;
embed embed2
  • Why Have Pets? Sabi Ng Isang Vet-Nanay They 'Provide Non-Judgmental Emotional Support'

    Napakaraming makukuhang benepisyo sa pag-aalaga ng mga hayop.
    by Ana Gonzales .
Why Have Pets? Sabi Ng Isang Vet-Nanay They 'Provide Non-Judgmental Emotional Support'
PHOTO BY courtesy of Dr. Jocelyn G. Ignacio, D.V.M.
  • Naging mahirap para sa marami sa atin ang pag-aadjust sa mga pagbabagong dala ng COVID-19 pandemic. Hindi lang tayong mga matatanda ang nahirapan. Naramdaman din ng ating mga anak ang epekto ng pandemya.

    Maraming nadiskubre ang mga nanay sa halos mahigit isang taon na pananatili nating lahat sa loob ng ating mga bahay. Kabilang na riyan ang kabutihang dulot ng pagkakaroon ng mga alagang hayop.

    Maraming benepisyo ang pagkakaroon ng pets

    Kwento ni Dr. Jocelyn G. Ignacio, D.V.M., working mom sa dalawang preteens, labis siyang nag-alala sa kanyang mga anak nang magsimula ang pandemic. "How are they going to cope with these challenging time?"

    Kaya naman naisip niyang maaaring makatulong kung mag-aampon sila ng pusa. "I myself as a veterinarian, thought of adopting a cat. Good thing, sometime in late March 2020, a friend gave us Basilio, a siamese male castrated cat."

    Dito na raw nakita ni doktora ang mga magagandang epekto sa kanyang mga anak. "Pets provide non-judgemental emotional support, probably the reason why it is during this period a lot of people decides to get a pet."

    Sabi pa niya, "Taking care of a pet helps reduce stress and anxiety. In adults, animals help them cope during social isolation."

    "With my kids, it gives them some degree of normalcy, by establishing activities and bringing back the routine they have temporarily lost," dagdag pa niya.

    Bukod pa sa mga nabanggit ni doktora, mayroon pang ibang dahilan kung bakit magandang mayroon kayong mga pets sa bahay.

    Lumalabas sa ilang pag-aaral na nakakatulong din ang pagkakaroon ng alaga para lumaki ang mga anak mo na may empathy.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi pa sa 2017 study na lumabas sa Journal of Pediatric Nursing, ang Sampung minutong pagbisita sa mga hayop ay nakakabawas sa stress hormone na cortisol—paano pa kaya kung kasama niyo na sila sa bahay.

    Nakakarelax din ang madalas na paghimas sa mga pets. Kaya naman kung nakakaranas o nakakaramdam ang mga anak mo ng kalungkutan, pag-iisa, at stress, maaaring makatulong kung bibigyan mo sila ng pet na maaari nilang alagaan.

    Paano maging isang responsible pet owner?

    Bago kayo kumuha ng alagang hayop, siguraduhin munang talagang maaasikaso ninyo ito. Ang pagkakaroon ng pets ay isang malaking responsibilidad at hindi lang ito para magkaroon ng cute na laruan ang anak ninyo.

    Sa katunayan, ang pagkakaroon ng pets ay magandang pagkakataon para turuan mo ang anak mong mas maging responsable.

    I-orient mo muna ang anak mo kung ano ang responsibilidad ng isang maayos na pet owner. Hatiin ang tasks ng pagpapakain at pakikipaglaro.

    Isali mo rin ang mga anak mo sa proseso ng pagmomonitor sa kalusugan ng inyong alaga—mula sa pagpapabakuna hanggang sa grooming.

    Sa ganitong paraan, maaga pa lang ay mamumulat na sila kung paano maging maayos na pet owner.

     

    ***

    Kayo, may alaga ba kayo sa bahay? Anu-anong mga naging benepisyo sa inyo ng pagkakaroon ng mga pets? I-share mo Iyan sa comments section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles