embed embed2
  • Camille Prats At LJ Reyes, Halos Maubusan Ng Idea Kung Paano Libangin Ang Mga Anak

    Parehong may toddler at older kids ang Kapuso moms.
    by Jocelyn Valle .
Camille Prats At LJ Reyes, Halos Maubusan Ng Idea Kung Paano Libangin Ang Mga Anak
PHOTO BY Instagram/@camilleprats (L); @lj_reyes
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.

    Nang magsimula ang COVID-19 pandemic noong March 2020 at pumirmi na lang sa bahay, nagkaroon ng maraming oras sina Camille Prats at LJ Reyes para makapiling ang kani-kanilang mga anak.

    Iyon nga lang daw, halos maubusan na sila ng mga ideya kung paano lilibangin ang mga bata. Nagkuwento ang celeb moms sa online event na inorganisa ng GMA Artist Center, na siyang namamahala ng kanilang showbiz career.

    Camille: "Focused active play for all of us"

    May apat na bata sa bahay ni Camille at kanyang asawang si VJ Yambao: Ice, Nathan, Nala, at Nolan. Si Ice, 17, ay anak ni VJ sa dating karelasyon at si Nathan, 13, anak ni Camille sa yumaong unang asawa. Pareho naman nilang mga anak sina Nala, 3, at Nolan, 2 years old sa July 10, 2021.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lahad ni Camille tungkol sa paborito nilang bonding activity,"Nitong nakaraang taon, hanggang ngayon na nasa bahay lang, ang favorite namin talaga is really just play. Focused active play with all of us."

    Nagbigay siya ng halimbawa: "Pag nagwo-workout kami [mag-asawa], ando’n din sila [mga bata] sa garahe. Kailangan din nilang pawisan. Kawawa kasi pag hindi nila nae-exert ang energy nila.

    "So when we work out downstairs in the garage, they also come down. Nagba-bike sila. Kung pawisan kami, pawisan din sila. Okay na okay sa amin ’yun."

    Iba naman ang inalala ni Camille sa kanilang only girl. Aniya, "With Nala kasi nursery na talaga, so nag-struggle din ako na parang, ‘Ie-enroll ko ba ’to? Mag-oonline class ba kami? Kaya ba niya? Worth it ba i-online class?’"

    Paliwanag niya, "Bilang bagets, alam naman nating maiksi lang ang kanilang attention span, especially pag gadgets. So nag-decide kami to homeschool them, especially Nala. So far, enjoyable naman.

    "No’ng una, natakot ako nang slight sa concept ng homeschooling. But nang ma-let go ko na ang frustrations and other things, in-embrace ko na ang s’ya and everything is just through play, more enjoyable for me and her."

    LJ:  Nakikilala nang husto ang panganay, di mapantayan ang energy ng bunso

    Pansin ni LJ na sa edad ng kanyang panganay na si Aki, 11 years old sa July 24, nagiging mas malapit ang anak nila ng ex-boyfriend na si Paulo Avelino sa mga kaibigan.

    Pag-amin niya, "Sa age n’ya, may friends na s’yang kausap. Kaya hindi na kami madalas mag-usap." Pero nang mangyari raw ang pandemic, nanumbalik ang dating closeness ng mag-ina.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sabi pa ni LJ, "Na-enjoy ko na nagkaroon kami ni Aki ng time together na kaming dalawa lang.  Nagkaroon kami ng devotion, then usap after...Hindi pilit na meron kaming conversations na malalalim. Naririnig ko kung paano s’ya mag-isip."

    Sa kabilang banda, halos sumuko si LJ sa dami ng energy ng kanyang bunsong si Summer,  2 years old, at anak nila ng current parent na si Paolo Contis. Nauubusan na nga raw siya ng ideya kung ano pang lalaruin nilang mag-ina.

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles