celebrity,Tagalog,single moms,Jennica Garcia,single mom celebrities,Jennica Garcia Solong Tinataguyod Ang 2 Anak: 'Nanay Got This',Celebrity Families, Celebrities & Entertainment News, People & Society, Family & Relationships, Family and Relationships, Pop Culture, Arts & Entertainment, Jennica Garcia, Jennica Garcia kids, single mom, single mothers, solo parents,Hirap man si Jennica Garcia bilang single mom, sinisikap pa rin niyang itaguyod ang dalawang anak niya sa ex-husband na si Alwyn Uytingco.
ParentingReal Parenting

Single Mom Jennica Garcia Nangako Sa Mga Anak: 'Nanay Got This, Buhat Ko Kayo Lagi'

Dalawa ang anak ni Jennica sa ex-husband niyang si Alwyn Uytingco.
PHOTO BYInstagram/jennicagarciaph

Hanga si Jennica Garcia sa panganay niyang anak na si Mori, 8 years old sa July 17, 2023. Aniya sa recent Instagram post, "growing up really well" ang tinatawag niyang Ate Mori. Ate siya talaga ng bunsong si Alessi, 5 years old naman sa darating na June 24.

Sabi pa ni Jennica na hindi niya alam kung anong eksaktong ginawa niya para lumaki si Mori na "little lady that you are now." Inisa-isa niya ang ilan sa mga mabubuting gawain ng anak:

1. Nagpipilit si Mori maghugas ng pinggan kapag nakauwi na si Jennica.

2. Sinasabihan ni Mori si Jennica na matulog na kapag napapikit si Jennica sa halip na nag-aaral.

3. Sinasabihan ni Mori si Jennica na matulog pa sa halip na gumawa ng almusal para kina Mori at Alessi. Marunong na kasi si Mori na maghanda ng makakain para sa kanya at kanyang nakakabatang kapatid.

4. Gumagawa si Mori ng mga sulat para ipahayag ang kanyang "love and appreciation" kay Jennica.

Kaya lahad ni Jennica, "Mahal na mahal kita Ate Mori."

Dagdag niyang pahayag, na may kinalaman sa sitwasyon niya bilang single mom: "Walang hindi ibibigay sayo, walang hindi kakayanin. I am so grateful to God for blessing me with two children because I know that when I'm not around. You two have each other. Us girls... Alessi, you and me are going to be BESTFRIENDS for life."

(Nitong February, inamin ni Jennica na single mom na siya at matagal na siyang hiwalay sa asawang si Alwyn Uytingco. Basahin dito.)

Tingnan ang post na ito sa Instagram

Isang post na ibinahagi ni Jennica ???? (@jennicagarciaph)

watch now

Dito na sinabi ni Jennica na emosyonal siya. Papunta raw kasi siya sa shopping mall para bumili ng aircon sa bahay at water heater sa banyo.

Aniya, "Pagpahingain na natin yung electric fan, 10 months na tayong lapot gumigising. Wag na natin paubitin ng isang taon. Hindi na rin ako ulit mag iinit ng tubig para isalin sa balde panligo niyo pag malamig ang panahon. Anytime gusto niyo maligo, GO! Wala ng antayan."

Paninigurado ni Jennica kina Mori at Alessi: "Nanay got this kids! Buhat ko kayo lagi."

Nagpasalamat din ang aktres, na napapanood sa drama series na Dirty Linen sa kanyang mga boss sa ABS-CBN at iba pang mga tumutulong sa kanya. "Lord God, you make the impossible, possible. I owe everything to you Jesus. You deserve all the praise."

Tingnan ang post na ito sa Instagram

Isang post na ibinahagi ni Jennica ???? (@jennicagarciaph)

Basahin dito ang tips ng single moms para maitaguyod ang one-income household.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close