Tatlo sa apat na mga anak nina Gladys Reyes at Christopher Roxas (real name: Jean Christophe Sommereux) ang magtatapos sa iba-ibang school level.
Ang panganay na si Christophe, 17, ay graduating sa Grade 12 (senior high); ang ikatlong si Grant sa Grade 6; at ang bunsong si Gavin sa kindergarten. Samantala, ang ikalawang anak at nag-iisang babae na si Aquisha ay aabante naman sa Grade 10. (Basahin dito ang panahong hirap silang mag-iina sa online learning.)
Kaya naman "one proud mama" si Gladys. Ikinuwento ng actress-TV sa isang Instagram post na multitasking ang ginawa niya sa para sa graduation pictorial ng kanyang mga graduates.



Sa sumunod na post ni Gladys, na may negosyo ring catering katuwang si Christopher (ang Sommereux Catering), ibinalita niyang pasado ang senior high school na ngayong si Christophe sa tatlong universities.
Natanggap si Christophe bilang freshman sa University of the Philippines-Diliman campus sa kursong BA Theatre Arts at waitlisted sa isa pang kurso na BS Hotel Restaurant and Management. Natanggap din siya sa De La Salle University at University of Asia and the Pacific (bilang merit scholar na 75% ang diskuwento sa tuition at iba pang fees).
Hindi pa lang masabi ni Gladys kung may napili na si Christophe na papasukan sa college.
Basahin dito para sa tips kung paano magpalaki ng successful na anak.