Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • 5 Palatandaan Na Mean Mom Ka, Ayon Sa Mga Narinig Namin Mula Sa Ibang Nanay

    Ayon sa kanila, madalas tayong magreklamo tungkol sa ugali ng iba, pero tinitignan ba natin ang mga sarili nating ugali?
    by Ana Gonzales .
5 Palatandaan Na Mean Mom Ka, Ayon Sa Mga Narinig Namin Mula Sa Ibang Nanay
PHOTO BY iStock
  • May mas mahirap pa nga ba sa pagiging ina? Noon pa man ay hindi na talaga madali na magpalaki ng mga bata, kumita ng sapat na pera, at siguraduhing maayos ang bahay. Ngayon, kahit papaano, mas naging madali ng gampanan ang tungkulin ng isang ina dahil na rin sa tulong ng internet at makabagong teknolohiya. Ngayon, pwede mo ng hanapin online ang mga produktong maaari mong gamitin sa anak mo. May mga tips na rin mula sa mga nanay na nakasubok na kaya mas panatag ka sa mga magiging desisyon mo.

    Bagaman ipinagpapasalamat ng mga nanay ang mga advantages ng social media, batid din nila ang mga kaakibat na disadvantages nito. Kapag kasi inilalagay mo ang iyong sarili at ang iyong pamilya online, nagiging go signal ito para punahin ng ibang tao ang sarili mong pamamaraan kung paano maging ina.

    More from Smart Parenting

    Kamakailan lang ay nagsalita ang aktres at inang si Rica Peralejo tungkol dito. Sa kanyang Instagram account, ipinost niya ang quote na ito: "When you're trying to be confident about your motherhood, but everyone wants to tell you that you're doing it wrong." Sinabi pa niyang, "Mom bullies are the worst." Napakaimportante ng post ni Rica na ito, dahil na rin sa sobrang katotohanan na kalakip ng mensahe ng quote. Tanong pa ng mommy vlogger, "Can we not have different ways? Can we not do it a million other ways but still be effective anyway?"

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Siguradong naranasan mo na rin ito o hindi naman kaya ay nagawa mo na ito sa ibang nanay, sinasadya mo man o hindi. Pero paano mo nga ba malalaman na mean mom ka na pala? Narito ang ilang palatandaan:

    More from Smart Parenting

    Ipinipilit mo ang paraan mo sa iba

    Sabi nga ni Rica (at ng napakarami pang mga nanay), walang isang tamang paraan para magpalaki ng mga bata. Pero bakit nga ba may mga inang ipinipilit ang sarili nilang mga pamamaraan sa iba? Bakit nga ba kapag hindi na kapareho ng pamamaraan nila ay iniisip na nila na mali ang paraan na iyon? 

    Kung ayaw mong sinasabihan ka ng iba kung paano mo dapat palakihin ang mga anak mo, dapat ay mayroon ka ring conscious effort para hindi ipilit sa iba ang mga sarili mong pamamaraan. Irespeto mo kung paano nila ginagawa ang mga bagay-bagay, lalo na kung gusto mong respetuhin nila ang mga methods mo. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Judgmental ka

    Napakabilis talagang manghusga ng kapwa at lahat tayo ay talaga namang guilty sa gawaing ito. Kung isang tingin pa lang sa bata ay may judgment ka na agad sa ina, maaaring mean mom ka. Mahirap naman talagang hindi magjudge, pero ang isa mga sa pinakamabisang paraan para maiwasan o mabawasan ang habit na ito ay ang pagpa-practice ng tinatawag na mindfulness. 

    Ang mindfulness ay isang paraan para pag-isipan mong mabuti ang gagawin mo bago mo pa man gawin ito. Hindi madaling masanay sa mindfulness, pero kapag naumpisahan mo na ang habit na ito, mas magiging madali na lang para sa iyo. 

    More from Smart Parenting

    Una, bago ka magsalita o mag comment sa makikita mo online, huminto ka muna at huminga. Tanungin mo muna ang sarili mo kung ang comment mo ba ay makakatulong o makakasira lang. Gamitin nating halimbaaw si Anna, isang nanay mula sa New Jersey. Aminado siyang madalas ay nagcocomment siya sa mga kapwa niya nanay na kunwari ay concerned siya pero nanghuhusga lang pala siya. Ayon sa mga pag-aaral, ginagawa ito kalimitan ng mga nanay bilang 'validation' sa kanilang sariling parenting styles. Marahil ay naiisip nila na 'mas magaling akong nanay kaysa sa iyo'.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lagi mong ikinukumpara ang sarili mo sa ibang ina

    Hindi naman contest ang pagiging ina pero maraming nanay ang nagkukumpitensya para maging 'best mom in the world'. Lingid sa ating mga kaalaman, para sa mga anak at asawa natin, tayo naman talaga ang best of the best. Hindi na natin kailangan pang makipagkumpitensya sa iba dahil, sabi nga nila, may nanalo na. 

    More from Smart Parenting

    Kung napapansin mong palagi mong ikinukumpara ang sarili mo sa ibang mga nanay, maaaring isa itong senyales na kailangan mong dagdagan ang iyong support system. Ang mga kaibigan mo kasi at mga kapamilyang supportive sa iyo ang magbibigay sa iyo ng kailangan mong confidence boost at validation. Mahirap man, kailangan mong maging confident sa iyong mga sariling pamamaraan. Iba man ito o pareho sa ginagawa ng ibang mga nanay, hindi mo dapat maramdamang mali ang mga choices mo. 

    Palihim kang natutuwa kapag may problema ang iba

    May salita ang mga Germans para sa pakiramdam na ito: Schadenfreude /shaa·duhn·froy·duh/. Ito 'yung pakiramdam na palihim kang natutuwa kapag nakikita mong nahihirapan o problemado ang iba. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para maiwasan ito, isipin mo kung anong mararamdaman mo kung ikaw ang nasa sitwasyon nila. Kapag nakisimpatya ka sa kanilang nararamdaman, mas makakaya mong mag offer ng maayos na advice kaysa matuwa sa kanilang paghihirap.

    More from Smart Parenting

    Hindi tumitigil sa iyo ang chismis

    Isa sa mga pinakamabisang paraan para tumigil ang mom-shaming, baby-shaming, at bullying ay kapag natutunan natin ang kahalagahan ng pagpigil sa pagkalat ng chismis. 

    Kung may hindi ka magandang nakita online, huwag mo na itong ikalat. Sabi nga nila, 'Let it end with me.' Huwag mo nang gatungan pa ang kung ano mang negatibong nakikita mo sa mga Facebook groups kung saan ka miyembro o hindi kaya sa mga Facebook pages na sinusundan mo.

    More from Smart Parenting

    Ayon sa isang kasabihan, 'Sticks and stones may break bones, but words can shatter the soul.' Malaki ang impact ng mga salitang binibitawan natin—online man ito o hindi. Importanteng bago ka magbitaw ng salita, magsend ng message at mag-iwan ng comment ay inisip mo muna ang mga sasabihin mo. May maitutulong ba ito? Makakasakit ka ba ng damdamin? Kailangan ba itong marinig ng sasabihan mo? O gusto mo lang itong sabihin para bumuti ang pakiramdam mo o para lumabas na mas magaling kang magulang?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Syempre, hindi naman ito madali. Wala namang makakagawa nito agad. Pero kung magsisimula ka sa maliliit na bagay, tulad ng hindi pakikialam sa choices ng ibang nanay, malaki ang magiging positive impact nito. Hindi lang sa iyong sariling mental health, kundi pati na rin sa pagpapalaki mo sa iyong anak. 

    Mayroon ka bang sarili mong experience sa mga mean moms? Naging mean mom ka na rin ba minsan? I-share ang iyong experience sa aming Facebook group na Smart Parenting Village

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles