-
Agree Ka Ba? Mas Mahirap Maging Magulang Dahil Sa Teknolohiya
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Ang digital technology at social media na siguro ang dalawa sa mga pinakamakabuluhang imbensyon na napapakinabangan natin ngayon. Pinadali ng mga ito ang pakikipag-usap natin sa ating mga mahal sa buhay nasaang panig man sila ng mundo.
Nakatulong din ito para mas mapabilis ang mga transaksyon natin—mula sa pagbili ng ating mga pangangailangan kapag hindi tayo makalabas ng bahay, hanggang sa paghahanap ng mga pinakamurang mabibilhan ng ating mga gusto.
Mayroong mga advantages at disadvantages ang mga imbensyong ito
Sa kabilang banda, marami ring hindi magandang naidulot ang mga ito tulad ng cyberbullying, child pornography, at mga online banking scams.
Ilan lamang ang mga nabanggit sa mga dahilan kung bakit sa tingin ng ilang mga magulang ay hindi nakakatulong ang social media at mas pinapahirap lang nito ang pagpapalaki ng mga anak.
Sa isang pag-aaral na ginawa ng Pew Research Center, lumalabas na sa 3,600 na mga magulang na sumagot sa kanilang survey, 66% ang naniniwalang mas mahirap maging magulang ngayon.
Hindi madaling pasunurin ang mga bata ngayon
Ayon sa mga magulang, mas mahirap disiplinahin ang mga bata ngayon. May ilan ding nagsabing sadyang hindi magalang ang mga bata ngayon. Ngunit pinakamarami sa kanila ang nagsabing ang impact ng digital technology at social media ang nagiging problema nila.
Nakita rin sa pag-aaral ng Pew Reserach Center na 84% ng mga magulang ang nagsabing alam nila kung gaano katagal lang ang screen time na pwede sa mga anak nila, habang 71% naman ang laging nag-aalala na masyadong maraming oras ang ginugugol ng mga anak nila online.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNakakasama nga ba ang social media?
Bukod pa riyan, mahigit 70% din ng mga magulang ang naniniwalang nakakasama sa mga bata ang pagkakaroon ng smartphone. Naniniwala sila na bukod sa nagiging hadlang ito para matuto ang mga bata ng mga importanteng social skills, lumalaki rin ang mga ito na hindi marunong makipagkaibigan.
Ngunit ang pinakamalaking concern ng mga magulang bukod sa screen time ay kung ano ang nakikita ng mga anak nila sa screen.
Sa katunayan, 98% ng mga magulang na sumagot sa survey ang nagsasabing responsibilidad nila bilang mga magulang ang siguraduhing walang makikita online na hindi nakakabuti ang mga anak nila.
Inamin ng mga magulang na may mga maliliit pang anak na gumagamit sila ng mga websites at apps na makakatulong para malimitahan ang mga websites na maaaring puntahan ng mga anak nila.
Samantala, ilang mga magulang naman ang umamin na tinitignan nila ang mga texts at tawag na mayroon sa cellphone ng mga anak nila.
May mga disadvantages man ang digital technology at social media, sa ngayon ay ito lang ang nakikitang maaaring gamitin para magawa pa rin natin ang mga kailangan nating gawin sa kabila ng pandemic.
Ngayon, posible nang magtrabaho ang mga magulang sa bahay. Nagsimula na rin ang online classes at distance learning ng mga bata habang sarado pa rin ang mga eskwelahan. May online grocery para makapamili nang hindi umaalis sa bahay.
What other parents are reading
Bagaman maraming mga magulang at mga bata ang hirap na makasabay sa mga pangangailangan ng online classes at talaga namang challenging din ang magtrabaho sa bahay, hindi maikakailangang malaki pa rin ang naitutulong ng digital technology at social media.
CONTINUE READING BELOWwatch nowGaya ng laging sinasabi ng mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, importante ang pagkakaroon ng balanse, hindi lang sa paggamit ng teknolohiya, kundi pati na rin sa iba pang mga bagay.
Kayo, ano ang mga techniques ninyo para magkaroon ng balanse sa inyong buhay? I-share niyo na iyan sa comment section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments