embed embed2
  • May Journal Para Sa Anak Si Beauty Gonzalez Habang Nasa Lock-In Taping Siya

    Walang uwian ang lock-in taping ng teleserye na kinabibilangan ng aktres.
    by Jocelyn Valle .
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.

    Laruan at notebook ang mga panangga ni Beauty Gonzalez laban sa pansamantalang pangungulila sa kanyang unica hija na si Olivia Ines, 4. Kasalukuyang nasa lock-in taping sa Laguna ang aktres para sa pinagbibidahang TV series na pang-Pasko ang tema.

    Kabilang ang lock-in taping sa new normal sa showbiz upang mas epektibong masunod ang health at safety protocols bunsod ng COVID-19 pandemic. Sa ganitong sistema ng paggawa ng teleserye o maging pelikula, mananatili ang buong produksyon — mula sa mga direktor, artista, kawani, at iba pang manggagawa — sa lugar o location kung saan sila nagte-taping o shooting. 

    Kailangan muna nilang sumailalim sa swab test para masigurong wala sa kanila ang infected ng novel coronavirus. Kadalasan, dalawang linggo silang walang uwian sa kani-kanilang mga tahanan at nakatutok lang sa trabaho. 

    “Eto, hawak ko ang laruan ni Olivia na pinabaon niya sa akin,” pahayag ni Beauty sa aming Zoom call.

    Ipinakita niya ang plushie toy na pag-aari ng panganay nila ng asawang si Norman Crisologo, isang businessman at art curator. 

    “So, like every day, nagpapadala ako ng voice messages tulad ng, ‘Hey, Olivia! I’m here at work. This is what Mommy is doing.’ Kasi, you know, sometimes it’s hard na nag-lockdown kami ngayon. So, wala ako ngayon parati sa anak ko. So iyan ang isa sa mga bagay na I stay connected with her.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Nakausap namin si Beauty sa virtual presscon para sa 'Paano ang Pasko?' na ipapalabas sa TV5 simula sa November 23, 2020.

    Sunod na ipinakita ni Beauty ang red notebook, kung saan siya gumagawa ng mga sulat para kaya Olivia. Natutunan niya daw ang ganitong paraan ng pagiging konektado sa kanyang anak mula sa kanyang costar at fellow mom na si Maricel Laxa, na may lima namang anak.

    “Every day I write to her all the things that are happening,” sabi ni Beauty tungkol sa kanyang personal project na tinatawag niyang “Letters to Olivia.”

    “So maybe after the shoot, babasahin ko ’to sa kanya during Christmas. [I’ll tell her,] ‘This is what happened to Mama every day at work.’”

    Sinisikap din ni Beauty na maging konektado sa kanyang mga kamag-anak sa Negros Oriental province. Ang nanay niya ay nasa Dumaguete City at ang mga kapatid niya sa Tuguegarao City sa Cagayan province. Lubhang sinalanta kamakailan ng bagyong Ulysses ang Cagayan at ilan pang mga lugar sa Norte at sa Metro Manila.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Aniya, “We also call each other. Di lang ako makakauwi ngayon dahil sa pandemic. Hopefully, next year pag may konting oras ako away from work, then I will visit my mom in Dumaguete.

    "I’d love to visit my family also in Tuguegarao kasi sa side naman ng kapatid ko na tinutulungan ko. Sila ang family na tinutulungan ko. I wanna see them next year. You know, give them happiness because of what happened Cagayan right now.”

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles