-
5 Rason Kung Bakit Tinotoyo Ang Mga Nanay
Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit napakabilis magalit ni mommy minsan.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Sabi nga nila, walang makapaghahanda sa iyo sa pagiging ina. Bagaman makakapagbasa ka ng maraming libro at makakakuha ka ng feedback mula sa ibang mga magulang, iba pa rin kapag nandoon ka na sa sitwasyon na iyon.
Hindi mo rin masisisi ang mga nanay kung paminsan-minsan eh 'tinotoyo' sila. Marami na ngang naglabasang memes tungkol sa 'toyo' ni nanay.
Pero hindi ka ba nagtataka? Bakit nga kaya tinotoyo si nanay? Maraming pwedeng dahilan. At siyempre, sino pa bang mas magandang magpaliwanag niyan kundi ang mga nanay mismo.
Mga dahilan kung bakit minsan, tinotoyo si nanay
Makalat ang bahay
Hindi naman talaga maiiwasan ang kaunting kalat sa bahay lalo na kung mayroon pa kayong alaga na maliliit na bata. Ngunit ang kaunting kalat na ito, kapag nagpatong-patong, nakakastress ito para kay mommy.
Isa sa madalas hinaing ng mga nanay ay parang sila lang ang nakakakita ng mga gawaing bahay na kailangang gawin. Nakakainis nga naman na kung hindi pa sila magsalita, wala pang matatapos na gawain sa bahay.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWalang tumutulong
Narinig niyo na ba ang tinatawag na invisible work? Ito 'yung mga responsibilidad ni nanay na hindi nakikita agaran, ngunit nariyan. Kabilang dito ang pag-iisip ng kakainin, paninigurong maayos ang mga bata, pagmomonitor sa supplies sa bahay at marami pang iba.
Ito, kasama ng trabaho, pag-aalaga at marami pang iba, ay isa ring dahilan kung bakit minsan, tinotoyo si nanay.
Pasaway ang mga miyembro ng pamilya
Mabilis mainis si nanay kapag puro 'mamaya' ang naririnig niya sa tuwing may iuutos siya. Nakakagalit din kapag walang nakikinig sa kanya habang nagsasalita siya o 'di kaya ay hindi siya sinisunod kapag may sinasabi siya.
Sabi pa ng mga nanay, tinotoyo sila kapag nakikita nilang puro laro si daddy kahit na marami pang ibang bagay na kailangang asikasuhin sa bahay.
Walang me-time at personal space
Lahat tayo ay kailangang mag-recharge. Kung hindi nabibigyan si nanay ng pagkakataon para magpahinga o magkaroon ng panahon para sa sarili niya, malaki talaga ang pagkakataon na mairita at magsungit siya.
CONTINUE READING BELOWwatch nowMasyadong maingay sa bahay
Marami rin sa mga nanay ang aminadong 'triggered' sila kapag maingay ang mga tao sa bahay. Katulad ng kalat, mahirap din itong iwasan, pero kung magtutulungan ang mga adults sa bahay, kayang-kaya itong i-control, hindi man sa buong araw, kahit ilang oras lang para makapagpahinga si nanay.
Simple lang naman ang hiling ng mga nanay—malinis na bahay, matulunging asawa at mga anak, at kaunting panahon para sa kanilang sarili. Mahalaga sa kanila na mabawasan ang mental load na dinadala nila.
Ikaw? Paano mo ba sinisigurong nakakatulong ka kay nanay para hindi siya toyoin? Kung nanay ka naman, ano ang malimit na dahilan ng pagkainis mo? I-share niyo lang iyan sa comments section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments