embed embed2
  • Naka-Relate Ang Mga Nanay Sa Drawing Ng Bata Na Nakalagay, 'Mommy, Are You Done?'

    Malaking hamon ngayon kung nagtatrabaho ka rin sa bahay.
    by Jocelyn Valle .
Naka-Relate Ang Mga Nanay Sa Drawing Ng Bata Na Nakalagay, 'Mommy, Are You Done?'
PHOTO BY Shutterstock/Sellwell
  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparentingsubmissions@gmail with the subject "Real Parenting." Click here to read more 'Real Parenting' stories

    Napakalaking hamon para sa working parents na mahanap ang balanse sa pagitan ng pamilya at trabaho. Naging mas mahirap pa ngayong pandemic ang kadalasang work-at-home arrangement dahil lumalabo ang linya na naghihiwalay sa pagtatrabaho at pagtataguyod ng pamilya.

    Kaya marami ang nakaka-relate sa sitwasyon ni Priya Amin, ang chief executive officer ng isang virtual babysitting company nakabase sa United States.

    Ibinahagi niya sa kanyang Linkedin account ang drawing ng kanyang 6-year-old kung saan makikita ang isang bata na nagtatanong, “Mommy, are you done?” Ang sagot ng mommy sa drawing, “No.”

    Kuwento ni Priya na nasa kalagitnaan pa siya ng pagtatrabaho nang iabot sa kanya ng anak ang drawing, lampas ala-sais na ng gabi. Ang malungkot dito, sabi niya, halos gabi-gabi na katulad ng drawing ang kanilang scenario sa bahay.

    May mga aral na mapupulot sa mga ipinunto ni Priya na challenges para sa working parents. 

    Pagiging attached sa technology

    Bagamat nakakatulong ang technology para maging posible ang remote work, hindi maikakaila na nagiging abala ito sa family life. May mga pagkakataon kasi na walang tigil ang notifications na nagpapaalala ng dapat gawin sa trabaho.

    Pag-amin ni Priya, “My ability to separate from my device has become harder and harder these past few months, exacerbating the imbalance of it all.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Marami pa raw remote workers ang nahihirapan na kumawala sa trabaho kahit tapos na dapat ang work day or work week. 

    Overwhelming ang dami ng dapat gawin 

    Bukod sa pag-aalaga sa anak, nariyan pa ang pag-aasikaso ng homeschooling ng mga bata at pagpapatakbo ng household. Ang nangyayari tuloy, nakakain ang oras ng trabaho upang makasaglit sa gawaing pang nanay o tatay naman.

    Kung susumahin, aabot daw sa three hours ang lost productivity kada araw, ayon sa isang pag-aaral.

    Pagkakaroon ng guilt 

    Dahil nahahati ang atensyon para sa pamilya at trabaho, hindi maiiwasan na maging guilty. Pakiramdam mo raw kasi hindi sapat ang nagagawa sa isang araw at hindi naibibigay ang “best mentally or emotionally.”

    Guilty ka rin daw na “transactional time” lang ang napupunta sa mga anak, imbes na “intentional, meaningful time.” 

    Karagdagang tulong mula sa employers

    Pansin ni Priya na ang pagtatrabaho sa bahay kasabay ng obligasyon sa pamilya ay malaki ang epekto sa mental health at nauuwi sa mom rage o parental burnout.

    Kaya nararapat na pagitingin pa ng employers at organizations ang pagbibigay ng suporta sa remote workers sa pamamagitan ng “real and meaningful ways.”

    Para, aniya, magkaroon ng balanse sa bitbit nilang bagahe na sakop ang mental, emotional, at physical.

    Paalala lang ni Amin sa tulad niyang working parent na hirap sa sitwasyon: “You aren’t alone.” Marami pa raw na remote workers ang struggling at nakakaramdam ng “failing at balancing it all.”

    Sana lang daw magkaroon ng “better support systems” at “tools to balance” upang gampanan ang lahat ng responsibilidad. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles