10 Bad Habits Ng Magulang Na Hindi Na Dapat Dalhin Sa 2024,Parents share the bad habits that they are letting go of this 2024.
ParentingReal Parenting

Pinoy Parents' New Year's Resolution: Hindi Na Magbababad Sa Cellphone, At Maninigaw Sa 2024

Nagtanong kami sa Smart Parenting community sa Facebook kung anong mga bad habits ang iiwan na nila ngayong taon.
PHOTO BYADOBE STOCK

Bagong taon, bagong simula. Ilang araw na lamang ay 2024 na, at isang taong puno ng struggles at challenges ang lumipas. Kung anuman ang nangyari ngayong taon sa ating mga buhay pamilya, habang may buhay, may pagkakataon pa tayong bumawi at magbago.

Kaya naman, tinanong namin ang mga magulang sa Smart Parenting community sa Facebook kung ano ang mga bad habits ang nais nilang iwan na ngayong taon, at hindi na dadalhin pa sa 2024.

Heto ang top 10 na sagot ng mga magulang sa Smart Parenting community. 

10 Bad habits ng magulang na hindi na dadalhin sa 2024

1. Pagbababad sa cellphone.

Marami ang sumagot na babawasan na ang paggamit ng cellphone lalo na habang kumakain kasama ang pamilya, o nakikipaglaro sa anak.

Sabi ng isa, makakatulong daw ito para mas makapag-focus sa anak, dahil ang paggamit ng cellphone ay nagiging dahilan para hindi man lang niya magawang tingnan sa mata ang mga anak kapag nagkukuwento sila.

Dadalasan na nila ang pakikipag-bonding, at ibababa ang cellphone kung oras na ng paglalaro. Basahin dito ang realizations ng isang nanay na hindi gumamit ng cellphone ng 10 araw. 

2. Paninigaw at pananakit sa anak.

Mahirap iwasan ang paninigaw sa anak, lalo pa't kung pareho kayong may mga pangangailangan o needs na kailangang tugunan. Ngunit ayon sa mga parent readers, susubukan nilang bawasan ang paninigaw sa anak, pati na rin ang pag-aaway sa harap ng mga bata na may kasamang sigawan. 

Sabi ng isa, ito ang bad habit na iiwan na niya: "Kunting deperensya panay ang sigaw, akala mo laging may kaaway, yun pala ang sinisigawan niya, ay isang 2 years old pa lamang."

Basahin dito ang maaring makatulong upang maging isang kalmadong magulang.

3. Pagkukumpara.

Ayon kay Mommy Ruby, sa 2024, titigilan na niya hindi lang ang pagkumpara ng anak sa ibang anak, kundi ng sarili sa ibang tao. "Yung mga, 'Bakit si ano ganyan, ganito. Si ano nagbago na at dami na naipundar.' Sila yun, iba kami. Hindi naman kami nakikipag-kumpetensiya, hindi naman kami nakikipagkarera."

watch now

Imbis na magkumpara, ituon ang pansin sa pagpapalaki ng anak, at pagpapalago ng sariling buhay.

4. Gawing insurance o retirement plan ang anak.

Nitong 2023, pinaalalahanan ni Maine Mendoza ang publiko na 'wag gawing retirement plan ang mga anak. Ito ay isang malaking ambag para baguhin ang mindset lalo na ng mga bagong magulang at i-break ang maling pag-iisip na ang bata ang mag-aahon sa pamilya sa kahirapan. Bilang mga magulang, responsibilidad natin ang ibigay ang maayos na buhay para sa mga anak, dahil karapatan nila ito. 

Real talk ni Mommy Xyprux, "Ginawang financial provider ang anak. Inanak para may tagabuhay."

5. Pagbibisyo.

Ani ni Mommy Alicia, ang mga masasamang bisyo tulad ng "pagmumura, paglalasing, paninigarilyo, pangaaway at ang pagiging tamad" ay hindi na dapat dalhin pa sa susunod na taon. Bukod sa masama ito sa kalusugan, nakakaapekto din ito sa relasyon bilang mag-asawa at bilang magulang sa anak.

6. Hindi tinuturo ang pag-iipon.

Napakahalaga na ang magulang ang siyang magturo ng financial literacy sa mga anak at simulan ito habang maliit pa sila. Ayon kay Mommy Tiffany, sana ang mga magulang ay maging ehemplo sa tamang paghawak ng pera at i-encourage ang anak na gawin din ito.
"Dapat bata pa lang they the importance of it instead of learning it from other resources," sabi niya. Basahin dito ang mga tips para makaipon ngayong bagong taon.

7. Pagiging tsismoso at tsismosa.

"'Yung mga magulang ma tsismosa at pakialamera sa buhay ng nananahimik na tao," banggit ng isa. Ngayong 2024, imbis na makialam sa buhay ng iba, dapat ay mag-focus sa sarili at sa pamilya.

8. Pagpaparamdam sa mga anak at asawa na "super mom" ka.

Ayon kay Mommy Cherries, 2024 ang panahon ng self-care. Hindi na niya dadalhin sa parating na taon ang pagiging martir. "Yung pinaparamdam mo sa kids and your husband na Super Mom ka with super powers. Kahit pagod at di mo kaya, pero pinapakita mo na okay lahat."
Dagdag niya, "Dapat din nilang malaman na tao ka lang at marunong mapagod, umiyak, na-de-drain ka din. Need mo din ng little break to recharge. Just act and be normal. Don't pretend."

9. Hindi pinaghandaan ang pagtanda.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit madalas naipapasa sa anak ang responsibilidad na maging "taga-buhay" ng magulang. Ito rin ang nagiging mitsa kung bakit madalas nagbibilangan ng utang na loob at nagsusumbatan ang mga magulang at anak. Sa 2024, may pagkakataon pang baguhin ito. Basahin dito ang mga pwedeng gawin para hindi mauwi sa palahingi ang magulang pagdating ng panahon na matanda na sila.

10. Walang oras sa mga anak.

Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan. Maaaring busy tayong mga magulang sa trabaho o sa ibang bagay, pero hindi ibig sabihin nun ay wala na tayong oras para sa mga anak. Quality time vs quantity time, ika nga. Sabi ni Mommy Maria Elizabeth, ngayong 2024, sisiguruhin niyang maglaan ng oras para sa mga anak, "Make time for my kiddos and listen to every little things they say. Kasi minsan lang sila bata na sila ang hihingi ng atensyon ko."

May dalawa siyang anak na edad 7 at 5 at dagdag niya, "Pag nagbinata na, sila na mawawalan ng atensyon sa akin.  I'm always busy at work, a full-time mom and browsing internet on my phone on my free time. I forgot, kids need my attention. Full attention." Heto ang mga pwedeng gawin at puntahan ninyo bilang pamilya tuwing weekend o holiday.

Join the conversation at the Smart Parenting Village, and Smart Parenting Facebook page.

View More Stories About

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close