embed embed2
  • Sabaw, Lutang, Mommy Brain: Totoo Lahat ’Yan, Sabi Nina Sheena Halili, Max Collins, Atbp

    First-time moms silang mga GMA-7 artists.
    by Jocelyn Valle .
Sabaw, Lutang, Mommy Brain: Totoo Lahat ’Yan, Sabi Nina Sheena Halili, Max Collins, Atbp
PHOTO BY Instagram/@maxcollinsofficial (L); @mysheenahalili
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories.

    Taong 2020 nang maging mommy sa unang pagkakataon sina Sheena Halili (December), Max Collins (July), at Luane Dy (April). Kaya halos pare-pareho at sabay-sabay silang natututo mula sa mga bagong karanasan.

    Naka-relate rin sila kaagad nang matanong ng SmartParenting.com.ph tungkol sa lutang o sabaw moments na kadalasang nangyayari sa new moms.

    Nangyari naman ang panayam sa online event na inorganisa kamakailan ng GMA Artist Center, ang talent management agency na humahawak sa kani-kanilang showbiz career.

     Sheena Halili

    "Kanina, di ba?" bungad ni Sheena Halili, bilang paalala sa nangyaring hindi niya pagsagot kaagad sa mga naunang tanong. "Lutang moment ’yun."

    Nagbigay ng iba pang mga halimbawa si Sheena, na kasal kay Jeron Manzanero, isang lawyer. Martina Candice ang pangalan ng kanilang baby girl.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kuwento ng aktres, "Siguro pag madaling araw na, minsan ’yung phone dapat ang kukunin ko, ’tapos ang dala-dala ko, remote. Gano’n. Minsan, pupunta dapat ako ng kitchen, napunta ako sa CR."

    Kaya napapatanong daw siya sa kanyang sarili: "Anong ginagawa ko dito?’"

    Ito pa raw: "’Yung diaper ni baby, minsan nalalagay ko ’yung back sa front. ’Tapos, uulitin ko. Balik ulit."

    Max Collins

    Sumang-ayon si Max Collins sa mga sinabi ni Sheena. Aniya, "Ako din, ginawa ko ’yun."

    Marami pa nga raw siyang karanasan, pag-amin ni Max. Siya at kanyang asawa na si Pancho Magno, isang GMA-7 artist din, ay may baby boy na pinangalanan nilang Skye Anakin.

    Pero, saad niya, "Hindi ko lang maisip." Kaya napasingit si Sheena para magkomento: "Yan 'yun!"

    Pagkalipas ng ilang saglit, nagbigay ng mga halimbawa si Max: "Tulad ng sinabi ni Sheena, pag madaling araw, like 3 a.m., gano’n, habang ginagawa ko ang milk ni Skye. Minsan parang I ended up not shooting the water in the bottle. It ended up spilling on the floor."

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Dagdag pa niya, "Minsan naliligo ako ng baby wash, baby shampoo. Hindi ko napapansin na hindi ko pala shampoo. Kakamadali."

    Luane Dy

    May paliwanag si Luane Dy, na mommy sa baby boy rin ng asawa at kapwa GMA-7 talent niyang si Carlo Gonzalez. Binigyan nila ang kanilang panganay ng pangalan na Jose Christiano.

    Lahad niya sa pagiging absent minded ng mga mommy: "I guess nagiging sabaw ka talaga. Totoo po ang mommy brain. Parang naubos na yata sa kakadede ni baby. So sabaw ka lang.

    "With all the puyat, pagod, ’tapos ’yung in the middle of the night, nagutom s’ya, umiyak s’ya, ’tapos gising ka nang gising, palit ng diaper. ’Yan ang nakakasabaw. The whole day, sabaw ka na. Wala ka nang ginagawang tama, gano’n."

    Sabi pa niya, "Agree ako kay Sheena, eh. ‘Yung remote, hawak mo, nilagay mo sa freezer. ’Tapos hahanapin mo, ‘Bakit? Ano ba ’yun?’"

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles