-
Chairs, Tables, Headsets, At Iba Pa: Anu-Anong Mga Kailangan Para Sa Online Learning
Narito ang ilan sa mga gamit na pwedeng makatulong sa anak mo ngayong sa bahay muna siya mag-aaral.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Nagsimula ka na bang mag-ipon ng mga gamit para sa online learning ng anak mo? Marami sa mga nanay sa aming online community ang nagtatanong na kung anu-ano nga bang kailangan nilang bilhin para sa kanilang mga anak. Kaya naman bumuo kami ng listahan ng mga gamit na pwede ninyong pagpilian.
Online learning tools for kids
Hindi naging madali ang paglipat ng mga bata sa tradisyunal na istilo ng pag-aaral papunta sa online learning. Sa katunayan, nagkumahog ang maraming mga magulang para maihanda ang mga online learning tools na kakailanganin ng mga bata.
Kung hindi pa buo ang setup ninyo, narito ang ilan sa mga online learning tools for kids na kailangan ninyong bilhin:
Chairs and Tables
Sa isang nauna nang Smart Parenting article, inilista namin ang mga highly recommended stores na pwede mong orderan ng magaganda at matitibay na lamesa at upuan para sa mga anak mo. Narito ang ilan sa kanila:
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWThe LÄTT mula sa IKEA
Mabibili mo ito sa online seller na mobelph (Instagram: @mobelph). Php2,670 ang isang set. Simple lang ito ngunit komportable para sa mga bata.
Happy Kiddos PH
Highly recommended din ang mga tables and chairs mula dito. Nagkakahalaga ng Php2,700 ang isang set.
Pamama
Magaganda rin ang mga pagpipilian sa Pamama. Nagkakahalaga ng Php3,499 hanggang Php4,999 ang kanilang mga sets.
Marami ka ring pagpipilian sa mga online shops tulad ng Shopee at Lazada.
Utility Carts
Mas nakakaganang mag-aral kung organisado ang learning area ng mga anak mo. Kaya naman highly recommended ng mga nanay na kumuha ka ng trolley. Narito ang ilan sa pwede mong pagpilian:
Yali Home 3-Layer Multipurpose Storage Trolley
Sulit ito dahil may baskets at hanging buckets na pwedeng paglagyan ng mga gamit sa pag-aaral ng mga anak mo. Nagkakahalaga ng Php1,299 ang ganitong trolley.
Locaupin 3-Tier Kitchen Utility Trolley
Mas mura naman bahagya ang brand na ito. Three layers din ngunit wala na ang mga hanging buckets at baskets. Nagkakahalaga ito ng Php1,248.
CONTINUE READING BELOWwatch nowHeadsets
Kung kailangan mang makipag-video conference ng mga anak mo o 'di kaya ay manood ng learning materials na mayroong audio at video, malaki ang maitutulong ng mga headsets para mas marinig nila at mas marinig sila ng mga kausap nila. Heto ang ilan sa mga inirekomenda ng mga nanay:
Logitech H370
Mabibili mo ito sa Shopee sa halagang Php1,495. May noise cancelling feature na ito para kahit papaano ay maayos na makapagsalita at makarinig ang anak mo.
Logitech H111
Marami ring mga nanay ang nagrekomenda ng headset na ito. Nagkakahalaga ito ng Php475 hanggang Php500, depende sa online seller na kukuhanan mo.
Ayon pa sa mga nanay, makakatulong din sa iyo at sa anak mo ang pagdodownload ng application na Krisp. Tumutulong ito para kanselahin ang mga tunog sa paligid mo.
Printers
Kung iniisip mo namang mag-print ng mga worksheets at iba pang supplementary materials para sa iyong mga anak, malaki ang maitutulong ng pagkakaroon ng sarili mong printer. Heto ang nirekomenda ng mga nanay:
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHP Deskjet Ink Advantage 2135 Color Printer
Nagkakahalaga ito ng Php3,999 sa Lazada. Ito ang isa sa mga pinakamurang printers na maganda na ang output. Mayroon na rin itong wireless printing at scanning capabilities.
Tandaan lang na hindi gumagamit ng continuous ink supply o CISS ang printer na ito, kaya maaaring mas marami kang gastusin pagdating sa ink cartridges.
Epson L120 Single Function Ink Tank System Colored Printer
Mabibili mo ito ng Php4,5110 sa Lazada. Printing option lang ang mayroon dito ngunit matipid ito sa ink kaya mas praktikal kung marami kang kailangang i-print.
Canon Pixma G1010 Refillable Ink Tank System
P5,370 naman itong printer na ito sa Lazada. Ito ang go-to brand ng marami para sa mga printing needs nila. Mayroon itong refillable ink tank system kaya mas marami kang mapiprint sa mas mababang halaga.
Laptops
Kung hindi ka pa nakabili ng laptop para sa mga anak mo, pwede mong gamitin ang listahang ito bilang gabay.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAyon sa mga computer experts na nakausap namin, narito ang mga magagandang specs para sa distance learning:
- Processor: Core i3 o Core i5 para sa mga Intel-based laptops (Ito ang utak ng computer mo. Mas mataas, mas maganda ang performance.)
- RAM: 8GB RAM
- Hard Drive o Memory: 256GB o 512GB (Mataas na ang 512GB para sa online learning, per mas magandang option ito kaysa sa 128GB na masyado namang mababa)
ACER Travelmate TMP249-G3-M-36PS
Nagkakahalaga ang laptop na ito ng Php26,500.
Specifications:
- Processor: IntelTM Core i3 8130U
- RAM: 8GB DDR4
- Hard Drive: 1 TB
LENOVO Ideapad S145-14IKB - 81VB001UPH
Php26,995 naman ang laptop na ito.
Specifications:
- Processor: Intel Core i3-7020U
- RAM: 8GB DDR4
- Hard Drive: 512GB
ACER Travelmate TMP249-G3-MG- 52YP
Kung may budget ka naman, pwede mong bilhin ang laptop na ito sa halagang Php34,500.
Specifications:
- Processor: Intel Core i5 8250U
- RAM: 8GB DDR4
- Hard Drive: 1 TB
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIto ang ilan sa mga gamit na kakailanganin mo para sa online learning ng anak mo. Huwag mag-panic pagdating sa specifications at presyo dahil mayroon kang mga kapwa mo nanay na handang tumulong sa iyo.
What other parents are reading
Nakabili ka na ba ng gamit sa para sa online learning ng mga anak mo? I-share mo na 'yan sa comments section.
Naghahanap ka ba ng learn-at-home options at napapaisip kung magkano ang mga ito? Bisitahin ang Smart Parenting Classroom!

- Shares
- Comments