embed embed2
Babalik Pa Ba Sa Dati? 'Parang Nawala Ang Talino Ko Pagkatapos Kong Manganak'
PHOTO BY Pexels
  • Madalas itanong sa amin ng mga nanay sa aming online community kung normal lang ba na naging makakalimutin sila pagkatapos nilang manganak.

    Sa aming pananaliksik, lumalabas na nangyayari ito dahil malaki ang epekto ng pagbubuntis at panganganak sa isip ng isang bagong ina.

    What other parents are reading

    Ayon sa mga eksperto, nagbabago ang utak ng isang babae kapag naging nanay siya. Ang mga pagbabagong ito ay para ihanda ang nanay na maintindihan ang pangangailangan ng anak niya.

    Halimbawa, kapag naging nanay ka, magkakaroon ka ng built-in sensor. Ito'y para mas mabigyang proteksyon mo ang iyong anak habang maliit pa siya.

    What other parents are reading

    Napakaganda nito lalo na't hindi pa naman nasasabi ng malinaw ng anak mo ang mga pangangailangan niya. Sa kabilang banda, ang nagiging kapalit nito ay ang pagiging makakalimutin mo.

    Huwag ka na ring magtaka kung biglang hindi mo maalala ang mga sasabihin mo, maging ang mga salita na dati naman ay kabisado at alam na alam mo. May epekto rin kasi sa short-term memory mo ang panganganak.

    Bukod pa riyan, apektado rin ang kakayahan mong matuto ng mga bagong bagay at mag-absorb ng bagong impormasyon. May ilang mga nanay ding nagsabing hirap silang mag-concentrate.

    What other parents are reading

    Ang tanong: May magagawa ka pa ba kung sakaling maranasan mo ang mom brain? Kamakailan ay may nagtanong nito sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    Pakiramdam kasi ni mommy ay hindi na siya magaling makipag-usap at parang nawala na ang talino niya pagkatapos siyang manganak.

    Agad namang sumaklolo ang mga nanay. Kaya naman kung nakakaranas ka ng mom brain o pakiramdam mo ay nagiging mahina na ang pag-iisip mo, narito ang ilan sa mga pwede mong gawin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Magbasa ka ng mga libro

    At basahin mo ito nang malakas. Sabi nga ng mga nanay, kung hirap kang makipag-usap, marahil ay dahil kulang ka sa practice. Kung ikaw nga lang naman ang mag-isa sa bahay at hindi pa nagsasalita ag kasama mo, malaki talaga ang chance na mahihirapan kang makipag-usap kapag kailangan mo na.

    Makisagot sa assignment ng mga bata

    Magandang mental exercise ang assignments ng mga bata. Kung maliit pa ang anak mo at hindi pa siya pumapasok sa eskwela, maraming mga learning modules online na pwede mong sagot-sagutan habang tulog ang anak mo.

    What other parents are reading

    Siguraduhin mong nakakatulog ka ng sapat

    Kung pagod na pagod ka at lagi kang kulang sa tulog, mahihirapan ka talagang mag-isip at mag-concentrate. Importante rin ang tamang diet at sapat na exerice.

    Manood ka ng mga English movies

    Bukod sa nakakaaliw na ito, natututo ka pang makipag-usap sa Ingles—maganda ito kung nararamdaman mo mang hindi ka na marunong makipag-usap gamit ang ibang lenggwahe. i-off mo ang subtitle at makinig ka lang sa mga karakter habang nag-uusap sila.

    What other parents are reading

    Mag-practice sa pagsagot ng mga interview questions

    Kung nagbabalak kang bumalik na sa trabaho, makakatulong kung magpapractice ka sa pagsagot ng mga interview questions. Marami kang makikitang ganito online.

    Hindi kailangan perpekto ang iyong mga sagot, basta't confident ka lang sa pakikipag-usap.

    Makinig sa mga podcasts

    Ang mga podcasts ay mainam na paraan para matuto ka ng mga bagong bagay. Hindi mo kailangang maupo nang matagal o humarap sa screen. Kahit na gumagawa ka ng mga gawaing bahay o nag-aalaga ng bata, pwede mo lang itong i-play sa background.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

    Ilan lamang ang mga ito sa mga pwede mong gawin para hindi ka igupo ng mom brain at para hindi rin nito maapektuhan ang confidence mo.

    Huwag kang mawalan ng pag-asa. Ang utak at isip natin ay mahahasa pa rin ano man ang edad natin.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles