-
'Mahirap At Leap Of Faith Ang Homeschooling, Pero Walang Hindi Kakayanin Para Sa Anak'
"Naniniwala ako na sa bahay naman talaga magsisimula ang lahat."by Emerald Bailey .
- Shares
- Comments
Akala ko noon, pang ibang bansa lang ang homeschooling. Pero nung nag-research na ako, napagalaman ko na meron rin palang homeschool sa Pilipinas. Meron ng mga family na noon pa man homeschooled na sila at hinomeschool rin nila yung mga anak nila.
During this COVID-19 season, alam ko na maraming kapwa ko nanay ang nagwo-worry tungkol sa education ng mga anak nila. Paano na sila papasok sa school if may virus pa? At kung bumalik man lahat sa "normal," safe ba na papasukin na sila sa school? O hindi worth it? Paano na siya makakapagaral? Pwede ba sa anak ko ang homeschooling?
What other parents are reading
Ano nga bang ibig sabihin ng homeschooling?
Para sa akin, ito ang pinakasimpleng definition ng homeschooling: Magulang ang nagtuturo sa bata — tayo ang primary teacher. Pwedeng sa bahay sila nag-aaral pero pwede kahit saan talaga.
Kapang napag-desisyunan mo na ang homeschool, i-assess mo kung anong type ng homeschooling ang gusto mo. Katulad ng traditional school, madami ka ring options.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHomeschooling with a provider
Ano ba ang ibig sabihin ng homeschool provider? Ito ang mga schools na nagca-cater sa mga homeschooling families na accredited ng Department of Education. Kapag naka-enroll ang anak mo sa isang DepEd-accredited provider, sa kanila manggagaling ang curriculum at listahan ng libro na kailangan bilhin. Sila rin ang magbibigay ng report card at tutulungan ka sa mga record filing na kailangan para sa DepEd.
May LRN ( learning reference number) na ibibigay ang homeschool provider. Nagsisilbing student number ng anak mo ang LRN at ito ang naka-record sa DepEd.
Maraming homeschool provider options. Meron na pareho ang structure ng traditional school. Pwede kang bumili ng libro sa kanila, pwedeng hindi. (Click ito para sa homeschool provider directory kung saan makakapili ka ng babagay sa family life mo lalo na pagdating sa tuition fee.)
Nag-enroll ako sa provider na hindi mahigpit at mas open. Ayaw ko kasi mag-focus sa academics alone — gusto ko matuto din ang mga anak ko ng practical life skills. Mas gusto kong mag focus na turuan silang maging madiskarte dahil yan ang bala nila sa real world pagdating ng araw.
CONTINUE READING BELOWwatch nowWhat other parents are reading
Independent homeschooling: Wala kang kailangan sundin na curriculum
May tinatawag din ng independent homeschooling — hindi ka naka-enroll sa provider. Wala ring tuition fee. Wala kang kailangan sundin na curriculum. You have the freedom to teach your child anything, pero mas madaming trabaho. Ikaw lahat ang record filing sa DepEd. Ikaw rin ang magdo-document ng mga bagay na ginagawa nyo for the whole school year.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPara sa independent homeschoolers, kailangan maipasa ng anak ang dalawang tests mula sa DepEd para maging valid ang homeschooling years: Philippine Educational Placement Test o PEPT para sa grade school at Alternative Learning System o ALS para sa high school). Marami homeschoolers ang nakapasok na sa college pagkatapos ipasa ang mga tests na ito.
Bakit homeschool para sa amin
Mahirap, leap of faith at malakasang desisyon ang homeschooling. Saludo ako sa mga teachers kasi hindi madali ang trabaho nila. Kailangan mo ng madaming pasensya at pagmamahal sa ginagawa mo.
Gusto naming mag-asawa na kami ang magturo sa mga anak namin. Gusto namin na matuto sila ng mga bagay na gusto nilang matutunan at hindi dahil lamang yun ang standard ng society natin. Naniniwala ako na sa bahay naman talaga magsisimula ang lahat.
Sa homeschool, ang mga magulang ang mga teachers.PHOTO BY courtesy of Emerald BaileyADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWDati nung nag aaral si Briley, kailangan gumising bago 5 a.m., para mag-prep at bumiyahe papuntang school. Tapos makakauwi na siya ng past 4 p.m. Ngayon sa homeschool, mas nae-explore pa nila ang ibang mga bagay katulad ng music at sports
Paano naman ang social skills kapag homeschooling? Fake news yung hindi daw sociable ang mga nagho-homeschool, pero hindi lang sa school nakukuha yan. Pwede mong paglaruin sa kalye, isama mo sa palengke at siya ang pakausapin mo sa tindera. Turuan mong bumili sa kantong tindahan! Mahalaga ang mga simple interactions na ito sa pag-develop ng kanyang social skills.
Ano man ang mapag-desisyunan mo, matuloy ka man or hindi sa homeschool, mahalaga na gawing nating fun ang learning — hindi chore — para sa mga anak natin. Sobrang labas ito sa comfort zone ng madaming pero at the end of the day, we will do what’s best for our kids. Walang hindi kakayanin para sa kanila.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSi Emerald Bailey ay isang mommy vlogger at miyembro ng Smart Parenting Mom Network. Mababasa ang kanyang blog sa emeraldbailey.wordpress.com/
Naghahanap ka ba ng learn-at-home options at napapaisip kung magkano ang mga ito? Bisitahin ang Smart Parenting Classroom!
What other parents are reading

- Shares
- Comments