embed embed2
Limang Senyales Ng Teenage Depression
PHOTO BY Pexels
  • Ayon sa pinakahuling tala, mahigit tatlong milyong Pilipino ang mayroong depression. Sa katunayan, ang ating bansa ang isa sa mga may pinakamalalaking naitalang bilang ng mga taong biktima ng sakit na ito sa buong Southeast Asia. Ang masaklap, karamihan sa mga kasong ito ay mga batang edad sampu hanggang labingsiyam. 

    Paano mo nga ba malalaman kung mayroon na nito ang isa sa mga anak mo? Narito ang mga senyales na maaari mong hanapin:

    Laging siyang matamlay at malungkot

    Normal lang na makaramdam ng lungkot at low moods lalo na kapag nagdadalaga at nagbibinata. Ngunit sa teenage depression, maaaring maging continuous at persistent ang kalungkutan.

    Kalimitan, may mga bagay tayong ginagawa para maalis tayo sa kalungkutan tulad ng pagluluto, panonood ng ating mga paboritong palabas, o ‘di kaya ay pagpunta sa ating mga paboritong lugar. 

    Kapag ang anak mo ay may teenage depression, maaaring ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya o nakakatulong kapag nalulungkot siya ay hindi na gagana. Maaaring mapansin mong hindi na siya interesado sa mga ito.

    What other parents are reading

    Iritable siya

    Katulad ng kalungkutan, normal lang din naman na makaramdam ng pagkainis sa ibang tao, ngunit maaari rin itong maging sintomas ng depression.

    Kalimitan, hindi ito napapansin dahil maaaring isipin mo lang na moody ang anak mo o hindi naman kaya ay may pinagdadaanan lang ito nang araw na iyon.

    Huwag itong palampasin. Kung napapansin mong nagagalit na lang basta ang anak mo o hindi naman kaya ay basta ka na lang nitong inaaway, maaaring mayroon siyang teenage depression. 

    Madalas niyang maramdaman ang kawalan ng pag-asa

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maraming nagbabago sa katawan ng isang teenager kaya normal lang maramdaman nilang helpless sila—bahagi ito ng paglaki. 

    Malalaman mong teenage depression ito kung tumatagal ang pakiramdam ng higit sa isa o dalawang linggo. Kung napapansin mo o ‘di kaya ay nagsasabi ang anak mo ng mga pakiramdam tulad ng guilt, fear, hopelessness, at helplessness, maaaring mayroon siyang teenage depression.

    What other parents are reading

    Lagi siyang isolated

    Okay lang ang paminsan-minsan ay mag-isa ang anak mo sa piling ng kanyang isipan. Healthy rin naman ang sapat na panahon ng pagmumuni-muni. Ngunit kung napapansin mong madalas siyang nag-iisa o hindi kaya ay mas gusto niyang walang kausap, maaaring sintomas na ito ng teenage depression.

    Wala na siyang interes sa mga bagay na dati’y nagpapasaya sa kanya

    Kung dati’y paborito ng anak mo ang afterschool activities pero ngayon ay biglang ayaw na niya ito, maaaring mayroong mas malalim na dahilan.

    Kung napapansin mong hindi na siya masaya sa mga bagay na gustong-gusto niyang ginagawa, baka dapat ay kausapin mo na siya para malaman kung may kakaiba ba siyang nararamdaman. 

    Tandaan na ang depression, teenage man it o postpartum, ay walang mukha. Ang mahalaga ay ang awareness mo sa mga pagbabago sa iyong anak.

    What other parents are reading

    Kung sa tingin mo naman ay walang nagbabago sa anak mo ngunit natatakot ka na mayroon siyang inililihim na nararamdaman sa iyo, makakatulong na malaman niyang nariyan ka ano mang oras niya kailanganin ng kausap. Importanteng alam niya na kung may sabihin man siya sa iyo, hindi mo siya huhusgahan at pagagalitan.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Ang mga biktima ng depression ay kalimitang hindi nagsasalita at mas pinipili na lang na magkunwaring okay sila dahil mas madali ito kaysa ipaliwanag kung bakit sila malungkot. Kaya naman importanteng sabihin mo sa anak mo at iparamdam mo sa kanya na nariyan ka at walang halong panghuhusga, galit, at disappointment kung may nararamdaman man siyang kakaiba sa kanyang sarili.

    Ang pagiging open sa mga ganitong usapin ang isa sa mga paraan para makatulong na i-encourage ang mga may depression para humingi ng tulong. Huwag mong hayaang pangunahan ka ng takot, hiya o ano pa man. Ang depression ay totoong karamdaman na kailangang ilapit sa mga medical professionals para maagapan bago lumala.

    Nakakaranas ka ba ng depression ngayon? Huwag kang matakot na humingi ng tulong. Narito ang ilan sa mga institusyong mayroong mga libreng serbisyo.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close