-
'Ako Ang Enrolled': We Ask Parents To Describe Distance Learning In Three Words
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.
Nang opisyal na ngang magsimula ang klase para sa School Year 2020-2021, kabi-kabilang memes tungkol sa struggles ng distance learning ang naglabasan.
Nanguna riyan ang larawan ng mga nanay na hindi kita sa webcam, pero nakikisagot sa mga ginagawa ng mga anak nila. Sa katunayan, marami nga sa mga magulang ang nagtatanong, "Bakit parang ako ang naka-enroll?"
Ganyan na ganyan din ang usapan sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Maraming mga nanay ang nagbabahagi ng mga challenges na nararanasan nila habang online schooling ang mga bata.
Nariyang biglang nawawalan ng internet o 'di naman kaya ay nawawalan ng kuryente. Minsan, bigla na lang natutulog ang estudyante o 'di naman kaya ay nahuhuling naglalaro lang pala sa computer.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIba-iba ang pinagdadaanan ng mga teacher nanay at teacher tatay ngayong may pandemic. Kaya naman naisip naming tanungin sila: Describe distance learning in three words!
Narito ang ilan sa mga pinakanakakatawa (at talaga namang makatotohanang) sagot!
"Student ulit ako"
Talaga namang parang nag-aral ka ulit dahil sa distance learning, sabi ng mga nanay at tatay. Sabi nga ng Department of Education (DepEd), katuwang ng mga guro ang mga magulang sa pagtuturo sa mga bata ngayon.
Pero hindi inasahan ng mga magulang na babalikan pala nila ang mga aralin nila noong nasa grade school pa lang sila! May mga magulang na nagsabing hindi na nila maalala kung paano i-solve ang mga math problems na bahagi ng mga assignments ng mga anak nila.
"Back to grade 2" sabi nga ng isang nanay (LOL!).
"Mommy, nawala internet!"
'Yung nasa kalagitnaan ng pagsasalita ang teacher ng anak mo tapos biglang nawalan ng internet. Ano man ang ginagawa mo, tigil agad dahil kailangang i-reconnect ang laptop o computer!
Kung isusuma-total nga raw ng mga magulang ang kanilang experience sa distance learning, ito ang tatlong salitang maiisip nila.
Kaakibat din ng tatlong salita na ito ang mga katagang: "Choppy ka po" at "Nag-freeze ka ma'am."
"Umayos ka, anak!"
Maraming mga nanay din ang nagsabing ganito ang ibig sabihin ng distance learning sa kanila. May mga bata kasi talaga sobrang likot at kulit. Mayroong pindot nang pindot, mayroong alis nang alis sa upuan, mayroon ding naglalaro at hindi nakikinig!
Ikaw, ilang beses mo itong sinasabi sa isang araw ngayong online learning ang mga anak mo?
CONTINUE READING BELOWwatch now"Daddy, ikaw naman!"
Buti na lang nasa bahay din si daddy! Pwede kayong halinhinan sa pag-assist sa munting estudyante ninyo sa bahay. 'Pag 'di na kaya ni mommy, daddy, ikaw naman!
"Multitasking is real!"
Habang nakaupo ang anak mo sa harap ng teacher at mga kaklase niya, nakaharap ka naman sa boss mo at sa mga katrabaho mo. Tapos biglang tatawagin ka ng anak mo dahil nawalan siya ng internet! NAKU! Nagkagulo nang talaga! Kung multitasking ka na noon, mas multitasking ka pa ngayon.
"Mommy is invisible."
Ganun siguro talaga ang mga bata, kapag andiyan ka, sayo at sayo talaga sila titingin. Kaya naman ang ibang mga nanay, laging sinasabi sa anak nila na invisible sila para lang hindi sila ang tignan!
"God, help us."
Minsan, kapag sobrang hirap na talaga, mapapadasal ka na lang.
"Kaya natin 'to!"
Pero sa kabilang banda, ngarag ka man at pagod, hindi ka naman nag-iisa. Katuwang mo ang mga teacher parents na tulad mo na naninibago man sa mga aralin at sa bagong teknolohiya ay patuloy pa ring sumusulong para harapin ang mga pagbabagong ito sa ating buhay.
"Struggle is real" man ang sitwasyon natin ngayon, "matatapos din ito." "Huwag tayong susuko!" "Laban lang, tayo," sabi nga ng mga nanay at tatay sa Village.
Marami rin sa mga magulang ngayon ang talagang "salute to teachers."
Tunay ngang "it takes a village to raise a child." Kaya naman kung nararamdaman mong overwhelmed ka na at kailangan mo ng tulong, may mga magulang tulad mo na handang makinig at makipagkwentuhan sa iyo tungkol sa mga online learning struggles (at iba pa) na pinagdadaanan mo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHuwag mawalan ng pag-asa, teacher nanay at teacher tatay! "Matatapos din ito."

- Shares
- Comments