitan lang siya

    Nakakawalang-gana nga namang gumalaw kung hindi naman gusto ng anak mo ang ginagawa niya.

    Mayroon siyang depression

    Kung napapansin mong bigla na lang nawalan ng gana ang anak mo sa mga bagay na dati ay gusto naman niyang gawin, maaaring sintomas ito ng depression. Kaakibat nito ang fatigue, kawalan ng ganang kumain, pagka-iritable, at social withdrawal.

    Mayroon siyang learning disability

    Minsan ay hindi katamaran ang issue. Maaaring may learning disability ang anak mo kaya mahirap sa kanyang manatiling motivated sa mga pinag-aaralan niya.

    Anong pwede kong gawin kung walang gana ang anak ko sa school?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabihin sa anak mo ang iyong concern

    Bago ka pa man mag-alala, kausapin mo muna ang anak mo. Malimit ay sasabihin naman niya kung bakit wala siyang ganang mag-aral.

    Maaaring sabihin ng anak mo na bored lang siya, pero kailangan mong tanungin o linawin kung ano ang ibig sabihin ng 'bored' sa kanya.

    Kausapin ang kanyang guro

    Ang guro ng anak mo ang pangalawang pinakamainam na kausapin kung napapansin mong tamad na tamad sa schoolwork ang anak mo.

    Sa kanya mo rin pwedeng i-check kung tama lang ba ang expectations mo sa anak mo. Pwede mo ring tanungin ang teacher ng anak mo kung may mga pagbabago ba sa school na maaaring maging dahilan para bahagyang maantala ang momentum ng anak mo sa pag-aaral.

    Ipa-check kung mayroong depression o learning disability ang anak mo

    Kung hindi kapansin-pansin ang mga pagbabago at sintomas pero naghihinala kang may depression o 'di naman kaya ay learning disability ang anak mo.

    Paano i-motivate ang anak kong tinatamad mag-aral?

    Bigyan siya ng choice

    Pwede mong hingin ang tulong niya sa paggawa ng kanyang study schedule. Pwede ka ring humingi ng tulong sa kanya para ayusin ang kanyang study area sa bahay.

    Sa ganitong paraan, mararamdaman niyang bahagi siya ng proseso at hindi lang taga-sunod sa gusto ng iba. Sa pamamagitan din nito ay maiiwasan ang power struggle sa pagitan ninyong mag-ina.

    Gumawa ng schedule

    Malaki ang naitutulong ng paggawa ng schedule at pagsunod sa isang routine, hindi lang sa pag-aaral ng iyong anak kundi pati na rin sa trabaho mo.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Magbigay ng encouragement

    Malaki rin ang nagagawa ng papuri para ma-motivate ang mga bata sa maraming bagay. Maging sincere at consistent sa pagbibigay ng encouragement sa iyong anak.

    Sabi ng mga eksperto, hindi ibig sabihin ay hanggang paglaki ng anak mo ay wala na siyang motivation na gumawa ng kahit ano. Habang tumatanda siya ay madedevelop niya rin ito.

     

    Ikaw, anong naging solusyon mo sa kawalan ng ganang mag-aral ng anak mo? I-share na iyan sa comment section. Pwede ka ring makakuha ng mga tips sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles