embed embed2
6 Nakakatakot Na Games Na Dapat Mong Malaman
PHOTO BY iStock
  • Kamakailan lang ay inilunsad ng Information Security Officers Group, isang grupo ng information security officers mula sa mga nangungunang organisasyong pinansyal sa ating bansa, ang National Cyber Security Month’s Awareness nitong Oktubre na may tema na: ‘2019 I Am Secure Cyber Security Awareness Month.’

    Dahil sa makabagong teknolohiya at pamamaraan ng komunikasyon, malaki ang pagbabagong dulot nito sa buhay ng bawat isa araw-araw. Napakadali na lang kumuha ng impormasyon mula sa internet at nakakabahala ito sa seguridad nang bawat tao lalo na ang mga kabataan na madaling maloko o mapagsamantalahan ng masasamang loob sa internet.

    More from Smart Parenting

    Nakakatakot na games na dapat malaman ng mga magulang

    Lingid sa kaalaman ng nakararami, may mga laro sa internet at social media platforms na hindi angkop para sa mga maliliit na bata ngunit madali lang ma-access ng kahit sino. Kaya naman mabuting alam nating mga magulang kung ano ang mga ito para ma-protektahan at mapagpaliwanagan natin ang ating mga anak. Narito ang ilan sa mga larong naibalita na diumano ay maaaring makaapekto sa kaisipan ng mga anak mo:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Momo Challenge

    Pebrero ngayong taon nang pumutok ang balita na diumano'y may isang "laro" sa isang messaging app kung saan makakatanggap ka ng mensahe mula kay "Momo" at papagawin ka nito ng iba't-ibang challenges. Ang mga challenges umano na ito ay karamihang patungkol sa self-harm o iyong pananakit sa sarili. Ayon pa sa mga ulat, kung hindi mo gagawin ang mga tasks na ipinagagawa ni Momo, tatakutin ka nito ng husto hanggang sa mapilitan kang saktan ang sarili mo.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Hindi lang ito dito sa Pilipinas pumutok. Ang buong mundo'y naalarma dahil napakadali na nga lang para sa mga batang i-access ang mga gadgets sa panahon ngayon. Kahit ang YouTube ay naglabas na ng pahayag ukol dito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Inimbistigahan at ginawan din ng ulat ng BBC, Vox, at iba pang pangunahing news site sa buong mundo ang Momo challenge para malaman kung totoo nga ba ito.

    Iniulat din ng SmartParenting.com.ph na hoax ang Momo Challenge (basahin ang buong report dito). Nag-issue din ng statement ang Google, parent company ng YouTube: “We have seen no recent evidence of videos promoting the Momo Challenge on YouTube.”

    Sa isang statement na ibinigay sa Smart Parenting, nilinaw ni David Emm, principal security researcher ng Kaspersky Lab Global Research Analysis Team, na ang Momo ay hindi “genuine cyber threat in terms of infecting or corrupting devices or seeking to steal.”

    Dagdag niya, “However, it is a malicious joke intending to shock and unsettle and, as the craze gathers momentum and media hype increases, more people are going to be tempted to scare their friends or, more worryingly, use the meme to harass and intimidate.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Fire Fairy

    Nagsimula ang Fire Fairy bilang isang internet prank na hango sa isang totoong animated series na kinagigiliwan ng mga batang babae.

    Isang social media post lamang ito na nagpapakita ng fairies. Ayon sa post, kung gusto mong maging "fire fairy" kailangan mong gumising sa gabi at isindi ang lahat ng burner sa kalan ninyo. Pagkatapos nito ay babalik ka sa higaan mo at matutulog ka. Bukas pag-gising mo, isa ka nang ganap na fire fairy.

    Napabalita sa ibang bansa na may isang limang taong gulang na bata na ang nakaranas ng pagkasunog ng balat matapos niyang gawin ang sinasabi sa Fire Fairy post.

    More from Smart Parenting

    Blue Whale

    Ayon sa ulat ng BBC, nagsimula ang Blue Whale Challenge kay Rina Palenkova, isang teenager na nakatira sa southeastern Russia. Napag-alaman diumano na kabilang siya sa isang closed group sa isang social networking platform na sikat sa kanilang bansa.

    Dito sa grupo na ito umano niya nalaman ang tungkol sa Blue Whale Challenge. Sa larong ito, mayroong limampung tasks na kailangang ma-accomplish sa loob ng limampung araw. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa umpisa, hindi naman ganoon kadelikado at nakakatakot ang mga tasks na ipapagawa sa kung sino man ang mag-lalaro. Mag-uumpisa sa simpleng "manood ng nakakatakot na pelikula" o 'di kaya ay "gumising ng dis-oras ng gabi". Ngunit habang tumatagal at habang lumalalim na ang naglalaro, pahirap ng pahirap ang challenge at mas nagiging delikado ito.

    Napabalita sa Russia may isang nag-ngangalang Philipp Budeikin ang inaresto dahil siya ang itinuturong mastermind ng isang laro inabot ng 50 araw.

    Mariam’s Game

    Ang Mariam’s Game naman ay isang online game na kung saan may isang batang nagpapanggap na nawawala sa isang kagubatan at hihikayatin ang mga manlalaro na tulungan siyang hanapin ang kanyang daan pauwi. Ngunit, ang nakakabahala sa larong ito, habang tinutulungan ang batang mahanap ang kanyang daan pauwi,may mga kasamang katanungan tungkol sa personal na impormasyon sa mga manlalaro tulad ng kanilang address sa bahay, buong pangalan, edad, at kung ano ano pang importanteng impormasyon na hindi naman nauugnay sa laro.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Naging kontrobersyal ang larong ito na gawa diumano ni Salman Al Harbi ng Saudi Arabia dahil sa pangongolekta nito ng personal na impormasyon ng mga manlalaro nito. Nakakabahala dahil maaring gamitin ang mga impormasyon ng mga kabataan sa identity theft o kaya naman ay may mangyaring masama sa mga batang manlalaro dahil alam na nila ang mga personal na detalye tulad ng address at kumpletong pangalan nila.

    More from Smart Parenting

    Cutting Challenge

    Ang Cutting Challenge ay humihikayat diumano sa mga kabataan na putulin ang ilang parte ng kanilang katawan. Pagkatapos magawa ang challenge na ito, kailangan nilang i-post sa kanilang social media accounts ang litrato bilang patunay na nagawa na nila ang challenge.

    Isang bata sa Bellingham, Washington ang napabalitang umamin na ginawa niya ang challenge na ito para pag-usapan siya ng kanyang mga ka-klase sa middle school at mag trend ang kanyang larawan.

    Charlie Challenge

    Ang Charlie Challenge naman ay isang urban legend at may ilang mga sikat na YouTube stars ang nagpakita na naglalaro nito sa kanilang mga YouTube channel.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang larong ito ay nangangailangan ng isang pirasong puting papel na may apat na kwadrado, ang dalawang bahagi nito ay may nakasulat na “Oo” at ang dalawang bahagi naman sa kabila ay may nakasulat na “Hindi.” Pagpapatungin ang dalawang lapis sa puting papel at saka magtatanong kay “Charlie” ng kahit ano. Ayon sa mga kwento-kwento, kapag hindi natapos ng maayos ang laro ay mamatay ang nag-laro nito.

    Ang nakakabahala sa larong ito, dahil pinapasikat ito ng madaming tao sa internet, ang mga walang kamuwang-muwang na mga kabataan ay ginagaya ito at nagdudulot ng sobrang pagkatakot kapag hindi nila natatapos ang laro.

    More from Smart Parenting

    Bilang mga magulang, responsibilidad natin na gabayan ang mga kabataan sa tamang paggamit ng internet. Para din maiwasan ang kanilang pagdududa sa sarili at paglilihim sa atin, kailangang maiparamdam natin sa kanila na handa tayong makinig sa kanilang mga problema at mga nararamdaman. Mahalaga ito dahil sa kabila ng kaliwa’t kanan na mga paalala, madaling silang malapitan ng mga masasamang tao sa internet.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Marami masasamang loob ang mapagsamantala sa mga makabagong teknolohiya at nakikisabay sila sa mga trends. Ang masakit pa magagaling din silang humanap ng paraan para makagawa ng masama sa kapwa, kaya naman kailangan mas maging maingat at mapag-matyaga tayo sa bawat sites, laro at mga video na pinapanuod ng ating mga mahal sa buhay upang masigurado ang kanilang kaligtasan.

    Pumunta dito at alamin kung paano mo mapuprotektahan ang iyong anak sa Internet at social media.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles