ADHD,parenting,kids with special needs,health conditions,Medical Health,Diseases and Conditions,Neurological Conditions,sc24,con-00390,lch-00390,batang may adhd,Batang May ADHD: Dapat Na Pagkain | Smart Parenting,Medical Health,Health Conditions,Neurological Conditions,Diseases and Conditions,adhd,batang may adhd,kids with special needs,parenting,Mayroon bang pagkain na hindi dapat kinakain ng batang may ADHD? Ito ang mga dapat iwasan.
ParentingKids with Special Needs

Mga Pagkain Na Kailangan Ng Batang May ADHD

Mayroon bang pagkain na hindi dapat kinakain ng batang may ADHD? Ito ang mga dapat iwasan.
PHOTO BYADOBE

Karaniwan na nating naririnig na ang batang may Attention-Deficit Hyperactivity Disorder o ADHD ay pinagbabawalan na magkonsumo ng ilang mga pagkain na nagpapa-trigger ng sintomas o nagpapalala ng kanilang sitwasyon. Gaya na lamang ng matatamis na pagkain o may taglay na artificial additive. Sinasabi nila na kapag binabawasan o inaalis ang pagkain na matatamis, mas nagiging hindi masyadong aktibo o hyperactive ang mga batang may ADHD. Higit din daw sila nakapagpokus sa kanilang mga gawain.

Sa paliwanag ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang batang may ADHD ay may problema sa pagbibigay ng atensyon o pokus, pagkontrol ng mga agresibong pag-uugali (pagkilos na hindi iniisip kung ano ang maidudulot na resulta nito, at higit na pagiging labis na aktibo.

Hinihikayat ng NHS na sundin ng mga batang may ADHD ang balanseng pagkain na nakabatay sa prinsipyo ng Eatwell Guide at pagkakaroon ng regular na pisikal na gawain.

Sa pamamahala ng sintomas ng ADHD, sapat na nutrisyon ang kailangan. Batay sa mga narrative review ng National Institute of Health, malaking potensyal na makaapekto ang tamang pagkain sa mga sintomas ng ADHD. Sinasabi na may ilang resulta ng mga pag-aaral na may nagiging negatibong epekto ang pagkain ng matatamis ng mga batang may ADHD. Gayunpaman, hindi sapat ang mga pananaliksik para masabing ang isang partikular na pagkain ay nakababawas sa sintomas ng ADHD.

Sa kabilang banda, may mga pagkaing nakatutulong sa pagtataguyod ng mabuting pangangatawan at sumusuporta sa utak. Paliwanag ni Dana Rayburn, isang ADHD Coach, ang utak ng isang may ADHD ay gaya ng isang high performance na kotse. Para maging suwabe o maganda ang pag-andar nito kailangan ng de-kalidad na gasolina na may regular na paghinto para sa pagpapagasolina. Kaya para sa kaniya, mas makokontrol ang mga sintomas ng ADHD kapag binibigyan mo ang utak ng masustansiyang pagkain na kailangan nito. Pero kahit sinuman nga na walang sapat na pagkain o nalilipasan ng gutom, manghihina at mawalan ng pokus at mahihirapan ding mag-isip nang maayos. Gayunpaman, napatutunayan din na ang tamang pagkain gaya ng pagkonsumo ng mga gulay at mga dairy product ay may mabuting naidudulot.

Pagkaing Dapat Kainin ng may ADHD

Mahalaga ang uri ng pagkain na makatutulong sa paggana ng utak o performance nito.

  • mga gulay at prutas
  • mapagkukunan ng protina gaya ng itlog, gatas, mani, yogurt, baboy, manok
  • may masustansiyang taba o fats gaya ng fatty fish, chia seeds, tokwa
  • pagkaing may complex carbohydrates gaya ng trigo, lentil, beans, brown rice, oatmeal
  • pagkaing mayaman sa vitamin B
  • mapagkukunan ng zinc, iron, magnesium at mga omega fatty acids
watch now

Makabubuti rin ang pag-inom ng batang may ADHD ng maraming tubig para manatiling hydrated at makatulong sa maayos na pagkilos ng utak. Maaaring idagdag sa tubig ang lemon, kalamansi, o mga berry para sa dagdag na lasa.

RELATED: Paano Magplano Ng Baon Para Sa Anak? 12 Tips Na Kayang Sundin Ng Busy Parents

Pag-inom ng mga Supplement para sa Dagdag na Nutrisyon

Kung hindi sapat ang nutrisyon na nakukuha sa mga kinakain, inirerekomenda ng mga eksperto ang pag-inom ng mga supplement gaya ng vitamins at mineral para magdagdagan ang kulang na nutrisyong kailangan ng katawan. Bagaman wala naman siyentipikong ebidensya na makatutulong ito sa mga batang may ADHD dahil magkakaiba naman ang mga kaso, ang pagkakaroon ng sapat na nutrisyon ay kailangan ng katawan para manatiling malusog.

Ang ADHD ay hindi dulot ng kinakain ng bata. Ngunit sa mga pag-aaral lumalabas na sa mga kinakain niya tumataas ang mga sintomas na may kinalaman sa mood at pagkontrol sa sarili.

May mga pag-aaral na nagsasabing ang kakulangan sa iron, zinc, omega fatty acid, vitamin D, at magnesium ay maaaring magdulot ng ADHD at napatutunayan din ng mga pag-aaral na nakabubuti ng mga sintomas ang pag-inom nito. Bagaman kailangan pa rin ng karagdagdan pang pag-aaral sa mga ito kahil kakaunti pa lamang.

Pagkaing Dapat Iwasan ng may ADHD

Iminumungkahi naman ang pag-iwas o paglilimita sa pagkain na matatamis dahil mas makatutulong ito sa pamamahala ng sintomas ng ADHD. Iminumungkahi na ang pagkonsumo ng pagkaing may mataas na sugar level o labis na matatamis, mamantika o pritong pagkain, at maalat ay nakaugnay sa pagkatuto, atensyon, at mga problema sa pag-uugali. Sa katunayan, may mabuti namang naidudulot talaga sa pangkalahatang kalusugan ng sinuman ang pag-iwas ng labis na pagkain ng matatamis.

Inirerekomenda ring iwasan ang mga may additives, food color, at may mga preservative. Ilan din sa dapat limitahan ay:

  • kendi at tsokolate
  • matatamis na breakfast cereals
  • cookies, cake, at tinapay
  • processed food
  • softdrinks/soda
  • fruit juices
  • energy drink

Maging ang mga inuming may caffeine na kahit sa sinuman ay may epekto lalo na kapag sobra, bagaman magkakaiba ito ng dating sa tao at sa uri ng kapeng iniinom. Iminumungkahing iwasan din ang pag-inom nito sa mga may ADHD dahil maaaring magdulot ito sa kanila ng:

  • hirap sa pagtulog o insomia
  • pagiging kabado o nerbiyoso
  • pagiging iritable o discomfort
  • pagiging balisa
  • pagkakaroon ng problema sa sikmura

Mga Dapat Tandaan Tungkol sa Pagkain ng Batang May ADHD

Sa kabuuan, may tatlong paraang dapat isaalang-alang para sa pagkain ng batang may ADHD.

1. Sikapin masustansiya ang pagkain

Para sa pangkalahatang nutrisyon na may pagkain maaaring makapagpapabuti o makapagpapasa ng mga sitwasyon kaya laging isipin ang pagkonsunmo ng masustansiyang pagkain.

2. Uminom ng supplement o vitamins kung kinakailangan

Pag-inom ng mga supplement sa pagdaragdag ng vitamins, minerals, at iba pang kinakailangang nutrisyon na makatutulong na punan ang mga kulangang wala sa iyong mga kinakain.

3. Iwasan ang pagkain na may sangkap na hindi mabuti para sa batang may ADHD

Pagbawas o pag-iwas sa mga pagkain o may sangkap na sa tingin mong maaaring makapagpa-trigger ng mga behavior o magpatindi ng mga sitwasyon.

Batay sa CDC, bukod sa mga nabanggit na tamang pagkain para sa maayos na pamamahala ng sintomas ng ADHD, iminumungkahi rin ang mga nasa ibaba para sa pagpapanatili ng maayos na pag-uugali at pagkilos:

  •  Pakikibahagi sa iba’t ibang pisikal na gawain na batay sa kanilang edad
  • Bawasan ang kanilang pang-araw-araw na screen time mula sa TV, tablets, cellphone, at iba pang elektronilong kagamitan
  • Magkaroon ng sapat na tulog at pahinga araw-araw na batay rin sa kanilang edad

Pagiging Epektibo ng Tamang Pagkain para sa Batang may ADHD

Bagaman may iilang mga pag-aaral gaya ng nabanggit, kinakailangan pa rin ng karagdagan pang pagsusuri kung nakapagtiti-trigger ang mga ilang pagkain para sa sintomas ng ADHD. Gayunman, masasabing ang kakulangan sa nutrisyon at hindi sapat na pagkain na magdudulot nang panghihina ng katawan ay makaaapketo sa pag-uugali at paraan ng pag-iisip.

Binibigyang linaw rin ni Dr. Marianne Glanzman, sa kaniyang artikulo na ”What Should I Feed My Child with ADHD?”, ang ADHD ay hindi dulot ng kinakain ng bata. Ngunit sa mga pag-aaral lumalabas na sa mga kinakain niya tumataas ang mga sintomas na may kinalaman sa mood at pagkontrol sa sarili. At kapag iniiwasan nila ang mga pagkain, nagiging maayos ang kanilang pag-uugali at pagkilos. Kaya mahalagang matukoy ang mga partikular na pagkain at food additives na nakaaapekto sa pagbabago ng bata.

Mga Tips para sa Pagpapakain sa Batang may ADHD

Nangangailangan ng sapat na panahon, mahabang pasensya, at eksperimentasyon ang pagpili ng tamang diet para sa batang may ADHD.

  1.  Hinihikayat ang mga bata na magkaroon ng regular na meal pattern.
  2. Gumawa ng mga modipikasyon sa mga pagkain ng bata kung ano ang puwede at dapat iwasan.
  3. Bawasan ang pagtuon sa pagbabawal ng mga pagkain sa halip mas magpokus sa pagpili ng angkop na pagkaing magbibigay ng nutrisyon at kasiyahan sa bata.
  4. Tulungan ang bata na matutuhan ang pag-unawa sa pahiwatig ng kanilang mga katawan lalo na kapag busog na sila.
  5. Hikayatin silang manatiling hydrated sa pagpapainom ng maraming tubig at pagnanais nilang mas uminom ng tubig kaysa sa matatamis na inumin.
  6. Gumawa ng listahan ng mga obserbasyon sa bata bago at pagkatapos kumain kung may pagbabago sa kaniyang behavior.
  7. Turuan sila na maging independent at magkaroon ng kakayahan na makapili ng masustansiyang pagkain sa pagsama sa kanila sa pamilihan, paggo-grocery, at pag-aya sa kanila sa paghahanda ng pagkain.
  8. Sumubok ng ibang paraan kung hindi aangkop o aakma sa mga nauna plano.
  9. Gawing paunti-unti din ang mga pagbabago sa diet ng bata at hindi biglaan.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close