Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Paano Mapatahan Ang Batang May Tantrum? 5 Teacher Tips Para Sa Magulang

    Minsan nagta-tantrum ang bata dahil naghahanap siya ng atensyon.
    by Jocelyn Valle .
Paano Mapatahan Ang Batang May Tantrum? 5 Teacher Tips Para Sa Magulang
PHOTO BY iStock
  • Ang pagkakaroon ng tantrum ay isang malaking hamon para sa magulang at nangangalaga ng bata. Ayon sa mga eksperto, ito ang ginagawa ng bata upang ihayag ang kanyang emosyon bago niya matutunan ang naaayon na paraan. Kadalasan, nagsisimulang mag-tantrum ang bata pag tungtong ng 1 year old at nagpapatuloy hanggang maging toddler.

    Ngunit ano nga ba ang mainam na tugon sa batang nagta-tantrum? Ang sabi ng preschool at special education (SPED) teacher na si Lyra Villaraza sa SmartParenting.com.ph ay case-to-case basis ito. Aniya, maaaring ang bata ay hirap na hirap na sa nararamdaman niya o umaarte at naghahanap lamang ito ng atensyon.

    Paano mapatahan ang bata na may tantrum

    Sa school setting, paliwanag ni Teacher Lyra, na 23 years na sa kanyang propesyon, nararamdaman ng batang nagta-tantrum na hirap din ang magulang na iwanan ito sa eskuwelahan. Halimbawa, nagsabi na ang magulang sa bata ng, “Okay, I’ll come back later,” ng ilang beses pero hindi pa rin ito umaalis.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    “Sa totoo lang, hindi titigil ang bata sa pag-iyak kasi alam niya [nandyan pa rin ang magulang niya],” diin niya. “Minsan, depende sa iyak, nasa pagle-let go din ng magulang. Kasi nararamdaman nila. Pag bye, bye na talaga. Ang kailangan lang, assurance sa bata na babalikan siya talaga ng kanyang magulang.”

    Kung hindi pa talaga kaya ng bata na mawalay, pinapayagan ni Teacher Lyra na may kasama ito hanggang masanay sa classroom setup at hindi na mag-tantrum. Mahigpit lang ang bilin ni Teacher Lyra na huwag takasan ng magulang o yaya ang bata dahil mawawala ang tiwala nito at magsisimula na namang mag-adjust sa kanyang new environment.

    1. Makakabuti kung hayaan na munang umiyak ang bata.

    Nakakatakot ang iyak na bata na tila hindi makahinga, pero konting tiis hanggang huminahon ito pero huwag muna magsabi ng kahit ano. Kapag sinubukang pansinin ang bata at umiyak na naman, maaaring ang ibig sabihin ay hindi pa siya handa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    2. Bigyan laya ang bata sa pagtayo kung hindi ito mapakali sa upuan.

    Ang mga toddler ay kailangan pang sanayin na mapirmi sa isang lugar kaya binibigyan ito ng permiso ni Teacher Lyra na maglibot sa classroom basta huwag lang kukuha ng laruan dahil hindi pa playtime. At saka, dagdag niya, ay wala itong sasaktan, katulad ng pagkagat sa classmate.

    More from Smart Parenting

    3. Madalas na hindi nakakatulong ang pagpalo.

    Hindi titigil ang batang nagta-tantrum kahit paluin kung ang hanap niya ay atensyon lamang. Alam niya kasi na nakakakuha siya ng atensyon sa pag-iyak kaya imbes na matakot ay magugustuhan niya ito kahit negative attention.

    4. Kailangan malaman ng bata kung sino ang authority figure.

    Kapag nagta-tantrum ang bata dahil hindi nito makuha ang gusto ay mainam na magdesisyon na ang magulang sa simula pa lamang kung ibibigay niya ito. Paliwanag ni Teacher Lyra na sa panahong nagsasabi ang magulang ng “don’t cry” ay nakikipag-bargain na ang bata at nakikiramdam kung makukuha ba ang gusto. Aniya, marami na ang tatlong beses ang pagsabi ng “don’t cry.” Pagkatapos noon ay kailangan nang magdesisyon kung ibibigay ba ang gusto ng bata o hindi.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    5. Maaaring magbigay paliwanag sa bata.

    Kung sa pagta-tantrum ng bata, halimbawa, ay nagsusuka ito bagamat ayaw nitong nadudumihan, kunin ang oportunidad na makipagusap sa bata habang tinutulungan ito maglinis ng katawan. Sa kalmadong boses, tanungin siya kung ano ang problema. Hayaan siyang magsalita kahit maraming hikbi sa pagitan. Iparamdam mo na nakikinig ka sa kanya at wala kang balak na parusahan siya. Ang gusto mo lamang malaman niya na may ilang bagay na hindi nakukuha sa pagdadabog o pag-iyak.

    Pagdating sa pagdidisiplina, basahin dito ang mga bukambibig ng magulang na walang epekto sa anak.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles