christmas gift,christmas gifts,christmas holiday,christmas,grandparents,Tagalog,#SPConfessions,lolo and lola,#SPConfessions: ‘Normal Bang Ma-Disappoint Na Walang Natanggap Na Regalo Ang Anak Ko Mula Sa Mga Lolo At Lola Niya?’,SPConfessions, Regalo ng Pasko, Anak na walang regalo, Lolo at Lola, Parenting Village, Pagmamahal ng magulang, Expectations sa regalo, Values sa anak, Gift-giving mindset, Pagmumulat sa self-love,Na-disappoint din ba kayo sa mga natanggap na regalo (o kapag walang regalo) ang anak niyo ngayong Pasko?
ParentingReal Parenting

#SPConfessions: ‘Normal Bang Ma-Disappoint Na Walang Natanggap Na Regalo Ang Anak Ko Mula Sa Mga Lolo At Lola Niya?’

Na-disappoint din ba kayo sa mga natanggap na regalo (o kapag walang regalo) ang anak niyo ngayong Pasko?

Ang kwentong ito ay hango sa isang tunay na #SPConfessions na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala nito.

“Hello fellow parents. Pa-enlighten nga baka sensitive lang ako or hindi normal iyung nararamdaman kong disappointment? Dito na lang ako mag-share kasi ayaw ko mag-share muna sa asawa ko or kapatid ko dahil baka one-sided ang judgment nila.

“Ang lolo and lola (parents niyo) ba binibigyan ng regalo iyung anak niyo? Yes, hindi naman nila obligation pero apo naman nila iyun, gaano ba naman to give something to the kid tutal Pasko naman. Kahit simpleng toy car, happy na iyung bata.

“Hindi naman kami iyung tipong nag-eexpect ng pamasko from them for our child. Sa side naman ng asawa ko, hindi rin namin ineexpect na may gift sila kasi pension nalang inaasahan nila and marami silang apo, pero OK lang iyun kasi naiintindihan namin iyun. Dito kasi sa side ko, nag-iisang apo pa lang, wala pa naman silang pension pero pareho naman silang kumikita sa sari-sarili nilang raket (tindahan sa mama ko, school service sa papa ko). Ewan ko ba, naiiyak ako.”

“Wala mang gift, pero ang pagmamahal at pag-alalay ay sapat na”

Naglabas ng saloobin ang isang ina sa Smart Parenting Village dahilan sa walang natanggap na regalo ang kanyang anak mula sa lolo at lola nito, sa parehong side nilang mag-asawa. Ani niya, hindi naman siya nag-eexpect lalo na at hindi ito obligasyon ng lolo at lola. At bukod dito, ang mga magulang ng kanyang asawa ay pensionado, ngunit dagdag niya, ang kanyang mga magulang daw ay may kinikita pa sa kanya-kanyang negosyo.

Maraming magulang ang nag-kumento at nagsabing ang mga anak nila ay hindi din nakatanggap ng regalo mula sa mga lolo at lola at OK lang iyon. May ilan ding dinagdag na kahit sila noong bata ay hindi din nakatanggap ng regalo mula sa kanilang mga lolo at lola. Ang ani ng iba, mas importante ang mga pwedeng maituro na values sa mga anak sa ganitong panahon: ang pagiging mapagbigay o giver, at ang pagpapahalaga sa oras at aruga na nabibigay ng mga lolo at lola sa kanila.

watch now

Paglalahad ng ilan:

“Both my parents and in-laws didn’t give my daughter a gift this Christmas (first and only apo din siya sa side ko). That’s totally fine sa akin, why? Kasi nagbigay na si Santa Claus. Hangga’t kaya namin i-provide na mag-asawa ang mga bagay na makakapagpa-saya sa anak namin, we’ll do it. Sa amin ni daddy niya, masaya na siya, and that’s enough na for me.”

“Wala din kami na-receive na gift from grandparents kapag Pasko and birthdays. Pero kapag may need kami, parati lang naman andyan ang mga lolo at lola para umalalay. Sanay din ang kids ko na hindi mag-expect ng gifts whatever the occasion is. If ever they do, kahit biscuit at jelly ace galing sa Lola, OK na sila. But ang tinuturo ko talaga sa kanila is sila dapat ang nagbibigay, hindi sila ang binibigyan. Ang importante mommy, alam nila na love na love sila ng mga lolo at lola nila.”

“Ang parents ko ay hindi din nagbibigay ng gift sa anak ko, kahit sa sinunang apo na malaki na (magbibinata na). Pero, super thankful ako, hindi man nila nabibigyan ng gift ang anak ko, iyung pagmamahal nila sa anak ko ay napakasaya ko na. Noong baby pa lang ang LO ko, katulong ko mag-alaga ang Mama ko at minsan, siya ang nag-aalaga talaga kapag may errands ako. Kampante akong iwan sa Mama ko ang baby ko kasi alam ko na ang pag-aalaga at pagmamahal niya ay hindi matutumbasan. Thankful din ako sa Papa ko sa sobrang pagka-protecttive at paglalambing niya sa anak ko. Sa in-laws ko naman, act of love nila ay pagbibigay, so laging may gift or money ang anak ko from them. Siguro, bawi naman sa ibang bagay iyung parents niyo. Isipin niyo din kung ano iyung mga ginagawa nila para sa inyo ng kids.”

“May gift sila o wala, they are loved”

May ilan ding nanay na nag-payo kung ano ang tamang mindset sa mga pagkakataon. Ani nila:

“Ang tamang mindset po diyan is don’t expect po. Provide your own child’s happiness and contentment. As long as they’re content and happy, hindi na sila maghahanap. Masarap sa pakiramdam makatanggap but palagi mong i-remind sa sarili mo na huwag mag-expect kasi in the end, masasaktan ka.

“Sa side ng bata, hindi iyan naghahanap or mag-eexpect hangga’t hindi mo iyun sinasabi sa kanya. Sa amin, never Namasko o nagbahay-bahay ang anak. If may magbigay, we are grateful. Pero kung wala, OK lang, kamu ang nagreregalo sa kanila kapag birthday o ano mang okasyon. They see some kids na maraming gifts but I never see them pity themselves or nainggit.

“Maybe kaya hindi sila nagbibigay is because they believe that you can provide everything your child needs and wants. Nakaka-proud iyun isipin.”

“Train yourself and your kids na gifts come in many forms and not just material things. Iyung magiging thankful sila sa nakukuha nila and they won’t mind if wala man. Iba-iba ang mga tao sa pagpapakita ng pagmamahal. Merong hindi ma-gift pero they show love in other ways. Kami mismo sa bahay walang expectations sa gifts. May Christmas na may gifts kami sa isa’t isa, meron din Christmas na wala, may gifts ang mga anak ko kung may achievements sila minsan din wala. So every time may gift, masaya. Kapag wala, wala ding epekto because we show love in different ways and ganon din sa ibang tao.

“It is what you feed your kids. And if you don’t want your kids to experience heartaches in the future, tanggalin mo ang expectations sa ibang tao. May gift man sila o wala, they are loved, iyan ang ipamulat mo sa kanila.”

“For me po, never kami nag-expect ng gift from both of our parents sa asawa ko. Why? Sapat nang gift iyung buhay pa sila to see their apos and it’s time na tayo ang mag-gift sa kanila every Christmas. Simula’t sapol, sila na ang nagbibigay ng gifts (time, love, money, etc), and it’s time for them to receive those gifts back now that they are old.

“Ineencourage ko pa ang daughter ko to give gifts to them kahit walang okasyon basta may extra family. It’s better to give than to receive.”

“To the author, heal yourself from the programming that we need something from others to show that they care, or even that we need anyone to care for that matter. As long as we care and love ourselves, our children will do the same. They will grow up better for it, not needing any validation from anyone but themselves. We just need to teach them to be unconditionally kind, loving, compassionate, and generous and that it all starts with themselves. But don’t confuse love with narcissism–know na it’s really about prioritizing oneself and making sure our cups are full so we can give back and love others. Self-love is giving to oneself first and then letting it overflow to our loved ones, and we’re happy to give not because it’s expected but because we want to.”

Narito pa ang ilang paraan kung paano kakausapin ang anak kung siya ay malungkot sa kanyang mga regalo ngayong Pasko:

Edited for spelling, punctuation, grammar, and formatting.

Mayroon ka bang sarili mong #SPConfessions na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close