embed embed2
  • Makeup Session, Weird Hairstyles, At Iba Pang Nangyayari 'Pag Si Tatay Ang Naiwan Sa Bahay

    Puro kalokohan at katatawanan!
    by Ana Gonzales .
Makeup Session, Weird Hairstyles, At Iba Pang Nangyayari 'Pag Si Tatay Ang Naiwan Sa Bahay
PHOTO BY courtesy of Marjorie Murao Valdez, Bhelle Berja
  • Kapag binabalikan mo ang kabataan mo, karamihan ba ng mga alaala mo na nakakatawa at puro kalokohan ay kasama si tatay? Bukod kasi sa galing at sipag nila sa paggawa ng mga DIY projects, hari rin sila ng pagpapatawa.

    Para sa marami, ang mga silly moments na ito ay bunga ng pagiging likas na mapagbiro at kwela ng mga tatay. Malimit kasi, sila ang maraming pakulo kapag playtime. Mahilig din silang magpatawa at gumawa ng mga daring na bagay.

    Tinanong namin ang mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village kung anong nangyayari kapag si daddy ang naiiwang bantay ng mga bata.

    Ang kinalabasan? Sumakit ang tiyan namin katatawa! Basta si tatay talaga ang naiwan sa bahay, asahan mong masaya at kwela ang kalalabasan. Hindi matatawaran ang saya—mga alaalang hindi matatawaran.

    Heto ang ilan sa mga litratong ipinadala sa amin:

    No duyan? No problem! Tuwang-tuwa ang anak nina mommy at daddy habang "idinuduyan" siya ni daddy.
    PHOTO BY courtesy of Lea Manille Tee-Ching
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    'Yung iniwan mo lang sandali ang anak mo, pagbalik mo, ipinapakain na ni daddy sa dinosaur.
    PHOTO BY courtesy of Abby Bautista Soriano
    Napakagaling talagang magpatulog ni baby ng daddy. Nakaka-proud. (LOL)
    PHOTO BY courtesy of Cham Secretario
    In fairness! Bagay kay daddy ang shade. Nakakaputi! Ang galing pumili ni baby.
    PHOTO BY courtesy of Bhelle Berja
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    Konting practice pa sa pagtatali ng buhok, daddy! LOL
    PHOTO BY courtesy of Vhona-Nanette Perez Angeles-Juganas
    "Anak, ganito ang gagawin natin ha? Depensa muna tayo, tapos kapag open na si daddy, pasa mo kay daddy ha?"
    PHOTO BY courtesy of Dhanzen Rumbaoa Domingo
    'Yung sabi mo kay daddy bantayan ang bata pero ginawa niyang tiga-masahe.
    PHOTO BY courtesy of Karen Mei Caro
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Mapapatili ka na lang talaga LOL
    PHOTO BY courtesy of Belle Alconcel Salido
    Daddy, parang hindi yata ikaw ang dapat nakasakay diyan? LOL!
    PHOTO BY courtesy of Marjorie Murao Valdez

    Ganito rin ba ang nangyayari sa bahay ninyo kapag si daddy ang naiiwan kasama ng mga bata? I-share ang inyong mga pictures sa smartparentingsubmissions@gmail.com. Pwede rin kayong sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung naghahanap ka pa ng good vibes, panoorin ang Smart Parenting Exclusive interview ng Smart Parenting sa celebrity dads na sina Michael V. at Ogie Alcasid sa aming YouTube Channel.

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles