embed embed2
  • Discipline Tactic Ni Katrina Halili Sa Anak: 'Ayokong Magpaliwanag Habang Galit Sya'

    Itinuturing ni Katrina ang kanyang pagiging single mom bilang rewarding.
    by Jocelyn Valle .
  • Dahil mag-isang itinataguyod ni Katrina Halili ang kanyang 7-year-old daughter na si Katie, nasa kamay lamang niya ang paraan ng pagpapalaki dito. “Kasi ako lang ang masusunod sa lahat for her,” katwiran niya. “Walang kontra.”

    Kaya naman sa halip na challenging, itinuturing ng GMA-7 actress ang kanyang pagiging single mom bilang rewarding. Aniya sa email interview ng SmartParenting.com.phbinago ng kanyang unica hija ang kanyang buhay. Naging “mature” daw siya at nagkaroon siya ng “responsibility” at “direction.” 

    Lahad niya, “Minsan tinitingnan ko lang sya naiiyak ako, naiiyak ako dahil binigay sya sa 'kin. Walang dull moment kasama sya, sa kulit, sungit, malambing, mabaet, maldita. Daming moods, hindi nakaka-boring.”

    Di nakakapagtaka na ang laman ng Instagram account ni Katrina ay si Katie, at, ayon sa kanya, kinatutuwaan ng kanyang mga followers ang mga photos at videos nilang mag-ina. Kabilang dito ang kanilang away-bati episodes. Sa ganitong paraan daw ay naipapakita niya sa kanyang Instagram followers na “pareho din nila kami, hindi laging okay kami at cute siya.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Kamakailan ay ibinahagi niya sa isang Instagram post ang kanilang di pagkakaunawaan. Kuwento niya sa amin tungkol dito, “Nakalimutan ko na kung ano yun pinipilit nya pero hindi ko sya pinagbigyan nagalit siya, tapos umaakting na maghahagis ng gamit. Kasi medyo nagkakataasan na kami ng boses. Hindi ko kasi siya pwede pagbigyan sa lahat ng gusto nya, na parang kontrolado nya ako.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paliwanag pa ni Katrina na hindi niya hinayahaan na tumagal ang tampuhan nilang mag-ina. Kailangan daw ay gumawa ng paraan si Katie para matanto ang pagkakamali nito at bumawi sa kanya. Kaya ang gagawin niya ay hindi muna siya magpapakita sa kanyang anak at hahayaan munang hanapin siya. Kapag nakaramdam siya ng awa sa bata ay saka pa lamang niya ito kakausapin upang magpaliwanang kung bakit siya nagalit dito. 

    Inamin niya na napalo na niya ang kanyang anak at aware din siya na sinasabing mali ang pamamalo. Kaya nga daw hindi siya nagpapakita kapag nagkakagalit silang mag-ina dahil ayaw niyang saktan ito. Nang minsang di siya nakaiwas sa pamamalo ay ginawa naman niya ito nang may dahilan.

    More from Smart Parenting

    “Wala akong sinasabi na gayahin ng mga tao,” paglilinaw niya. “Iba-iba kasi kung paano disiplinahin ang bata, iba-ibang personality yan. Hindi lahat ng ok sa inyo, ok din sakin. Pero sabi ko nga sinisigurado ko na kailangan mapaliwanag na sa kanya kung bat ako nagalit. Nakakatuwa naman kasi naiintindihan nya, ayokong magpaliwanag habang galit sya hindi sya nakikinig, and inaantay ko muna na mag sorry sya at malaman nya yun mali nya.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa kabilang banda ay tinuturuan na ni Katrina si Katie ng ilang gawaing bahay, tulad ng paghugas ng sarili nitong plate, spoon, fork, at cup. “Yung kanya lang talaga, dapat hindi babasagin para safe for her,” paliwanag niya.

    Natututo na rin si Katie na mag-handwash ng ilang maliliit niyang damit at magtupi nito. Kapag nagluluto ang kanyang Mommy Katrina ng tinola ay tumutulong siya sa paghimay ng malunggay leaves. Tinuturuan din siya ng actress-baker na maging assistant nito sa paggawa ng baked goodies. May responsibilidad na rin siyang mag-turn off ng appliances, tulad ng TV, electric fan, at lights pag hindi ginagamit. Pag gising naman sa umaga ay alam na niyang mag-ayos ng pinaghigaan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    “Medyo hindi pa consistent, pero at least nauutusan,” sabi ni Katrina na halatang proud sa kanyang anak. “In fairness naman kay Katie mabilis mapasunod. Ang 1-2x mong ituro, gagawin nya na the next day. Magugulat ka na lang and matutuwa kasi sobrang cute nya tingnan.” 

    Pagpapatuloy niya, “Importante para sakin matuto si Katie ng mga household chores, para marunong siya, at pwedeng mautusan. Ayoko siyang lumaking walang alam gawin kundi mag utos lang, and for me dapat bata pa bigyan na ng responsibility sila, para hindi puro aral, and games lang ang alam. Mahirap mag turo sa matanda, and ang panget ng lumaki na walang alam, kahit maghugas ng plate, or mag ayos ng pinaghigaan.”

    Paalala pa niya sa kapwa niya magulang, “Turuan na nila habang bata pa, kasi importante na may alam naman sila small chores lang naman.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Wala ding problema si Katrina sa pagbigay ng regalo kay Katie katulad nitong Kapaskuhan dahil “mura lang naman ’yong mga gift na natutuwa siya.” Uuwi silang mag-ina sa kanyang hometown sa El Nido, Palawan upang magdiwang kapiling ang kanilang pamilya.

    Marami tayong bukambibig sa pagdisiplina ng ating mga anak pero wala naman etong epekto. Basahin dito ang mga halimbawa ng mga linyang hindi na dapat sabihin.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles